Nasa tuktok kami ng building ngayon ni Grey. Pinagmamasdan ko ang paligid. Ang ganda pa rin talaga.And yep, nasa human world kami.
Flashback***
"Sabi ni Akira, the reaper will feel strange sa baby na mapipili nilang bantayan. And when that happens, sila na ang destined para sa reaper na yon, pero yes..special ka."
"pero yes..special ka"
"pero yes..special ka"
Parang nag-eecho sa utak ko yung mga salitang sinabi niya. S-special ako? Sa kanya?
"HUY!"
"pero yes..special ka"
"pero yes..special ka"Binibiro ko lang naman siya sa tanong na yon pero ba't ganon? May iba akong naramdaman sa sagot niya.
"MARGAUX!"
Hmm..siguro kaya lang ako naging special kasi diba simula bata binabantayan niya ko. Siya pa nga playmate ko pala. Pero bakit kaya ako yung pinili niya nung isa pa kong newborn baby?
" HOOOOOOOOOOYYYY MARGAUX!!!!!!"
"AY BABY!"
Ano ba to! Napakalakas ng boses. Nagulat tuloy ako. Grr. Nasa harapan ko pa winawagayway kamay niya sa mukha ko.
Sinamaan ko siya ng tingin."Hey easy! Tulala ka kasi. HAHAHAHAHAHAH namumula kapa. Kinilig kaba?" Pang-aasar niya. Taas baba pa ang kilay.Hay nako talaga.
"ANONG KINILIG?! MAY INISIP LANG AKO! ANG LAKAS LAKAS NG BOSES MO! SIGAW KAPA NG SIGAW!"
"HAHAHAHA CHILL MARGAUX. Tulala ka nga kasi. Kanina ko pa tinatanong sang lugar pa gusto mo puntahan muna. HAHAHA"
Masaya siya ah.
Teka- lugar na gusto ko puntahan?
Hmm."Let's go to my world... few hours ago."
End of Flashback ***
Nung una ayaw pa niya pero pumayag din. Marupok. Hahahaha.
"So.." panimula ko sa usapan
" Sanguina ka? "
"Obviously yes. Hahaha"
"Ba't di ka nakared?"
" Margaux, pag lumalabas sa soul city dapat nakacasual lang. Para hindi madetermine ng Sanguinaries na taga Soul City tayo. Kasi ang reapers nila casual lang din so minabuti ng Soulders na wag maglagay ng palatandaan para na rin sa safety ng buong city."
"Well bakit pala yung lalaki na minahal ni Akira eh Sanguina ang sumundo? Hindi ba reincarnated yon? So alam niya ng bad soul siya."
"That is because, ang mga reincarnated Sanguinaries ang nagkakalat ng kasamaan sa mundo and that's their only mission..to defeat us. Kaya minabuti ng Sanguinaries na magreincarnate ng isang Sanguinara at ang mission ay maging mabait sa lupa para akalain ng Soul City na kabilang siya satin."
"Eh diba sabi ni Akira bata ka pa lang may nakadestined ng reaper sayo?"
"Well that time, nalaman nila na magkasabwat pala ang dalawang yon. Once kasi na makatungtong ang isang Sanguinara sa Soul City, makakapasok na lahat. Eh that time, wala pang protection ang buong city..kaya nakapasok sila."
"Possible pala na magkainlaban din sa afterlife no? Hahaha"
" Ofcourse, i told you diba buhay din tayong lahat sa afterlife. Dito lang hindi." Sabay turo niya sa inaapakan namin.
Oo nga. Ngayon kasi para lang kaming hangin dito na nakatuntong sa itaas ng building.
"May naganap nabang ibang war sa pagitan ng SC at Sanguinaries?"
" Wala pang lahatan pero nagsesend ang Soulders ng Sanguina Souldiers tapos marereincarnate sila para halimbawa, labanan yung mga masasama. Nasesense kasi ng mga kaluluwa kung kauri ba nila yon o hindi."
"Pano?"
"I dont know. Wala naman ako gano kinakausap dito kaya swerte ka. HAHAHAHAHAHA."
Aba. Ang taas ha.
"Yung mga narereincarnate... diba nagiging baby pa sila muna? Pano nila natatandaan mission nila?"
"When reincarnated, you'll be put into a family.. You will retrieve all your memories in Soul City once you become 25 years old. You can now see your reaper. At alam mo na din ang mission mo at na isa kang reincarnated soul. The soulders will control your fate kaya magagawa mo din mission mo kahit di mo namamalayan nung bata ka.. Akala mo youre just doing things because of the people beside you pero youre starting your mission na pala."
"That's brilliant!" Nanlalaking mata kong sagot. Napapangiti ako sa mga kinekwento niyaaaa!
" Sure is. Ganyan katalino si Akira naisip niya lahat yan kahit na durog na durog siya nung time na yon. Good thing, her revenge is for good."
Nagstay pa kami sa human world ng mga isang oras pa. Pabalik na kami ngayon sa SC dahil kelangan ko na daw mamahinga sabi ni Grey.
Pagkapasok namin sa castle, nagdidinner na sila..alas-sais na pala.
Ang saya saya talaga nila tignan. Napapangiti tuloy ako.
I wonder, nagpaobliviate kaya silang lahat?
Palakad na kami ni Grey, ikukuha niya daw muna ako ng pagkain bago matulog.
Nakatingin ako sa mga Puras, they are really shining in white. Sabi sakin ni Grey bukas na bukas daw kailangan na nakagift suit na ko, which is yung dress na puti.
Habang kumukuha ng pagkain si Grey para saming dalawa, busy naman ako sa pagmamasid sa paligi--OMG!
Napaluha ako at napangiti..halos pumapalakpak pa ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi nga pala dapat malaman ni Grey na nasakin pa din ang memory ko.
"Mommy.."
Yes, andito si mommy. ANG MOMMY KO!!!
Nagflashback na naman lahat ng memories namin. Gusto ko siyang yakapin at di na humiwalay sa kanya.
She looks so happy. Nakakatuwa ♥
Nakacasual palang din siya kagaya ko, siguro kanina din siya dumating.
" Grey, wait may titignan lang ako ha." Paalam ko. Mukhang okay lang naman since tumango siya habang kumukuha ng pagkain. Matakaw rin ang isang to. Hahahahaha!
Lumapit ako sa harap ni mommy at ngumiti ng pagkalaki-laki! Excited na ako gusto ko siyang yakapin talaga!
"Mommy... Mommy ko." Tawag ko sa kanya.
Naalala ko pa dati.. yung salitang lagi niyang sinasabi sakin bago ako halikan sa pisngi ko..
" My baby Margaux Anastasia, always be kind and loving..because that is the only best gift you can give"
Tinignan ko ang itsura niya..walang nagbago. Ang hanggang balikat niyang buhok.. ang mata niyang namana namin ni kuya, maliit at pointed niyang nose, rosy cheeks at lips. Ang ganda talaga niya.
Walang nagbago... siya pa rin ang mommy ko! Sana.. sana hindi siya nagpaobliviate. Sana natatandaan niya pa din ako. Umaasa ako. Damn umaasa ako!! Miss ko na ang mommy ko. Sobra.
Pinigilan ko ang luha na papatak sa aking mga mata kasi ang mga kasama niya ay nakatingin sa akin. Nakangiti ako sa kanya ng pag ka-laki laki.
"Iha..ang ganda mo naman.Sino ka?"
***
BINABASA MO ANG
Soul City
Подростковая литератураSabi nila, kapag daw namatay kana ay wala kana dapat maaalala sa buhay mo.. paano kung biglaan ito? kaya mo bang kalimutan ang pamilya mo?