Chapter 4 ( Obliviation )

3 1 0
                                    


Hmm so by steps pala yung mga floor dito. Sa entrance dun mo malalaman color mo, sa 2nd floor mo naman malalaman kung bakit at lahat ng gusto mong itanong. Sa 3rd floor naman ay ang Floor of Obliviation.

Teka.. nanghihina ako. Obliviation na nga pala pupuntahan namin. Ni hindi ko pa nga nakikita sila daddy,hayy.

In a few minutes, Margaux nalang ako.

Paikot na uli dahan dahan yung ulap na sinasakyan namin. Ang taas ng ikatlong floor or cloud rather.

Napapikit ako sa kaba at narinig ko nanaman ang mahinang pagtawa ni Grey.

Lumusot na kami sa cloud floor. Bumungad sakin ang isang fountain na naman.Mukha siyang fountain pero vial yung nasa gitna, vial na sobrang laki na meron butas paikot na nagsusupply sa water sa fountain. Pero feeling ko hindi talaga water yon.




Vial Fountain of Obliviation.

"Are you ready?" Sabi ni Grey habang pinapababa ako sa ulap.

Huminga ako ng malalim. Pero tinignan ko muna siya.

"Grey, will my memory forever be gone?"

"Yes. For everyone's safety."

"Makikita ko pa ba sila daddy?"

"Maybe yes..maybe no. Ikaw pa lang ang new reaped ngayon dito sa SC. Kaya wala pa kong balita sa kanila."

"Bakit ang tagal?"

"Pwedeng iba ang sumundo sa kanila."

"Huh?"

"Nevermind. Go na. Obliviations require no one but the new reaped soul. Not even the reaper. Bababa muna ako, tumalon ka lang sa ulap once your done." Sabi niya at umalis na.

"T-teka Grey wait!!" Hay nako. Ang bilis naman makaalis nun.

Okay. Kinakabahan ako. Kaya ko ba? Makakalimutan ko ang pamilya ko? Ghad i need to decide. Margaux! Calm!




Eh ayaw talaga ako kumalma. Kaya ko ba? No. Hindi.

Hindi ko kaya.


Choice ko naman siguro to no? Right. Hindi ako magpapa obliviate. How could i possibly erase my owm memory of my own family? Hindi pwede yon.

Tatalon ako. Pero right. Magstay muna ako mga 5 minutes para hindi mahalata ni Grey.

Pinagmasdan ko ang paligid. Hindi ko alam na ang afterlife ay ganito kaganda. Naalala ko pa noon, favorite ko ang horror movies. Gustong gusto ko makaencounter ng kaluluwa at kausapin sila.

Pero ngayon isa na ko sa kanila. Right. Natupad ko na yung pangarap ko....pero hindi ko naman inakalang matutupad lang yon,




Ngayong patay na ko.


Sama sama kami nanonood nila mommy non. Si kuya laging tigatakip ng mata ko kada may x-rated scenes. Ang higpit pa ng kamay kala ko naman makakakita ako eh ang laki ng kamay niya >•< Well kuya is a lawyer na. Ako nalang walang kwenta samin, highschool palang ako -_-

Minsan lang makasama si daddy kasi may mga ginagawa siya, minsan pa nga madaling araw siya umaalis. Si mommy naman, doctor or tinutulungan si daddy magmanage ng company.

Daddy is a real strong business man, makikita mo sa tindig pa lang niya ang aura na mapapasunod ka talaga, pero syempre not when with us,lagi niya pa nga ako pinapakiss sa kanya ng madami hanggang ngayon--uhm dati.

Soul CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon