"Kuya?" Pabulong kong banggit. Tinignan ko si Ms. Amara sa taas pero wala na siya. Kumurap pa ko ng tatlong beses para lang patunayan kung totoo ba tong nangyayari ngayon o panaginip lang.Si kuya...nasa harapan ko.
Hindi ko na napigilan.Napatakip ako ng bibig at napangiti. Niyakap ko siya bigla. Kasabay non ang pagtulo ng luha kong matagal ko nang pinipigilan.
"Ehem." Nako, nagulat ata siya sa ginawa ko.
Gaga Margaux, malamang eh sino bang di magugulat di kana kilala tas yayakapin mo. Tsk.
Bumitaw na ko sa kanya at nagpunas ng luha ko pero di ko pinahalata.
"U-uhm pasensya na po k-kala ko po kasi k-kayo yung f-friend ko kanina ko pa po kasi h-hinahanap." Tapos nagsmile ako sa kanya.
"Oh, no worries. By the way, nice meeting you. Im Matt Alix Mondragon." Then nilahad niya palad niya for shakehands.
I smiled again then accepted it. Bago ko pa hindi bitawan ng tuluyan yung kamay niya binitawan ko na.
"H-hello po. Ako po si Margaux."
"Oh I know, the Margaux Anastasia Mondragon." Napatingin ako sa kanya. Alam niya yung pangalan ko.
We started walking, ang haba kasi ng way papunta sa Hall of Meets. While naiwan naman sa pinaka labas ng Soulder's Office sa may parang parking sa gilid yung cloud car ko...no choice kundi maglakad.
"Pano niyo po nalaman yung name ko?" I asked.
"Well Ms. Amara gave it to me. Lahat ng bagong reaped souls binibigay niya sakin ang names then nag-aassign ako sa mga Soulders para sa missionaries."
"So kayo po yung nag-assign kay Ms. Amara sakin?"
"Yes parang ganun na nga.And weird, magka-apilido pa tayo." Then he smiled. I miss his smile.
And it breaks my heart knowing na I wouldnt be part of that smile anymore.
"Hehe oo nga po eh..Uhm kasama rin po ba kayo sa nag momonitor sa life screen?"
"Nope. Ms. Amara leads the monitoring team. Karamihan sa kasama don Puras dati. Since they are known to be family lovers. Kaya sila na rin tigasubaybay."
Napatango ako. Wait--AHH! Alam ko na itatanong ko.
"Sir Matt?"
"Hmm yes?"
"U-uhm may I know po kung kelan kayo n-nareaped ng reaper niyo?" I asked.
"6 days ago." Ah okay, so mas nauna pala ako sa kanya.
"Then napunta po kayo sa Soulders agad?"
"I went in as a Vendura, pero since mataas na level na ng lawyer yung profession ko, sinama nila ako sa Soulders. Pero di pa ko matanda ahh hahahaha!" He joked.
"Hehe di pa naman po Sir hehe." Hay nako. Kung tanda pa niya na ako pinakamamahal niyang kapatid, baka magkanda-luhod luhod pa siya para sabihin ko lang na di siya matanda. HAHAHA!
"U-uhm (lumunok ako) m-may kilala po ba kayong M-margarette Arabella?"
Napahinto siya sa paglalakad kaya nadamay din ako. He placed his hands sa baba niya na parang nag-iisip.
" Meron. Margarette Arabella Casiana yung pangalan niya. Hmm 5 days ago siya napunta sa SC. And i believe sa Vendura siya since nakita ko sa portfolios na binigay sakin ni Ms. Amara isa siyang doctor. Why?"
BINABASA MO ANG
Soul City
Teen FictionSabi nila, kapag daw namatay kana ay wala kana dapat maaalala sa buhay mo.. paano kung biglaan ito? kaya mo bang kalimutan ang pamilya mo?