Chapter 16.1
Franzia’s POV
Nandito ako sa may Canteen at nakaupo sa pinakadulo ng upuan, sa may pinakatago at kung saan malapit yung pintuan sa Canteen.
Wala akong kasama ngayon kasi nagditch muna ako ng isang subject....
May hinihintay kasi akong special guest sa performance ko ngayon, excited much na talaga ako >: )
“Kyaahhh!!!! NAndito na sila!!”
“Prince Rocky you’re so cool! Kyaah!”
“Ang gwapo mo talaga Prince Travis!!”
“Can i kiss you, Prince Artelle!? Kyaaahh!”
“Can you say i love you Prince Craig?”
“Kyaaahh!! Prince Gio ang cute nyo talaga sa nerdy type mo! Kyaah!”
Hmm.. isang grupo lang naman ang alam kong pinagkakatilian ng mga babae dito eh.. at ito ang hudyat na hinihintay ko...
Tinignan ko muna sila upang makonfirma. Pagkatapos nilang magorder ay umupo na sila sa kanilang place. May place kasi sila dito sa Canteen na sila lang ang pwedeng umupo Oh Di ba? Sosyal ng lolo niyo -_-“. Nang maging busy sila sa pag-uusap ay tumayo na ko.
Pumunta ako sa Counter na wala ng pila.
“Hello po aling Marta!” nakangiting bati ko.
“Oh neng, ikaw pala anong order mo?” tanong sa akin ng bago kong naging kaclose na si Aling Marta.
“ahm.. paorder po ng pudding, lasagna, sphagetti, fries, burger and anything basta desserts”
“Oh neng, dami naman ng oorderin mo at puro desserts pa.. itinigil muna ba ang pagda-diet mo neng?”
Napatawa naman ako. “hindi po aling Marta, may pagbibigyan lang po ako..” sabi ko habang isa-isa kong nilalagay yung mga tray sa may vacant seat.
Nang malagay ko na lahat ng tray sa lamesa ay tumayo ako sa may upuan.
“Who wants desserts?” sigaw ko.
Nagtinginan lang yung mga estudyante sa akin. Yung mga iba nagbubulung-bulungan pa. Nakita ko sa pheriperal vision ko na busy pa rin sa pakikipag-usap yung lalaking yun.
Nagtataka pa rin ang mga ito. Oh! I forgot! Baka akala nila na nagbebenta ako!
“It’s free at galing ang mga ito sa lalaking iyon..” sabay turo sa lalaking nakatingin na sa akin ng gulat na gulat ngayon.
BINABASA MO ANG
Student Council meets Campus Heartthrob [On-Hold]
Teen FictionNang Nalulugi na ang School na Saint Adela Academy kinelangan ng magsara na pinag-aaralan nila Kelsih, Franzia, Shontelle, Traiella, at Charlotte na isang Student Council sa School nila kaya napilitan silang sumangayon sa suggest ng Principal ng Per...