"Tulog e. Miss na miss ka na nga sinabi ko na lang pupuntahan mo siya malapit na." Napabuntong hininga na lang ako. Kids.
"Sige mommy kiss mo na lang ako sa kanya." Isang linggo bago ulit kami nakapagvideo call ni Mommy.
"Ikaw kamusta ka diyan?" tanong niya.
Hindi alam ni mommy na nasa barko ako buti nga nandito ako sa loob ng cabin nung tumawag siya. Ayaw kong mag explain sa kanya. I just don't want to talk about it.
"Maayos naman"
Pinagaan niya ang loob ko. Syempre kahit wala na ko sa pinas ay nakikipag-usap pa din ako sa pamilya ko.Hindi ko naman siguro kakayanin lahat to pag hindi.
I'm an independent woman. I can take care of myself, but I also need them kahit virtual lang ang kanilang suporta.
My brother is now a doctor si ate Chrysler ay nanganak ulit, dalawa na sila ni Lhexine. Si ate kaye naman ay malapit na magpakasal. Binibisita rin nila ako minsan at madalas kaming mag-usap online. Kuntento na rin naman ako doon.
Kinamusta ko din ang Kathnails ang pinaka-baby ko. Lahat ng branch ay ipinaubaya ko kay mommy tutal hindi na naman siya manager kaya iyon ang pinagkakaabalahan niya. I'm happy na kahit papano ay nakakatulong pa rin ako sa kanila. Ayaw nilang tumanggap mula sa'kin ng pera na galing sa mga negosyo ko sa Europe pero napilit ko sila about sa Kathnails. Nung mga nagdaang taon ay naapektuhan ang negosyo ng isyu kaya medyo nalugi nagsara pa ang ilang branch. After five years ay unti unti din namang nakabangon at ngayon ay halos balik na sa dati ang lahat.
Matapos makipag-usap kay mommy ay nagkaroon ako ng online meeting kasama ang mga managers ng Chanails. Hindi ako sanay na hindi hands on sa business kapag ako nakauwi iisa-isahin ko talaga bawat branch pati na ang water spa.
Nang matapos ang lahat ng updates sa negosyo ay nag-inat inat ako.
Bukas na dadaong ang barko kaya pinili kong mag-impake ng mga gamit. They provide free laundry services here so hindi problema ang mga maruruming damit.
Parang hanging dumaan sa bilis ang nga araw. A week ago I came here without any clue na nandito siya. Two days ago nangyari yun.
When I kissed Rafael, James stopped singing and everyone was alarmed. He didn't punch Rafael which is good. Ang ginawa niya lang ay mag walk out. Of course! Kita ng mga mata niya na ako ang humalik kay Rafael.
That was my plan ang ipakita at ipaintindi sa kanya na wala lang sa'kin ang lahat, wala siyang halaga at maaari din akong magkagusto sa ibang lalaki.
Rafael coordinated to my plan tho' kahit hindi naman ako nagkwento sa kanya.
He grabbed my waist closer and deepened the kiss. Nang mapadaan si James sinabi ba naman.
"Can we go back to your cabin? I think I left my phone on your bed." kahit ako nagulat sa sinabi niya.
Napatigil si James at kumuyom ang kamao.
Hinabol pa siya nung ilang miyembro ng banda nagulat sa pagwa-walk out niya.
Lahat ng tao ay nakatingin sa kanya pero hindi siya nagpapigil at umalis.
Agad akong lumayo kay Rafael nang mawala na su James.
"What was that?"
"What? I was just helping you. I noticed you're trying to get rid of him and this is the perfect chance and fuck it really is." tawang tawa siya proud na proud sa ginawa.
"Btw I remember the kiss at the bar and him punching me" nag-iba ang ekspresyon nito, iritado pero napangisi din.
"Wow It feels good to get back at someone through emotional torture to someone who hit me physically."
He's insane. He actually pretended like he can/t remember to execute his plan?