I'm currently strumming my guitar while singing. Sinasabayan din ako nina Ricos at Lance. Halos 3 days na kami nag-papractice dito sa studio namin sa LM dahil 1 week na lang ay concert na namin sa Magnus stadium. Lalo kaming ginanahan mag-practice ng malaman namin na sold out ang tickets. Buti na lang nareserve ko pa ng VIP seats sina Daddy, Meghan, Gabby, at ang pinsan nitong si Marie.Bagong tayo lang ang Magnus stadium sa Pilipinas kaya it's really a great honor for us to perform there. Balita namin na panay malalaking personalidad lang ang pinapag-perform dito.
"Guys, take a break first" Tita Lea said from the glass wall ng recording studio. Whew! Finally!
I saw Gabby na nasa labas din ng studio at kumakaway. May hawak itong paper bag. Yey! Mukhang ito amg pinabili ko sa kanya. Nag-madali akong lumabas ng studio.
Kiniss ko siya sa cheeks bago kunin ang dala niyang paper bag. Nag-ningning naman ang aking mata na makita ang strawberry cheesecake at strawberry frapped dito. Woahh nakakatubig ng bagang!
"Thank you dito sweetheart!" I smiled to him.
"No problem sweetheart. Pwede ka na bang umuwi?'"
"Yeah, we're done for the day. Paalam lang ako kina tita Lea"
I walked towards tita Lea na pinapakinggan ang practice recording namin kanina.
"Tita, we'll leave now. May bilin pa po ba kayo?"
"Yeah, kailangan mong pumunta sa araw ng concert ng 12:00pm since need pa natin mag-sound check and we'll have 1 more round of practice sa mismong stage"
"Okies, tita no problem"
"Nga pala Hailey, I heard na okay na kayo ng Daddy mo. I'm glad anak na maayos na kayo. Your Mom will surely love that."
"Opo, nung nag-punta kami ni Gabby sa Tagaytay. We already cleared things up."
"You're with Gabby?" Nakakunot noong sabi nito.
"Yes, tita. I even introduce him to our Family. Gabby is okay with them naman especially kay Daddy since frustrated doctor ito"
"I see. Sana lang di ka na niya saktan kung hindi dadalin kita sa New York malayo sa lalaking iyan"
"Tita naman, nakwento ko na sayo ang misunderstandings namin ni Gabby diba? I hope that you would also start to like him"
"Hayy, okay, I'll try hija"
"Thanks tita!" I hugged her tight. Namiss ko din ang second mommy ko na ito.
"Nga pala, sorry kung hindi kami nakapunta ng tito mo. Yung pinsan mo kasi na si Dexter grumaduate na kaya umuwi pa kami ng New york. Hindi tuloy kami nakapunta sa death anniversary mg mommy mo"
"It's okay Tita we understand naman. We can visit Mommy again next time. We better go now"
I bid my farewell to the other staffs as well bago lumabas ng studio. I saw Gabby, Ricos, at Lance na nag-uusap.
"Pare, congrats sa inyo ni Hailey!" Ricos said.
"Dude wag ka nga kumampi diyan! Tignan mong inagaw niya sa akin ang baby ko!" Sabat naman ni Lance.
"Don't call her baby!" Sigaw naman ni Gabby dito. Madilim ang mukhang nakatitig kay Lance. Nilapitan ko na ang mga ito bago pa may mangyaring di maganda.
"Hey, stop this. Para kayong mga bata". Hi-nug ko naman si Gabby sa gilid at sinabing "Don't worry ako lang ang baby mo". Nag-liwanag naman ang mukha nito sa sinabi niya.
"Ikaw, Lance tigilan mo ang pang-aasar kay Gabby"
"Dapat kasi ako na lang eh! May magagawa pa ba ako!" Parang batang maktol nito. Natawa naman kami ni Ricos sa kanya. Alam naman ni Lance kung sino talaga ang gusto niya. Kaya alam kong masaya ito para sa kanya. Nag-paalam na kami sa dalawa at nag-tungo sa parking.
"Sweetheart, nakasimangot ka pa din" puna ko kay Gabby habang nasa biyahe kami pauwi sa condo niya. Mag-kasalubong kasi ang mga kilay nito.
Iniinom ko din ngayon ang strawberry frapped na binili niya. Hindi naman ito sumagot kaya kinulong niya ang mukha nito ng kanyang palad, pinaharap sa kanya, at hinalikan sa labi. Buti na lang kasalukuyan silang nakatigil dahil traffic. Mukhang nagulat naman ito sa ginawa niya.
"Okay ka na?" I said while smiling.
"Hindi pa, isa pa nga sweetheart" he said while wiggling his eyebrows. Hinampas ko naman ito sa braso.
"Pasaway ka talaga! Mag-focus ka na nga sa daan". Kinagat-kagat ko na lang ang straw ng iniinom ko para pigilan ang tawa. Ang cute kasi nito!
"Hmm...palagi nga akong mag-tatampo at galit-galitan para may kisspirin ako"
"Ewan ko sayo Gabby!". Natatawa naman ito.
------------------------------
Nagising ako na parang hinahalukay ang aking tyan. I immediately went to the bathroom para sumuka. Nararamdaman ko naman ang pag-haplos ni Gabby sa likod ko. I clean up afterwards and saw the worriness in his eyes.
"I'm okay sweetheart, nalamigan lang siguro ang tyan ko"
"Ikaw kasi eh, strawberry frapped at yung cheesecake lang kinain mo. Tapos natulog ka na agad. Should we go to the hospital to have you checked?"
"No need. Okay na ko. Baka dumugin lang ng fans at paparazzi ang hospital niyo pag nag-pa check up ako dun". Ayoko namang magulo ang mga pasyente at nurses dun kapag nalaman nilang nag-punta ako.
"Okay sigi. But let me know if you feel nauseated again". I nodded and walk outside the bathroom.
"Would you like to eat anything in this morning?"
Hmm.. ano nga kaya? Ah! Alam ko na!
"Sweetheart gusto ko ng sigkamas, bagoong, strawberry milk, vanilla ice cream, at Sampalok". Napanganga naman ito sakin.
"Are you sure you like that for breakfast?" Nakakunot noong tanong niya sakin.
Sinasabi niya bang hindi niya bibilin ang mga sinabi ko pagkatapos niya ako tanungin ng gusto ko?!?!!
Bigla naman akong napaiyak. Pumunta ako sa kama at nag-talukbong. Nataranta naman si Gabby dito.
"Hey, why are you crying?" Pinipilit niya akong paharapin sa kanya pero pinili ko pa din tumalikod at mag-takip ng unan.
"Hindi mo na ako mahal! Ayaw mo ko ibili!" Natatawa naman si Gabby nang sinabi ko ito. Walang nakakatawa bwisit!
"Ibibili na kita ok?. Wait for me here. Babalik ako agad kapag nabili ko na lahat"
"Talaga?" My face lit up. He nodded and kissed my forehead before going out of the condo. I've checked the clock on the wall and its only 6:00 am in the morning. My God! Sana mabili niya ang mga gusto ko. Nag-lalaway pa din ako by just thinking about those food!
BINABASA MO ANG
Broken Strings
RomanceShe's broken Lonely Numb Will he save her? or Broke her even more? Hailey Riz Montez and Gabby Del Prado story