As much as I want to distance myself away from him ay hindi ko naman gustong patagalin pa ang misyon ko. Iyon ay ang bilhin sa kanya ang binili niya mula kay Tutti.
I went to a Cafe on the 12th deck. The view here is spectacular you'll feel close to the ocean plus I have a nice view of the flow rider surf simulator.
Hindi na dapat pa ako mag-aksaya ng panahon I need to talk to him now and be professional at pigilan ang ano mang emosyon at past issues to come in between us. This is business labas ang mga personal naming buhay dito.
Alam kong hindi ko na maiiwasan pa the best solution is to talk it out, magkasundo at maglaho na parang bula sa buhay ng isa't-isa.
Topless and shining James Reid is making his way palapit sa table ko.
Iniwas ko ang paningin baka kasi isipin niya I'm checking him out.Napatingin tuloy ako sa suot ko. I'm wearing a red bikini and a cover up.
Well mukhang nakukuha niya naman ang sapat na atensyon, girls around him of different nationalities are bluntly checking him out.
.
Agaw pansin naman kasi ang katawan niyang parang hinulma. Iniwas ko ang paningin. Classy bitch saw a lot of that over the years, I'm used to it.Nang makaupo siya ay agad akong nagsalita.
"Tutti sold his share to you without informing me, hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun pero I want it back." Kailangan na naming tapusin sa lalong madaling panahon.
"Easy" he smirked. " I'll order first" aniya na nagpatameme sa akin.
Okay maybe I was a bit rude. Hinayaan ko siyang magtawag ng waiter at mag scan sa menu.
Hindi ako gumagalaw sa kinauupuan at diretso kang na nakamasid sa kanyang animo'y seryosong seryoso sa pagtitingin sa menu.
He looks hot from here holding the menu while thinking deeply.
Tapos kita ko pa mula dito ang tattoo niya sa daliri. Napatingin tuloy ako sa sariling daliri. Itinago ko iyon.
Pinigilan kong mapakunot ang noo nang katulad ng kape ko rin ang in-order niya.
Nang maibaba ang menu ay magsasalita na sana ako
"So how was the cruise experience so far?" aniya na may ngiti sa labi.
"Great" walang ka-gatol-gatol kong sagot, asa naman siyang magpapasalamat ako sa kanya.
"So as I was saying bibilhin ko ulit ang shares. Name your price" hindi na ko nagpaligoy ligoy pa.
"Sorry for his impulsiveness. I don't know what's on his mind then."
"uh-huh" tango niya. Parang naghihintay ng idadagdag ko pa.
"I think I don't need to tell you more, yun lang naman yung gusto ko. Ibebenta mo naman sa'kin ulit di'ba?" I tried to soften my features pero ang sarcastic ng dating hindi ko pinagpatuloy.
He chuckled.
Maya maya pa ay dumating ang kanyang coffee at bagel.
He sip and paid attention to me again.
Kahit naiinis ako sa kanya ayaw ko naman siyang galitin. Lalo na at may hawak siyang alas laban sa'kin.
I sipped on my coffee too para maramdaman niyang nakikisama ako sa kanya.
"Okay?"
What? He wants me to say more?Hindi ko pinahalata ang inis.
"My company is my life right now iyon lang ang meron ako. I need to at least take care of it."
Sabi ko pa.