" DAD WATCH OUT!!! "Parang tumigil yung mundo ko saglit.
Naalala ko bigla lahat ng nangyari kaninang umaga sa outing namin ng pamilya ko.
Kung paano kami tumawa ni mommy nung hinubuan ni daddy ng short si kuya at tumakbo ng tumakbo habang winawagayway yung short niya.
Kung gaano kami kasaya ni kuya ng makitang nagkikilitian sa dagat ang mga magulang namin,
at
kung paano sila nagtawanang lahat at nag-apiran pa na pinangungunahan ni kuya nung nadapa ako habang naglalakad sa sand.
It was almost perfect.
Nakita ko kung paano namin salubungin pababa ang malamig na tubig sa ilog at narinig ang nakakabinging sigaw ng pamilya ko sa takot.
At ang pagsabog ng sasakyan.
Then everything went black.
***
Minulat ko ang mga mata ko.
Teka bakit parang di ako makahinga? Ang dilim. Feeling ko gabi na? Hala? Umahon ako para tignan kung gabi na. Gabi na nga pala. Teka, bakit ako nasa ilalim ng tubig?! nakatulog ba ko sa ilalim non?! Teka ilog to ah?Alam ko sa dagat kami nag outing nila mommy ah?
Takang taka ako bakit ako napunta at nakatulog pa ata ako sa ilog? Grabe, ano ba tong tinitira ko nasosobrahan na ata ako ^^
Asan naba ang pamilya ko?
"Umahon ako" - ulit ko sa isip ko.
Niyakap ko ang sarili ko. Nilalamig na ko. Nabuhayan ako ng pag-asa nung may nakita akong mga tao, pero may sinisilip sila.
Ano ba yon? Hanggang sa nakita ko nalang na may binubuhat na mga katawan yung mga lalaki paahon ng tubig. Kung saan ako nanggaling.
Naglakad ako papunta sa lugar na pinag-ahunan ng mga katawan nung mga lalaki.
"Ate ano pong nangyari dito?" Tanong ko dun sa babae na sumisilip. Umaasa akong sasagutin niya ako pero ni tignan ako hindi niya ginawa.Halos mapairap ako sa inis pero kinalma ko sarili ko. Pumunta ako don sa isa pang lalaki since madami nang tao dito.
"Kuya anong nangyari?" Tanong ko sa kanya.
For the 2nd time,
HINDI NA NAMAN AKO NASAGOT?! ANO BA TO! BINGI BA SILA?
"May witnesses na nakakita,yung kotse nila nawalan ng preno kaya nahulog dito sa ilog.Nakakalungkot lang na wala ni isa ang nakasurvive."
Hay sa wakas,nasagot din ang tanong ko.Buti nalang ang lakas ng boses nung isang lalaki habang kinakausap niya yung isang pulis.
Napagdesisyunan ko nang lumapit, ewan pero parang may nagtutulak sakin na tignan yung mga namatay. Nakita kong may apat na katawan, at kabilang don yung katawan ko.
Teka...
KATAWAN KO?!
A-at apat na katawan.
Natulala ako.
Ilog. Pauwi. Malakas na ulan. Pagkawala ng preno. Sigaw.
"DAD WATCH OUT!!!!"
Naalala ko na lahat. Oo naalala ko na.
Pero nagsisisi akong naalala ko pa.
Nasagot lahat ng tanong ko kanina.Kung bakit ako nasa ilalim ng ilog,kung paano ako nakaahon, bakit ako hindi sinasagot ng mga kinausap ko.
Kasi ako yon. Isa ako sa nakasakay sa kotseng iyon, isa ako sa apat na katawang nahulog at nasabugan sa ilog. At ang apat na katawan na yon? Kami ng pamilya ko.
Bullshit.This is bullshit.
Nagising ako sa katotohanan. Hindi. Hindi ito pwede.Paulit ulit kong sinasabi sa utak ko.
Nagsimula ng tumulo ang luha ko, pero huli na ng malaman kong...
Hindi ko na mahawakan ang katawan ng pamilya ko.
***
YAYY!
Start na ng chapter one guys! First time to ghad HAHAHA. So yun lang, enjoy reading sana magustuhan niyo ♥
-@tweeshaness
BINABASA MO ANG
Soul City
Teen FictionSabi nila, kapag daw namatay kana ay wala kana dapat maaalala sa buhay mo.. paano kung biglaan ito? kaya mo bang kalimutan ang pamilya mo?