Fifth

67 2 0
                                    

NATHALIE's POV

Nakatingin lang ako kay James habang naglalakad ito papalayo. Kinuha nito ang number ko at sinave nito ang number niya sa phone ko. Kailangan ko daw sagutin ang tawag nito no if's and but's. 'demanding!' "pag hindi ka sumagot you'll see" pagbabanta pa nito.

Napa buntong hininga na lang ako sa nangyari. "waaaah. bakit?" tanong ko sa sarili habang nag aabang ng jeep pa uwi.

Pagka uwi ko ay agad kong chineck ang mga gagawin ko. Halos wala akong ginagawa sa bahay pag week days dahil wala naman masyadong ganap sa bahay. Tinulungan ko si Ate Lucia sa pag prepare ng pag lulutuin pagkatapos ay tumungo na ako sa kwarto namin ni ate Shane para gumawa ng mga assignments.

Pagkalabas ko ng phone ko mula sa aking bag ay nakita ko ang miscalls galing kay James 3 miscalls ito. Kinabahan ako dahil 30 mins ago pa yung huli nitong miscall. Agad ko siyang tinawagan dahil short tempered yun baka naka kalat na ang litrato ko sa social media.

"Hello" kalmado nitong sagot sa kabilang linya.

Some how I felt relieved dahil kalmado naman ang boses nito.

"Kakapansin ko lang kasi ng miscall mo eh. Bakit?" wika ko.

"Bat di ka sumasagot? Anong sabi ko sayo?"
medjo iritado na ang tono ng boses nito.

"Eh hindi ko napansin yung tawag mo."  nakagat ko ang thumb ko habang sinasagot ito.

"Pano pag tinawag kita? Dont tell me mag aantay pa ako ng taon bago ka magpakita!"

'Oa naman nito' bulong ko sa sarili.

"Pasensya naman! hindi ko nga napansin" napapasimangot kong sabi. Hindi naman niya makikita.

"No ifs and buts!"

Inilayo ko muna ang phone sa ears ko at dinuro duro ang screen na parang siya yung kausap ko bago ako muling nagsalita.

"Oh bakit ka napatawag?" tanong ko.

"Magkita tayo" casual na wika nito..

"Magkita?" kunot noo kung wika ngunit walang sounds. Napakamot ako sa ulo sa sinasabi ng kausap ko.

"Magkita? gabi na ah!" reklamo ko

"hindi naman tayo mag tatagal tska 8pm pa lang. Puntahan kita" wika nito bago pinutol ang linya.

Napanga nga ako sa sinabi nito. Mukhang wala talaga tong magawa sa buhay. Hindi na niya inisip na ako madami. 'Bwisit'

Agad akong nagpalit ng casual na panlabas nag jogger pants medjo loose na shirt at rubber shoes lang ako. Malay ko kung anu gagawin namin ng lalaking yun baka makikipag away kami atleast comfy ang suot ko. 'Huhuhu'

Maya maya ay tumawag ito. Nasa gate na daw siya kaya kailangan ko ng lumabas. Napa isip ako kung paano nito nalaman ang address namin eh wala naman ako sinabi.

Nagpa alam muna ako kay ate Lucia at tska dumeretso sa labas. Nakita ko kaagad ang sasakyan ni James, Mc laren 600Lt ang sasakyan nito. Wala akong alam sa mga sasakyan narinig ko lang bulong bulongan ito sa skwelahan. Halata naman mayaman ito pero mukhang pribado ang buhay nito dahil walang nakaka alam kung sino ang mga magulang o kung ano ang business ng mga ito. Pero bali balita nga na galing ito sa mayamang pamilya dahil kahit na private at exclusive ang skwelahan namin ay probinsya parin ang lugar namin. Hindi ito parang sa City na halos lahat ng studyante ay may sariling sasakyan. May sasakyan ng magulang siguro.

Transferee si James, last year ito nag enrol sa school namin at isa siya sa mga studyanteng may mga sariling sasakyan ngunit ang sasakyan nito ang pinaka mahal.

Lumapit ako rito at binuksan naman nito ang glass window.

"hop in" wika nito.

Pagka upo ay tinanong ko kaagad kung anong gagawin namin o kung saan kami pupunta.

"Abangan mo na lang" wika nito.

"Paano mo pala nalaman address namin?" pagtataka ko.

Tumingin ito. Parang na weird an sa tanong ko kapagkuwan ay umiling iling na lang.

"Paano nga? sinundan mo ako?" pangungulit ko.

Napatawa ito ng maikli. "secret" sagot nito.

"Hilig mo sa secret na word noh?" komento ko.

Nanahimik ito.

Napabuntong hininga na lang ako nanahimik na din.Baka makulitan pa ito sa akin at bigla akong itapon sa labas ng sasakyan.

Napunta kami sa library. Sabi nito ay doon namin gagawin ang assignment namin sa lit. Tinignan ko lang ito. 'weird nito! promise hirap niyang basahin' komento ko sa aking isip.

Pagka upo namin sa table ay nagsalita ito. "Basahin mo yun book na pinapabasa sa atin Maam Flores" utos nito sa akin.

"sabi ko na nga ba eh." sabi ko sa kanya. Alam ko na tinatamad itong magbasa. Kailangan namin basahin yun at sagutin ang ilang katanungan.

Ngumiti ito sa sinabi ko. Nagulat ako sa ngiting yun. Iba sa mga ngiti niya noong nakaraan. Hindi devilish at hindi smirk.

Nag iba ako ng tinignan "sana pinagawa mo na lang to sa akin, ako na sasagot sa mga questions di hindi na sana tayo lumabas" wika ko.

"Syempre kailangan alam ko padin ang details ng story ah pano pag may further questions" rason naman nito.

"pwede namang call lang to eh" komento ko naman.

"sabi ko no ifs and buts" iritang wika nito bago muling nag salita "samahan mo din akong kumain ah di pa ako nag dinner"

My jaw dropped sa narinig ko, tumawa naman ito sa inakto ko. "Dinner?" tanong ko.

"yup dinner" sagot nito.

"Uy ah pinag tritripan mo ba ako? sinasabi ko sayo itong mga pag aaya mo ng date may something?" bintang ko.

Tumawa ito kapagkuway tumingin sa akin and gave me an amused look "Date?" he chuckled "sabi ko dinner! Dinner not a date, well you can count as date if you want to, as far as definition is concern it is considered as one" he smirked.

Nalito ako sa sinabi nito, nag back track ang utak ko. 'Dinner nga' wika ng isip ko. Nahiya ako sa sinabi ko rito. 'asumerang frog ka!'

Nag iwas ako ng tingin dahil ang init ng mukha ko. Wala akong nasabi sa sinabi nito.

"tsaka pagtripan? hindi ba pwedeng gutom kya nag aya ng dinner?" komento pa nito.

"Oo na!" bulyaw ko rito.

Tumawa lang ito tska muling umiling iling.

Tinapunan ko lang ito ng matalim na tingin.

Young Love 어린애Where stories live. Discover now