55

109 6 7
                                    

THE 3AM WEDDING

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THE 3AM WEDDING

Umiiyak si Kathy habang naglalakad palapit sa altar habang nakangiti naman si Erick na naghihintay sa kanya. Sa halip na romantic wedding song ang tumutugtog ay hiyaw ng paghihinagpis ng mga kaluluwa sa paligid ang naririnig niya. Halos ayaw humakbang ng mga paa niya ngunit parang may kung anong humihila sa kanya upang humakbang ng kusa ang mga iyon.

Maya-maya'y tumugtog ang isang nakakapangilabot na kanta.

[Play the youtube video attached above]

Sunday is gloomy
My hours are slumberless
Dearest the shadows
I live with are numberless

Mahigpit na hinawakan ni Kathy ang bulaklak na hawak-hawak niya. Ilang minute na lamang ay magiging ganap na siyang kampon ng kadiliman. Ilang minute na lamang ay impyerno na ang magiging mundo niya.

Angels have no thoughts
Of ever returning you
Would they be angry
If I thought of joining you

Gloomy Sunday
With shadows I spend it all
My heart and I
Have decided to end it all

Nang marating niya ang altar ay inilahad ni Erick ang kamay nito. Labag man sa kanyang kalooban ay tinanggap niya iyon. Inalalayan siya nitong makaakyat sa iilang baitang na hagdan saka sila sabay na humarap sa altar ng kadiliman.

Ang mesang pinapatungan ng isang inuuod na libro ay nababalot ng telang itim. Ang mga kandila sa kanilang paligid ay lumuluha ng dugo. At sa halip na krus ang nasa harapan nila ay isang ulo ng animo'y kambing ang naroon.

"A-Ano yan?" Hindi niya napigilang hindi itanong kay Erick ang mga nakikita sa paligid.

"Iyan ang Sigil of Baphomet. Ang sumisimbolo sa simbahan ng satanismo."

Soon there'll be candles
And prayers that I said I know
Let them not weep
Let them know that I'm glad to go

Death is no dream
For in death I'm caressin' you
With the last breath of my soul
I'll be blessin' you

Walang anu ano'y lumabas ang isang napakaitim na anino mula sa kanilang harapan. Hindi na siya nagtaka pa kung bakit iyon naroon. Ngunit nagsimulang lamunin ng takot ang kanyang kaluluwa ng maramdaman niya ang kakaibang ihip ng hangin. Nakakapaso ang init noon.

"Sa wakas, matatapos na rin ang pinaghirapan ko."

Nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa kanya.

"Handa ka na bang mamatay, Kathy?" Saka ito bumulanghit ng tawa. Walang katumbas na kasamaan ang laman ng pagtawang iyon.
Lumuluha si Kathy habang hinihintay ang kanyang kamatayan.

Dreaming, I was only dreaming
I wake and I find you asleep
In the deep of my heart here

Darling I hope
That my dream never haunted you
My heart is telling you
How much I wanted you
Gloomy Sunday

The Devil's Son [D1] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon