Track 17

7 0 0
                                    


"Sweetheart, are you okay?"

Nabalik sa realidad ang isip ko dahil sa pag-yakap ni Gabby sa likod ko. Kasalukuyan kaming nasa condo nito mula sa wedding ni Meghan. Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa din ang pag-punta sa Tagaytay.

Bumuntong hininga muna ako bago siya harapin. "Pagod lang siguro ako"

"I saw you hugging a man earlier sa reception, sino siya?"

"That's my brother, Howard"

"Really? Sayang di ko man lang siya nabati"

Hindi niya kasi nagawang ipakilala si Gabby sa kanyang pamilya dahil ayaw din niyang umuwi sa Tagaytay. Naiiintindihan naman ito ng kasintahan dahil sinabi niyang hindi sila mag-kasundo ng kanyang Daddy.

"Yeah, pinapauwi nga niya ako sa Tagaytay"

"Then you should, sweetheart. Alam kong matagal ka nang hindi umuuwi doon"

"It's not that easy Gab, it's just that-arghhh! Ewan ko di ko na alam ang gagawin" ginulo ko ang buhok ko at pumunta sa kama para maupo. Sinundan naman ako ni Gabby at naka-squat sa harap ko habang hawak ang mga kamay ko. Nakayuko lamang ako at nakatingin sa aming mga kamay.

"Sweetheart, look at me" he said. I then slowly raise my head to face him.

"I don't know what really happen kung bakit ayaw mo umuwi sa inyo. But I think it would be best kung umuwi ka at harapin kung ano man ang kinakatakot mo."

"I'm just scared. I know that my Dad will not like my presence there" medyo naiiyak na ako dahil naaalala ko ang mukha ni Daddy na disappointed sakin.

"Care to tell me what happened?" tumayo na si Gab sa harap ko at pumunta sa kama. Hinila naman niya ako payakap. Nakayapos na ako sa kanya ngayon habang nakasandal siya sa headrest. He's brushing my hair with his hands. I feel calm whenever he do this.

"He's disappointed since M-mommy...d-died because of me" pinikit ko ang mata ko at unti-unting naalala ang aksidenteng nasangkutan nito.

"It's okay if di mo pa kaya sabihin. I know na masakit ito para sayo"

"I-I'm still carrying the guilt until now" nahihirapan na ako mag-salita dahil parang may bumabara sa lalamunan ko. Hindi ko na rin napigilan ang luhang kanina pa gustong pumatak. Halos nababasa ko na ang chest ni Gab dahil nakasandal ako sa kanya.

"If only I.....If only I didn't....." she cupped my face and kiss me.

"Hush now sweetheart, hindi mo na kailangang ituloy. Remember that I love you and I'll always be with you. Ganito na lang, sasamahan kita sa Tagaytay. Hindi rin naman ako papayag na pupunta ka doon mag-isa ng ganyan ang kalagayan mo" he's drying my tears now with his thumb.

"I don't like to see you crying....para akong sinisikmuraan ni Saitama pag nakikita kang umiiyak" napatawa naman ako bigla sa kanya.

"Really Gab? Anime talaga in the middle of my drama?"

"Why? Ang lakas kaya nung sumuntok hahaha" really, this man amused me. I'm so lucky to have him by my side again.

"Sleep now okay. Pag-planuhan na lang natin ang lakad natin sa Tagaytay bukas" I just nodded and slowly close my eyes. Naramdaman kong hinalikan niya pa ako sa noo bago ako tuluyang kunin ng dilim.



"Mommy! Mommy! I want to eat ice cream po!" nakapout na sabi ko sa aking ina.

"Riz, sweetie, it's still too early for that. Mamaya na tayo bumili ng ice cream. For now, let's eat. I cooked your favorite fried chicken oh"

Kasalukuyan kaming nasa picnic groove dahil family day namin. Nakaugalian na namin na pag every 1st Sunday of the month ay pupunta kami dito at mag-pipicnic.

"Oh, bakit nakabusangot ang aking angel?" Daddy said at kinarga ako.

"Hay nako dear, gusto ng ice cream sabi ko mamaya na at kumain muna tayo" sabi ni Mommy na nakapameywang.

"Hoy bulilit! mukha kang ice cream! Kumaken ka nga muna" asar naman sakin ni kuya Howard.

"Mommy oh!" maktol ko kay kuya.

"Howard, itigil na ang pang-aasar tayo na kumain"

Binaba naman ako ni Daddy sa dulo ng table para maka-upo. Tinulungan niya din si Mommy maghanda ng pagkain na nasa basket. Si kuya naman ay dini-dribble sa kabila ang hawak nitong bola. Lumingon ako sa gilid at nakita sa di kalayuan ang isang mamang sorbetero. Ice cream! Sabi ko sa isip ko.



Lumingon ako kina Mommy at nakita kong busy sila. Saglit lang naman ako. Sinundan ko ang sorbetero, may pera pa naman ako sa bulsa. Hindi ko namalayan na nasa highway na pala ako. Tumingin ako sa kanan at kaliwa bago tumawid.

"Manong! Pabili po ako ng ice cream"

Kinuha naman niya ang bayad ko sabay abot ng ice cream.

"Riz!" lumingon ako sa entrance at nakita ko si Mommy. Kinawayan ko pa siya.

"Mommy! Bumili lang po ako ng ice cream!" sigaw ko sa kanya at pinakita pa ang ice cream na hawak ko. Tumakbo na ako palapit sa kanya. Hanggang sa may marinig akong busina sa gilid ko.

"Sweetie! No!" yun lang ang naalala ko bago ko maramdaman na may tumulak saakin.

Nakahiga ako sa simento at nakita ko natapon din ang hawak kong ice cream. Naririnig ko naman na nag-sisigawan sa paligid ko. Naalala ko bigla si Mommy. Nasaan na kaya ito?

Tumayo ako kahit na may galos pa ang aking braso dahil sa pag-katumba. Lumapit ako sa mga taong nasa gitna ng daan only to see a woman lying on the floor with blood all over her body.

"Nooooo!!!! Mommy!!!!!"



"Mommy!!!!!!!!!" napabalikwas ako ng bangon. Hawak hawak ko ang dibdib kong sumasakit. Patuloy lang akong umiiyak ng biglang bumukas ang pinto.

"Sweetheart! What's the matter?" kinabig niya ako payakap.

"I-I ahhh... dreamt about it again, that nightmare...akala ko nakalimutan ko na pero bumalik na naman! It's my fault! It's my fault!" pinipilit kong kumawala sa yakap niya para saktan ang sarili ko ngunit mas lalo lang niyang hinigpitan ang yakap sakin.

"It's not your fault. I know it's not. Whatever happens alam kong hindi mo kasalanan" he's burying his face on my neck. Napaiyak na lang ako lalo. Hindi naman ako pinigilan ni Gabby. Hindi ko namalayan na nakatulog ako muli dahil sa sobrang pagod at iyak.

Broken StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon