Single ka ba?
yung tipong parang napaglaruan ka ng tadhana at nagkampi kampi ang buong universe laban sayo?
Iniwan ka ba?
By chance?
By accident?
Magmamahal ka pa ba?
Magtitiwala?
o
Magtatanim ng galit..
Magiging man hater..
Maghihiganti
ano ang kaya mong gawin para sa ibang tao na nagmamahal sayo? sa minamahal mo at para sa pangarap mo?
Ako si Euphemielle 'euphie or yel' Flores. 22, at sundan natin ang kwento ng pag-ibig ko.. yess hehe joke, ang kwento ng buhay ko. Wag kayong mag.alala, walang lalabas sa screen ng phone niyo na nakakatakot na bata galing sa balon o kaya magtetext sa inyo ng 7 days. Hehe
titititit..titititit..(alarm)
Inaantok pa 'ko.. 4 am na pala..nakakatamad pumasok..tsk.. -__-
Kahit na inaantok kelangan bumangon..punta sa banyo,ligo,bihis,kaen ng almusal,silip sa natutulog na miyembro ng pamilya,alis,trabaho,uwi,kaen ng hapunan,tulog.
Yan ang araw araw na routine ko. Walang labis,walang kulang.
(Sa office..)
Yess, sakto time in ko, dala ko ba yung iniipit ipit kong biscuit sa bulsa ko? :)
Oo nga pala, sa isang malaking kumpanya ako nagtatrabaho, isa akong data encoder sa department namin..malaki ang sweldo,may good benefits,may magandang uniform at mababait na katrabho..niwala kayo? Hhehe.
Dalawang taon palang ako sa Company na pinapasukan ko. At natutuwa ako dahil sa laki ng tiwala sa akin ng boss ko, utang na loob ko sa kanila ang trabaho ko dahil kahit alam na nila na makulit ako ee di nila ako tinatanggal sa trabaho naks. Ako na diba.
Gutom na 'ko.. Yel may biscuit ka?- ishi
Oo tago mo baka makita ng iba mag sumbong pa..-ako
Yung kausap ko.. si Ishi yon. Ang kasama ko ng madalas sa office, actually apat kami, si Ishi (yung pinaka sexy), si Leidi (kpop fan), si Che(kung laude..este cumlaude) at si kuya Jeoff (na napromote at nailipat ng department).Agad kong dinukot sa bulsa ang dala ko at iniabot ito ng palihim.
Ako bahala..penge gutom na ko..-ishi
Dito sa office bukod sa paperworks ang ginagawa namin, ang pinaka hobby na dito ang makipag chit.chat,kumaen ng patago at..
Yel tignan mo to oh.. may bagong upload na pics yung favorite nating japanese actor-lei
Talaga te Ydal..? Patingin..wahhhhhh ang pogi talaga ni Takeru. - ako
Maghapon,araw araw, walang sawa ang daldalan namin siyempre maliban nalang kung sisitahin kami. Heheh. Tigasin.
Blah..blah..blah.. (type.type.) hahahaa,,hohoho..(breaktime) blah..blah..(type.type)
Yun..uwian na. Hahah bilis ng oras. *wink*
Lagi ako nasakay ng tren, tapos pababa e nilalakad ko nalang pauwi..para tipid. Sa trabaho nalilibang ako,masaya,hahah
Pero..
Bawat pagbukas ko ng pintuan ng bahay namin, iba ang mundo ko.
Pagbukas ko ng pintuan..
Ano? Mukhang hapon ka nanaman nakauwi ah. San ka pa nagsusuot a? -tita
Ano ba kayo tita,natural nagbbiyahe ako kaya hapon na ako makauwi, alangan lilipad ako..-ako
Yan ang tita ko super higpit sa akin siyempre yun ang bilin ng tito ko na nasa Italy ngayon na nagtatrabaho bilang Engineer, kasama ko dito sa bahay ang tita ko at mga pinsan ko, si Jeff nagtatrabaho din sa isang construction company,si Chris na nagaaral naman sa Dota academy hhaha joke,comsci student siya sa isang magandang school. Nakikitira lang ako dito sa bahay nila dahil sa kasamaang palad, patay na parents ko at ang tanging pamana na iniwan nila sa akin ay.. haizz isang maliit na box na di ko pa alam ang laman. Iniisip ko nga baka ginto ang laman o di kaya mapa ng kayamanan.. sana nga. Haha
Ano ulam tita? -ako
Wala. Di bumili ka -tita
Ako? Sakto nalang to pama...~~
Hahanap hanap ka ng ulam wala ka namang binibigay na pambili, di matuto ka kumaen na walang ulam -tita
Oh diba.. panis lang sa punchline ng tita ko. (Pag akyat sa kwarto..) *tsss*
Welcome to my own world..yess at last nasa Jupiter na ako.. choss. Andito na ako sa kwarto ko, ang sarap tignan ang linis at mukha agad ni Ken--kenshin ang makikita ko heheh
Sabay bagsak ng gamit, higa sa kama, yakap sa stuff toy na Kenshin at kikilig kilig.
hayss Kenshin baby kapagod sa trabaho..(kurot sa pisngi ng stuff toy) bakit ba ang cute cute mo.. heheh
Biglang bangon lang kuha ng laptop..maghihintay ng hapunan.
Pagkatapos ng hapunan, tulog agad..
Ito lang ang kalakaran ko sa buong araw..ang boring diba pero okay nang ganito. Parang sa ganitong buhay kontento na ko.
-umm..masyado po bang maikli ang intro ko..sorry po.. first time ko lang po mag create ng story. - hehe hope you enjoy po :)