4

205 7 1
                                    

Anong nangyari kay Damon?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Anong nangyari kay Damon?

Nasaan ba talaga si Julia?

Si Julia ba ang dahilan kaya nagkakaganon siya?

Mga tanong na paulit-ulit sa isip ko. Mga tanong na si Damon lang ang makakasagot. Yung lalaki kagabi at yung lalaking sobrang hinangaan ko noong high school, sobrang laki ng pagkakaiba nila. Kung gaano ka-ingat ang paghawak sa baywang ko noon ni Damon ay siya namang sakit ng paghawak niya sa akin ngayon. Walang respeto. Walang pakialam. Paano kung tuluyan na siyang nagbago? Paano kung higit pa doon ang pwedeng mangyari sa akin kung patuloy kong aalamin ang nangyari sa kanya?

Kailangan ko na ba siyang layuan para sa sarili kong kaligtasan?

"Bakit hindi mo ako hinintay?"

Speaking of the devil.

Dinaig pa niya ang kabute na basta-basta na lamang sumusulpot sa kung saan-saan. Simula noong mag-volunteer ako bilang isang magiting na alipin ni Damon. Lagi ko siyang hinihintay sa tindahan sa tapat ng school. Araw-araw yon. Walang absent. Ako ang nagdadala ng mga gamit niya, habang siya naninigarilyo lang at walang pakialam.

Yes, you just read it right. May mga bisyo si Damon na sobrang ikinagulat ko. Mga bisyo na hindi naman niya ginagawa noong high school. Madalas din siyang mapaaway. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng naging record niya sa university, ayan pa rin siya, pumapasok pa rin. Hindi pa rin naki-kick out.

"Hoy, ano ba? Bingi ka ba? Bakit di mo ako sinasagot?" Ang aga-aga ganoon na agad ang tono ng boses niya.

Hindi pa rin ako nagsasalita. Tinapunan ko lang siya ng tingin.

"Dalhin mo nga 'to." Sabay hagis niya sakin ng mga gamit niya. Hindi ko alam kung manhid lang ba talaga siya o sadyang wala lang siyang pakialam sa akin. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Dahil pagkatapos ng nangyari kagabi, parang gusto ko ng kalimutang nakilala ko siya.

Ibinaba ko ang mga gamit niya. Tatalikod na sana ako at aalis na lang pero agad niya akong nahawakan sa braso. "Suko ka na ba?" Tanong niya sakin.

Hindi ako kumibo.

"Bakit mo ibinaba ang mga gamit ko? Sinabi ko bang ibaba mo yan?"

"Bakit ba napakamanhid mo? Bakit ba ganyan ka?" Kasabay ng pagsigaw ko ang pag-alis ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Hindi ko na napigilan pa ang galit na gustong sumabog mula pa kagabi.

Hindi siya sumagot. Para siyang tangang nakatitig lang ng mariin sa akin.

"So, ganon na lang yon Damon? Hindi ka man lang ba magso-sorry sa nangyari kagabi? Ha?"

Bahagya siyang napaatras.

"Halos mamatay na ako sa takot kagabi! Bakit mo ako iniwan?" I felt something warm on my face. Too late to realize, umiiyak na pala ako sa galit.

"Sinabi ko naman sa'yo na umuwi ka na di ba?" Nagsalubong ang kilay niya. And I know that gesture. He was trying to be in control. Lalo lang akong nagagalit sa ginagawa niya. All he had to say was sorry. Bakit ba parang ang hirap-hirap noon para sa kanya?

"I quit." Mahina kong sabi. "Ayoko ng dalhin yang bag mo. Ayoko ng dalhin yang gitara mo. Ayoko ng lumapit sa'yo. Ayoko na! Suko na 'ko!" Tumingin ako sa kanya ng diretso. "Hindi ka marunong magpahalaga. Hindi ka tao!"

Finally, he let me walk away. Pero habang humahakbang ako palayo sa kanya, mas lalo akong nasasaktan. Parang may isang milyong karayom na tumutusok sa puso ko. Hindi ako makahinga. And the worst part is, I was still hoping that he would say 'sorry' and he would make me stay.

"Kathy."

Saglit siguro akong nawala sa sarili ko dahil hindi ko naramdaman ang paghabol niya sa akin. Huli na para umiwas ako. Naramdaman ko na lang ang kamay niya na hawak na naman ang braso ko.

"Stop crying."

Hindi ko alam kung utos ba iyon o pakiusap. Ang alam ko lang, gusto ko siyang suntukin sa mukha. Hinabol niya lang ako para patigilin sa pag-iyak?

"Ano ba!" Singhal ko sa kanya. Hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. "Wala kang pakialam kahit umiyak ako maghapon!"

Hindi siya kumibo.

"You're insentive, self-centered asshole! Akala mo ba ganoon ka ka-importante sa mundong 'to? Tumingin ka nga sa paligid mo! Sino ba sa kanila ang gustong makipagkaibigan sa'yo? Wala! Wala kasi ganyan ang ugali mo! Wala kang kwentang-"

"S-sorry ..."

Tama ba ang narinig ko? Sorry? Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko yon mula sa kanya. And it somehow relieved whatever emotions I have. It suddenly calmed me down.

"Anong sabi mo? Sorry?" I want him to repeat himself. Baka kasi labas lang sa ilong ang paghingi niya ng tawad sakin.

"Sabi ko, wag kang umalis."

"Kasi? Wala ka ng utusan? Wala ka ng alalay? Di ba?" I crossed my finger. Ewan ko ba pero parang may gusto pa akong marinig mula sa kanya bukod sa salitang 'sorry'.

"Oo. Dahil wala na akong alalay."

I glared at him. Just as what I expected ... he didn't mean his sorry. Pinaglalaruan lang niya ang emosyon ko.

"Ewan ko sa'yo. Bahala ka sa buhay mo."

I was about to walk away again but then he tried to stop me, for the nth time. "Kasi ayokong sumuko ka sakin. Ikaw na lang ang meron ako Kathy."

Bingo!

Gustong tumalon ng puso ko sa narinig ko. Minsan kahit iniisip ko na isa na yata ako sa pinakamalas na babae sa buong mundo, meron pa rin palang swerte na darating sa buhay ko. Kahit na alam kong ang ibig niyang sabihin ay wala ng ibang magtitiyaga sa ugali niya kundi ako, masaya pa rin ako.

"Aalis ka pa?" Tanong niya sakin.

"Hindi na. Pero --" Tinaasan ko siya ng kilay. "Ayoko ng maging alalay mo. Ikaw na rin ang magdadala ng mga gamit ko mula ngayon."

"WHAT?!"

Biglang nanlaki ang laging naniningkit niyang mga mata.

"Okay. Madali naman akong kausap. Kung ayaw mo, di naman kita pipilitin." Then I paused. "Pero dahil wala naman akong dahilan para mag-stay, bahala ka na talaga sa buhay mo."

"No. No way. I can't. Ako? Magdadala ng gamit mo? Hell no!"

"Okay. Then I guess this is really goodbye." Saka ako kumaway sa kanya. Alam kong gustong-gusto na niya akong sabunutan sa mga oras na 'to pero sorry siya, nasa akin ang korona ngayon.

"Okay, okay! Panalo ka na. Gagawin ko na yung gusto mo."

Gusto kong matawa sa itsura ni Damon. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Pero wala akong magagawa, he asked for it. Now, it's my turn. Ako na ang boss!

The Devil's Son [D1] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon