Chapter 4: Give it a shot

94 3 3
                                    

Andun na kaya si Lindsey.. tsk. Patay ako baka di niya ibigay yung Kangaroo na pasalubong niya sakin.

(Euphie's POV)

Grabeng tadtad ako ng mensahe sa cellphone ko. Nasa biyahe na ako pero tuloy pa rin sila sa pagtetext. Excited lang?

Sa kakamadali ko nga ee sa taxi ako sumakay at nagpahatid sa airport. Paghinto sa waiting area..

Maam, 277 pesos po metro niyo.. sabi ng mamang taxi driver

Ahh..teka lang ha. Bunot naman ako sa wallet ko. At sa nakakainis talaga na pagkakataon, 235.25 nalang ang laman ng wallet ko. Gosh, bumili nga pala ako ng tissue at nagpa load. Naku,, pano toh..

Umm.. kuya di kaya sira ang metro niyo? Hirit ko lang. Malay mo ba makalusot hehe

Ano miss?! Bagong bago tong taxi na sinakyan mo. At tsaka kita naman ninyo ang layo ng biyahe. Kamot ulo si kuyang driver na naiinis.

Ah..oo nga noh.. hehe.. sandali lang ha..kulang po kasi ng mga 30 plus yung cash ko e tumatanggap po ba kayo ng credit card? Isa pang banat. Haha.. may credit card ako ee. Ang problema may swiper kaya .. malay mo naman heheh..

Ano naman akala mo sakin miss supermarket.? Magbayad na kayo oh andaming pwede pang maging pasahero,sasakay sakay ng taxi wala naman palang pambayad..tsk. inis na sagot nung kuyang taxi driver.

Naku naku naku naman.. di naman friday the 13 today. Panu kaya to..hmm.. baka mamaya isagasa nalang ako ni kuya dahil wala akong pambayad. Bigla ko nalang binunot ang cellphone ko at..

[Hello, Euphy yel san ka na? Dito kami sa may north wing ng airport..?]

Sunduin niyo nga muna ako dito sa may bandang entrance.. sa may tapat ng Jollibee.. bilisan niyo ah..

[Ikaw nalang pumunta dito mamaya niyan walang maabutan yung isa..magtampo pa yun,]

Nakakahiya man..

Puntahan niyo ako.. wala akong pambayad sa taxi -_-" kahit si Essie nalang ang papuntahin niyo.. bilisan niya kamo.. baka makita niyo nalang katawan ko sa landing area ng eroplano ipapatay na ako ng driver ng taxi.

[Hahahah.. oo sige teka lang papuntahin ko si Essie diyan..bye]

*__*

Ilang minuto lang dumating na si Essie at binayaran ang driver ng taxi. Inis na inis ang driver haha di ko siya natalo sa tawaran. Pero at least.. sakto lang ako.. pagdating namin sa waiting area..

Mhoks kate.. si Lindsey na ata yun oh.. turo ko sa babae na naka shorts lang at may bitbit na hand carry na bag.

Ano ka ba naman mhoks Euphie.. oo mahilig mag shorts yun pero di yun nagshoshorts pag galing abroad. -__- kate

Gutom na ko mga mhoks.. matagal pa ba.. nga pala san tayo after natin dito sa airport.. nakakainip. -Reiko

Baba muna tayo sa Crib, tapos bar tayo.. hmm ano call?? -Essie

Bar??? Meaning, bubunot nanaman ng pera.. sus miyo marimar.. -ako >>,<<'

Nga pala di ko pa naipapakilala ng pormal sa inyo ang super best friends ko. Lima kaming magtotropa..

Panganay si Reiko Stevenson, well literal panganay siya talaga, siya lang naman ang anak ni Mr. Richard Stevenson, ang may ari ng pinakamalaking Pineapple Farm sa Pilipinas,

Love Locked in a ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon