"Bilisan mo ngang lumakad!"
Padabog akong sumunod sa kanya. "Akala niya yata ganon lang kadaling lumakad ng naka-takong! Nakakainis!" Pabulong kong sabi sa sarili ko. Isang dipa lang ang layo namin sa isa't isa at alam kong naririnig niya ako pero hindi siya sumasagot. Himala.
"Malayo pa ba tayo? Gabi na oh! Baka naman pwedeng hindi na kita ihatid sa pupuntahan mo? Kung pwede lang naman?"
"Teka-" Bigla siyang huminto. Nabunggo tuloy ako sa likuran niya at nalaglag ang mga dala-dala ko.
"Ano ba! Wala ka man lang pasinta-" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil bigla na lamang niyang tinakpan ang bibig ko at hinila sa mas madilim na bahagi ng kalsada.
Hindi siya nagsasalita. Nanatili kami sa ganoong ayos at hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit. Wala naman siyang ginagawang masama sakin at wala din akong makitang ibang tao sa kalsada kundi kami lang dalawa.
'Ano bang nangyayari?' Tanong ko sa sarili ko.
Biglang humangin ng malakas. Mukhang uulan pa yata. Kasunod kasi ng malakas na hangin ay ang malalakas din na pagkulog at pagkidlat.
Dahan-dahan akong binitawan ni Damon. "Umuwi ka na. Bilisan mo." Halos pabulong niyang utos sakin.
"H-ha? Bakit?"
"Wag ka ng magtanong! Umuwi ka na lang!" Saka niya ako biglang itinulak palayo. Nagmamadali niyang dinampot ang mga gamit niya bago tuluyang tumakbo at iwan ako.
"Anong problema nun?" Yun na lang ang tanging nasabi ko habang isa-isang dinadampot ang mga naiwang pagkain. Sayang kasi ang mga ito kung basta-basta ko na lang iiwan.
"Hi Miss."
Natigilan ako sa pagpulot.
'Bakit ko pa kasi pinulot-pulot 'tong mga pagkain na 'to eh. Bwisit!' Sabi ko sa sarili ko bago ako dahan-dahang tumayo ng tuwid. Sunud-sunod man ang pagkabog ng dibdib ko, lakas-loob akong humarap sa kanila.
Dalawang lalaking naka-itim ang bumungad sa akin. May mga itsura sila pero wala naman sa itsura nila na gagawa sila ng matino.
"B-bakit?" Nagsisimula ng lamunin ng takot ang katawan ko.
"Gabi na. Bakit mag-isa ka lang?" Tanong nung isang lalaki habang nakangisi ito at hinahagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Naku! Delikado pa naman ang panahon ngayon." Sabi naman nung isa. "Maraming mamamatay tao."
Halos mabingi ako ng sabay silang humagalpak ng tawa. Nanginginig na ang mga tuhod ko sa sobrang takot. Gusto kong tumakbo pero hindi ko magalaw ang mga paa ko.
"Gusto mo samahan ka namin?" Dahan-dahang lumapit sa akin ang lalaki. Bahagya niyang idinampi ang dulo ng kanyang daliri sa braso ko.
Buong tapang kong inalis iyon. "Kaya kong mag-isa!" Saka ko niyakap ang sarili ko. Hindi ko na napigilan pa ang mga luha na kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko sa sobrang takot. Hindi ko inaasahan na aabot sa ganitong sitwasyon ang katigasan ng ulo ko. At kahit minsan, hindi ko naisip na gagawin sa akin ni Damon 'to. Hindi ko naisip na kaya niya akong iwan sa ganitong klaseng lugar.
"Alam mo bang walang makakarinig sa'yo dito?"
Nilingon ko ang buong paligid. At nanlumo ako ng wala akong matanaw kahit isang bahay man lang. I'm alone and hopeless. Napapikit na lang ako. 'Lord, bahala ka na po sa akin.'
"Lumayo kayo sakin! Ano bang kailangan niyo? Wala akong pera!"
Nagtinginan muna ang dalawang lalaki bago muling humagalpak ng tawa. Nakakabingi. Nakakatakot. Ngayon ko lang narinig ang ganoong klase ng pagtawa.
"Hindi naman pera ang kailangan namin." Saka dahan-dahan silang lumapit sakin habang humahakbang naman ako palayo sa kanila. "IKAW!"
Sinubukan kong tumakbo pero nahawakan agad ako nung isang lalaki sa braso habang yung isa naman ay nahablot ang manggas ng blouse ko. Napunit iyon. Halos mahubaran na ako sa kagustuhan kong makatakas. Sumigaw rin ako ng sumigaw. Nagbabakasakali ako na may isang tao, kahit isang tao lang na makarinig sa akin.
"PARANG AWA NIYO NA! MAAWA KAYO SAKIN!"
Pero hindi nila ako pinapakinggan. Mas lalo pang lumakas ang kanilang tawanan na animo'y mga nakasinghot ng shabu. Sa ganitong paraan na yata ako mamamatay.
"Bitawan niyo siya."
Lalo akong naiyak ng makita ko ang pinanggagalingan ng kalmado pero ma-awtoridad na boses na iyon.
"Alam mong hindi tama ang ginagawa mo." Sabi nung isang lalaking may hawak sakin. "Kahit kailan hindi pwedeng maging superhero ang isang --"
"SHUT UP! JUST LET HER GO!" Nanlilisik ang mga mata ni Damon habang nakatingin sa dalawang lalaking may hawak sa akin. Lalong naging palaisipan sa akin ang pagkatao niya. I don't understand. Bakit magkakilala sila? Anong klaseng buhay na ba ang mayroon si Damon ngayon?
Bahagya nila akong itinulak bago nila ako binitawan. At bago pa man ako makakilos upang ayusin ang sarili ko, isang malakas na sigaw ang natanggap ko mula kay Damon. "Hindi ba't ang sabi ko sa'yo umuwi ka na?!" Agad siyang lumapit sa akin at halos maputol ang braso ko sa paghila niya sakin patayo. Para akong batang paslit na pinapauwi ng magulang. Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lang.
"UMUWI KA NA!" Muli niyang singhal sa akin.
Umiiyak akong dinampot ang mga gamit ko at nagmadali akong tumakbo habang yakap-yakap ang aking sarili. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makalayo sa lugar na iyon.
Isang malakas na suntok ang isinalubong ko kay Kurt nang humarap siya sakin. Wala siyang nagawa kundi ang himasin na lamang ang parteng iyon ng kanyang mukha.
"I see, mukhang concern ka sa babaeng 'yon." Nakangisi niyang sabi sakin. "Baka nakakalimutan mo kung kung sino ka at kung ano ka, Master." Dugtong pa niya.
Hindi ako nagsasalita. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na muntik ng maulit kay Kathy ang nangyaring trahedya kay Julia at sa pamilya niya. Now I just realized that I really can't be with someone. Kathy is crazy and stupid but she doesn't deserve to die.
"Kailangan mo siyang tigilan Master bago pa mangyari sa kanya ang nangyari kay Julia."
Nang marinig ko ang pangalan ng babaeng minahal ko ng limang taon ay nakaramdam ako ng halu-halong emosyon. Hindi ko alam kung galit, panghihinayang o pagmamahal ang nararamdaman ko. Dahil sa kanya, naging ganito ako. Dahil sa kanya, kailangan kong isakripisyo ang sarili ko -- kailangan kong kalimutang isa akong tao.
"Wala kang karapatang banggitin ang pangalan niya!" Inihagis ko ang basong hawak ko sa direksyon ni Kurt. Mabilis siyang nakailag pero muntik na siyang tamaan nito.
"Alam kong may parte pa rin ng pagkatao mo ang hindi kayang baguhin ng itim na anino. Kaya pinapaalala ko sa'yo na iwasan mo na ang babaeng yon habang maaga pa. Wag mong pairalin ang minsang pagiging tao mo." Pagkasabi noo'y biglang naglahong parang bula si Kurt sa harapan ko.
Madali namang umiwas. Madaling magtaboy ng tao palayo. Madali lahat para sakin. Pero paano ako makakasiguro na ligtas si Kathy? At paano kung si Kathy mismo ang walang balak lumayo?
BINABASA MO ANG
The Devil's Son [D1] ✔
Fantasy🌼Story Written by Itst4sha 🌼Edited and Continued by Zethrione (As per Author's request)