Track 5

10 0 0
                                    

"Oh pare bakit ang tagal niyo?" Steven said while grinning.

"Don't tell me, bumiglang liko kayo? Hahahha" napuno tuloy ng asaran ang buong paligid. She felt irritated when they're trying to matchmake her with Gabby.

"Hindi pare. Ginagalang ko si Hailey unless gusto niya" sabi ni Gab habang tatawa-tawa. Argh! Kabwisit! Kapal talaga!

"Isa pa naubusan siya ng gas kaya magkasabay kami ngayon"

pag-tanggol uli nito sa kanya.

She gave him a death glare then march inside the house. Bahala na ito magpaliwanag. Sinalubong siya ni Meghan at ng lalaking katabi nito na naka puple polo at maong short. Mukhang ito ang wedding designer na kinuha nina Meghan.

"Oh em geee!!!! Nice to meet you in person Ms. Hailey!"

biglang yakap nito sakin. Hinayaan ko na lang siya.

"Tama nga ang mga tao ang ganda mo in person! At kamukha pa kita" sabi nito with palipad pa ng buhok effect. Hanggang balikat kasi ang blonde nito na buhok.

"Hoy baks! Wag mo naman takutin si Hailey baka biglang umalis hahaha" Meghan said.

"Hoy babae! For your information maraming naiingit sa ganda ko! Excuse me!" with matching irap kay Meghan.

"O siya daan na" pagbibiro ni Meghan habang tumatawa pa din. Inirapan lang siya nito at bumaling sa kanya.

"I'm Erica by the way, the goddess of fashion designing" nakalahad ang kamay sa kanya.

Kinuha naman niya ito. "Nice to meet you".

"Enrico sukatan mo na si Bestie dali!"

pagyaya ni Meghan dito.

"Oo na! Tsaka it's Erica duh?! Makapagmadali naman to!" Inis na tugon ni Enrico este Erica kay Meghan. Buti na lang madami itong assistant kaya natapos siya agad. Nakita din pala niya sa gilid niya si Gab. He winked at her ng mapatingin siya dito. Tsk.

"Lily bakla!!!" bigla na lang sumigaw itong si Erica while facing the front door.

"Sorry I'm late guys, galing pa kasi akong work" paghingi nito ng paumanhin. She slowly turn around to see the bitch. Hindi nga siya nagkakamali. It's the same bitch 3 years ago. Anong ginagawa nito sa bahay nina Meghan?

She glance at Gab who is now staring at Lily. She gave Gab a weak smile then turn her gaze at her. From the looks of it, mukhang tinatakasan ang babaeng ito ng kulay pagkakita sa kanya.

Not so happy to see me huh?

Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Reunion ata namin ngayong araw. Natigil ang matalim niyang tingin kay bitchesa este Lily ng magsalita si Steven.

"Cousin! Good to see you here. Come in, pasukat ka na kay Enrico" akay nito si Lily papasok.

So...magpinsan pala ang dalawa. What a small world.

"Ano ba Steven! It's Erica! E-r-i-c-a! Kaloka! Halika na nga dito dear" Erica said to Lily. At dahil magkatabi sila ni Erica, no choice si Lily kung hindi lumapit.

"Hi Hailey" she said in a low voice. Kung wala lang ibang tao baka nasampal na niya ito. Which is hindi naman niya nagawa dati. The nerve of this girl to even talk to her like nothing happened.

Tumingin muna siya kay Gab. Mukhang nag-aalala ang titig nito base sa expression ng mukha nito. Ano bang akala nito? May gagawin siya talaga sa babaeng ito?

Hmm... not yet. Maybe soon...

She just gave her a cold expression then walk pass through her. She had enough for today.

Sinuswerte nga naman. She saw Lance sa sala. Abay din kasi ito. Hindi na siya nakahabol sa practice kaya dumeretcho na lang siya dito.

"Lance!"

tawag ko sa kanya habang nag-lalakad palapit.

"Baby you're here!" he's wearing khaki shorts and polo shirt. Napapaligiran ito ng ibang abay at ilang bisitang babae.

"Can you drive me home? Naiwan ko kasi ang sasakyan ko sa simbahan walang gas"

"Sure baby, tapos na din naman ako" he smiled at her.

"Ano ba yan Lance aalis ka na?!" maktol ni girl 1.

"Oo nga naman Lance, nag-uusap pa tayo" sabi ni girl 2. Hindi lang naman usap gingawa nila, may kasamang landi din. Ang mga damit kasi ng mga ito ay kulang sa tela. Sobrang kapal din ng mga make-up.

"Sorry girls, I need to drive Hailey home. Mag-kikita kita pa naman tayo sa simbahan" he said then winked at them. Nag-titili naman ang mga ito na kala mo ay kinurot sa singit.

Hayy...Lance and his charm...

She then went to Meghan na lang para mag-paalam "Meghan, I have to go sumasakit kasi ulo ko. I'm done here naman".

"Aww... gusto pa naman kita makasama ng matagal." Meghan hugged her.

"Anyway, don't forget tomorrow ah! Stag and bridal shower party namin ni Steve. 6pm club Velocity. Tutugtog kayo dun since you promised" she even clasped her hands while having that puppy eyes again.

"Yeah, yeah whatever. We'll go now." She kissed Meghan on the cheeks, bid farewell to the others then went out with Lance.



Mula sa loob naman ng mansyon ay di mapigilan ni Gabby na mainis sa nakita niya.

Fuck! He even call her baby!

Mukhang may kaagaw pa siya sa sweetheart niya. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan niyang abay din pala si Lily.

Muling bumalik sa isip niya si Hailey. He's not joking when he said earlier that he wants her back. He'll do anything either by hook or by crook just to have her in his arms again. To where she rightfully belong.



Broken StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon