Second

121 1 0
                                    

NATALIE's POV

Nagising ako sa sinag ng araw na umilaw sa buong kwarto. "Aga namang sumikat nitong araw na to" reklamo ko habang nag iinat ngunit nakahiga pa rin, tinignan ko ang oras 7:30 na pala.

"oh ate! Good morning" bati ko nang mapansin ko itong nakatayo sa tabi ng bintana at inaayos ang kurtina.

"Good morning bunso!" wika nito. Si ate shane, siya lang ang pamilyang meron ako. Kasabay  ko itong lumaki sa orphanage. Anim na taon ang agwat namin ako ay 18 at siya nama'y 24 na.

Hindi ko na maalala kung paano ako napunta sa orphanage pero ang sabi sa akin ay iniwan lang daw ako doon nung 2 years old palang ako.

Nang mapag desisyunan ni ate Shane na umalis sa orphanage 4 taon na ang nakakaraan  upang mag hanap ng trabaho ay maswerte itong nakahanap ng maalagaan dahil nagtapos ito ng care giving. Kinuha niya ako pagkatapos dahil mabait ang kanyang mga amo. Na kwento niya ako sa mga ito at agad naman nag alok ang mga ito na pwede niya akong kunin at sa bahay na nila manirahan .May kaya at mabait na pamilya ang mga ito.Ang Pamilya Mercado, Lawyer ang amo naming lalaki at Doctor at may sariling clinic  naman ang babae.

Pinag aaral ako ng mga ito sa magandang skwelahan at sila din ang tumutostos sa lahat ng gastusin ko pati sa allowance. Naging errand girl ako sa bahay, kasa kasama sa pamamalengke ni ate Lucia ang taga luto namin, o kaya tumutulong kay ate Shane sa pag alaga kay Lola Shiela, pag may pa party o occassion sa bahay nagiging serbidora din ako.Wala iyon lahat sa akin kumpara sa tulong nila sa akin.

"Mag breakfast ka na maya maya ay mamamalengke na kayo ni ate lucia" narinig kong wika nito. Kada linggo lang kami namamalengke.

"uhm ate! may natira pa ba nung mga cup cake sa party ni Wendy kagabi?" tanong ko rito. Si Wendy ang nag iisang anak nila na nag aaral sa ibang bansa at umuwi lang ito para i celebrate ang kanyang debut.

"Oo naman, ipinagtabi kita. Alam kong gusto mo iyon." nakangiting sagot nito.

"Oo nga, hindi lang talaga ako maka kain ng madame nun kagabi kasi andaming bisitang kailangan asikasuhin sa debut ni Wendy" komento ko bago Dali dali bumangon, nag ayos at tumungo na sa kusina upang mag almusal.

Young Love 어린애Where stories live. Discover now