36

69 5 0
                                    

Damon …

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Damon …

I don’t know how to fight anymore. I don’t even know how to love you and hold onto us. Thank you for being the best part of me. Ikaw na yung pinakamagandang bagay nangyari sa buhay ko. Minahal kita kahit na alam kong malabo na mahalin mo rin ako. But then, you did. And you made me love you even more. Naging malinaw ang mga bagay-bagy sakin nung minahal mo ako. Nagkaroon ako ng kaunting pag-asa na magkasama tayong lalaban at tatapusin ang laban na ‘to.

Pero eto, mag-isa na naman ako. Dapat pa ba akong lumaban? O dapat na akong sumuko?

    Mahal na mahal kita. At sana, hindi mo nakalimutan yon.
 
Kath

 
Hindi ito nagkataon lamang. The letter has my name and her name on it. Saan ito nakuha ni Kurt? Bakit niya ito ibinigay sa akin? Si Kathy ba talaga ang gumawa nito? O ginawa lang ito ni Kurt para lalong maguluhan ang isip ko?

Mahal na mahal kita. At sana, hindi mo nakalimutan yon.

Napahawak ako ang sintido ko. Binabasa ko lamang ang mga katagang iyon kanina. Ngayon ay paulit-ulit na iyon sa isip ko. Yung mga salitang iyon na unti-unti nagiging tinig. Tinig ng isang babae. Isang pamilyar na boses ng babae.

Napapikit ako.

Bakit hindi kita maalala?

Minahal ba kita Kathy? Or should I say ... hanggang ngyaon mahal pa rin ba kita?

Pero bakit hindi kita maalala? Bakit hindi ko maaalala kung paano kita minahal?

At kung paano mo ako minahal? Kung paano mo ako pinaglaban? Bakit? Anong nangyari?

Talaga bang iniwan kita?

Nasaktan ba kita?

Umiiyak ka ba dahil sakin?

Gustong sumabog nang utak ko sa mga katanungan na iyon. Nahihirapan ako. Nahihirapan na akong kilalanin ang sarili ko. Sino ba talaga ako?

“Psssst!”

Nagulat ako nang marinig iyon mula sa di kalayuan. Pinilit kong hanapin kung saan nanggaling ang sitsit na iyon.

“Damon ako ‘to.”

Boses ng babae. Boses ni …

“K-Kathy?” Atsaka ko lang naaninag ang mukha niya. “Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah.”

“Pumunta ako dito kasi may ibibigay ako sa’yo.”

“Ano yon?”

Mula sa kanyang likuran ay inilabas niya ang isang nakakasilaw na bagay. Kulay puti iyon. Kumikinang at nakabibighani.

“Ano to? Isang rosas?”

“Well, yes. But it’s a crystal rose. Ibinigay iyan sa akin ng lalaking minahal ko nang sobra. Sabi niya nagbabago raw ang kulay nang rosas, depende sa nararamdaman ko.”

I was amazed with what she just said. A rose that changes its color depending on what she feels? Magical, isn’t it?

“Bakit mo ibibigay sakin? Anong kinalaman ko sa rosas na yan?”

Ngumiti siya. “You are every part of it. And besides, sa’yo iyan. Ibinabalik ko lang sa’yo.”

“H-Ha? Akalak ko ba galing ito -“

“I’m sorry, I need to leave now. I don’t have much time. Sana matulungan ka ng rosas na iyan na maalala ang lahat ng mga bagay na nakalimutan mo.”

Hindi ko siya maintindihan.

“Please, kung ano mang binabalak mo … wag mo ng ituloy.”

Bakas sa mukha niya ang pagkabigla nang marinig niya ang sinabi ko.

“A-alam mo ang gagawin ko?”

“Kung ano mang dahilan ng depression mo. Kung nasasaktan ka. Kung kinalimutan ka ng taong mahal mo. Hindi kamatayan ang sagot para maging malaya ka.”

“H-Ha? Ano bang sinasabi mo?”

Ipinakita ko ang sulat sa kanya. “I’ve read your letter.”

“Saan mo napulot yan?”

“My cousin, Kurt, gave it to me. Do you know him?”

Nakangiti siya habang umiiling. “Keep it. Para yan sa lalaking mahal ko.” Hinawakan niya ang kamay ko. At nakakapagtaka, hindi ito umiwas kay Kathy.

“So, hindi ka magsu-suicide?”

“No. I’ll be back. Babalik ako at babawiin kita.”

Marami pa sana akong itatanong sa kanya. Pero agad siyang umalis at nawala sa paningin ko. Tinignan ko ang rosas na hawak ko ... kung kanina’y kulay puti iyon, ngayo’y kulay pula na ito.

Pumasok ako sa mansiyon at pumasok sa kwarto ko. I made sure that my door was locked. I wanted to be alone. Naupo ako sa kama at sumandal sa headboard nito.

Muli kong tinignan ang crystal rose na hawak-hawak ko.

“Pipilitin kong maalala ka Kathy ...”

 
Nag-isip ako ng mga bagay na maaring makapag-paalala sa akin ng kahit ano tungkol sa kanya. Siguro nama’y may mga bagay dito sa loob ng silid ko ang may ala-ala niya.

Damit?

Libro?

Upuan?

Kahit ano.

Tumayo ako at kinalkal ang aparador sa tabing bintana. Malay mo ... may isang bagay na makakapagpaalala sakin kay Kathy na nakatago lang sa aparador na ito.

Nakita ko ang isang gitara.

Hinawakan ko iyon at sinimulang kalabitin ang mga kwerdas nito. At nakapagtataka, marunong akong tumipa ng gitara.

Pumikit ako habang yakap ang gitarang iyon. Habang tumutugtog.

Adik sa’yo

Awit sa akin, nilang sawa na saking mga kwentong marathon.

Tungkol sa’yo, at sa ligaya

Na ‘yong hatid sa aking buhay

Tuloy ang bida sa isipan ko’y ikaw …

Kumakanta ako? Atmay isang babaeng nakatingin sakin?

Ah - hindi. Nakatitig siya sa akin.

Nasa harapan ko siya ... katabi ang ... katabi ang mga gamit ko.

S-sino siya?

Malabo.

Hindi ko maaninag.

“Hoy! Tulala ka na naman.”

“Wag mo nga akong hino-hoy! May pangalan ako, Kathy!”

“Okay Kathy, ayusin mo na mga gamit ko. Gusto ko ng umuwi.”

Ipinilig ko ang ulo ko. Habang humahangos. Pakiramdam ko’y bigla akong naubusan ng lakas.
Kinapa ko ang kabuuan ng gitara. Naramdaman kong parang may naka-ukit sa ilalim nito. Nang tignan ko ito ay muli akong bumalik sa tanong na, ‘Bakit hindi koi to maalala? Bakit hindi ko maalalang ginawa ko ito?’

11<34
 

Sino.Ba.Ako?

The Devil's Son [D1] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon