Track 18

7 0 0
                                    


Malamig na hangin ang sumalubong sa akin pag-gising ko. Mga punong mayayabong na nahahaluan ng liwanag ng bukang liwayway. Ang dami ko nang napuntahang lugar pero iba pa rin talaga pag uuwi ka sa lugar na kinagisnan mo.

"Sweetheart, shall we eat at the nearest restaurant first?"

Lumingon ako kay Gabby na nasa driver seat. He's so handsome wearing blue polo shirt, khaki shorts, rubber shoes, at black aviator sunglasses. I really love admiring this man.

"Hey, natutulala ka na naman diyan sa kagwapuhan ko" sabay kurot sa pisngi ko.

"Kala ko sa labas lang mahangin, pati pala dito sa loob ng kotse. Tss" irap ko sa kanya.  Natatawa naman ito.

Nag-stop over lang kami sa isang restaurant para mag-breakfast tapos pinag-patuloy na namin ang biyahe papunta sa aming mansyon. Ilang oras pa ang lumipas at nakikita ko na ang malaking gate ng Montez residences.

It's been like what? 4 or 5 years pero parang walang nagbago sa lugar na ito. Naroon pa rin ang angel fountain sa gitna at ang garden maze ng lola niya. Ang mansyon naman ay nasa gitna ng lupain. Mukhang napanatili nina lola ang kagandahan ng lugar na ito.

Naramdaman ko na naman ang pag-kabog ng aking dibdib pag-kahinto ng sasakyan ni Gabby. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano sila papakiharapan especially si Daddy.

Gabby held my hands together. "It's gonna be okay, sweetheart. Remember that I'm here with you". I mouthed "thank you" bago kami bumaba. Binigay naman ni Gabby ang susi ng kanyang kotse sa isang lalaking kasambahay ata dito sa bahay. Nasa likod pa kasi talaga ang garahe.

I was about to knock on the door when it suddenly opened. Sinalubong sila ng masiglang si Donya Ingrid kasama ang Mayordomang si Ate Sabel.

"Hailey Apo!" Sabay higit at yakap sakin ni lola. Hindi pa ito nakuntento at pinag-hahalikan siya sa mukha. Hindi pa rin ito nag-babago laging nang-gigigil sa kanya.

"Maligayang pag-babalik Ms. Hailey" bati ni ate Sabel. Nginitian ko naman ito.

"Apo, kay ganda mo pa din. Kamukhang-kamukha mo talaga ang mommy mo" I smiled. Marami talagang nag-sasabi na photocopy daw ako ni mommy. Kaya di ko masisisi si Daddy kung bakit malungkot siya pag-nakikita niya ako.

"At dumating na pala ang prinsesa ng mga Montez" none other than her lolo Benjamin. Kasalukuyan itong pababa ng hagdan. Sinalubong niya naman ito ng yakap.

"Lolo, it's good to see that you're still handsome as ever"

"Of course apo, kaya nga patay na patay ang lola mo sakin" sabi nito habang hinihimas ang baba.

"Hoy Benjamin! Mahiya ka nga sa pinag-sasabi mo sa apo mo kakauwi lang eh" sabi naman ng kanyang lola.

Nagulat naman siya ng biglang may tumili na bata at tumakbo papunta sa kanya. Niyakap siya nito agad pag-kalapit sa kanya.

"Wahhhh!!! Are you my Tita Pretty Hailey po?" Napaka-cute ng batang babae na ito.

"Yes, I am litte girl" she couldn't help but pinch her cheeks. She giggled when I did that.

"What's your name lovely little lady?" I asked.

"I'm Chescka po and I'm 3 po tita pretty" pinakita pa nito sa kanya ang tatlong daliri.

"Na-meet mo na pala ang aming unica hija, bulilit" napatingin naman siya sa kanyang gilid. Nakita niya ang kanyang kuya na naka-akbay sa kanyang hipag na si Ate Rose.

"Kuya! Hindi na ko maliit don't call me bulilit!"

"Maliit ka pa din sakin kaya bulilit ka pa din" sinimangutan ko ito kaya natawa naman ang lahat.

"Hi ate Rose! It's nice to see you" sabay beso ko sa kanya.

"Hi Hailey! I hope we chat more often, nakakasawa na kasi pag-mumukha ng kuya mo"

"Hon, naman" maktol ni Kuya. Nag-kakasiyahan na kami ng may maalala ako.

"Guys, I want you to meet Gabby Del Prado" kumapit ako sa kanyang braso. "Gabby, sina Kuya Howard, ate Rose, Lola Ingrid, Lolo Benjamin, at si baby Chescka anak nina Kuya" tinuro ko sila isa-isa.

"Del Prado, it's nice to see you again. Siguro naman hindi mo na pa-iiyakin itong bulilit namin?" Sabi ni kuya Howard.

"Kuya!" saway ko sa kapatid ko.

"Don't worry Howard, that would be the last time. The next would be pag-ikakasal na kami" namula naman ako sa sinabi niya. Samantalang mukhang na-amaze naman ang mga mukha ng iba nilang kasama. Napasipol pa ang kuya niya.

"Hay, napaka-sweet mo naman hijo. Bagay na bagay kayo ng aking apo! Perfect match!" Kinikilig naman na sabi ng kanyang lola.

Natawa naman ako dito. Bigla naman akong napatingin sa may pinto sa library ng bigla itong bumukas. Lumabas dito ang isang lalaking nasa mid-fourties. Nasa tindig pa din nito ang pagiging ma-awtoridad. Hindi naman nabawasan ang aking kagwapuhan nito sa kabila ng edad.

"Mukhang nag-kakasiyahan kayo ah" sabay tingin nito sakin. Napayuko naman ako. Pakiramdam ko kasi bawal ako maging masaya pag-kaharap ko si Daddy. Yes, he's Fred or Frederick Montez, my father.

"Andyan ka na pala, Fred. Tayo na pumunta sa dining at mag-tanghalian" sabi ng kanyang lola. Inakay naman siya nito papunta sa dining area. Katabi niya si Gabby ng umupo. Sa tapat niya sina Kuya, Chescka, at ate Rose. Ang lolo at lola naman niya ay nasa kanan niya. Nasa pinaka-sentro ng table ang kanyang ama.

Mas pinili niyang manahimik habang nasa hapag dahil ayaw niyang mag-kamali ng sasabihin. Kinakabahan pa din kasi siya dito.

"Mr. Del Prado, what's your relationship with my daughter?" sabi ng kanyang ama. Napatingin kaming lahat sa kanya.

"D-dad...H-he's...uhhhmmm-" agap ko sana.

"I'm not talking to you, Hailey. Siguro naman may bibig si Mr. Del Prado para mag-salita." seryosong sabi nito.

Napayuko naman ako at napahiya. Kinuha naman ni Gabby ang kamay ko sa ilalim ng mesa kaya napa-tingin ako sa kanya.

"I'll be fine" he said in a low voice. Tumingin ito sa kanyang ama bago mag-salita.

"I'm your daughter's boyfriend, sir"

"I see. Let's talk at the library after lunch"

"Sure, sir" sabi ni Gabby.

Ngumiti lang sa kanya si Gabby. Deep inside kinakabahan ako sa dahilan kung bakit nito gustong kausapin si Gabby ng sila lang. Huwag naman sanang umabot sa punto na sabihin nito na lumayo siya kay Gabby. Nasisiguro kasi niya na umabot ang balita dito dati kung bakit siya biglang umalis ng bansa.

Broken StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon