Ninth

45 0 0
                                    

I was just walking my way out sa school ng biglang akong makatanggap ng text message mula kay James. Napakunot noo ako ng mabasa ko ang message nito. ' see you tomorrow' "weird! may pa see you tomorrow pa. anu na naman kaya to". komento ko sa sarili.

"Anu na naman mission ko bukas?" reply ko dito.

"wag kang excited kaagad. Malalaman mo din"

"excited duh!"

"kunyari ka pa eh. Baka mag blush on ka na naman ah" pang aasar nitong muli.

"bahala ka!" ang tanging reply ko.

"Anong oras ka pala pwedeng lumabas bukas?" tanong nito.

"mga hapon"

Pagka gising ko ng umaga ay agad ko ng sinimulaan ang aking mga gawain. Usual kong ginagawa pag weekend. Pagkatapos ay agad akong nag prepare dahil kakatawag lang ni James na on the way na daw siya. Mahirap naman walang ligo at ayos baka katakot takot na pang aasar ang abutin ko sa kanya.

" so anung agenda natin ngayon?" tanong ko pagka sakay ng kotse nito.

" basta samahan mo ako" sagot nito.

"bango ng perfume ah!" kapagkuway wika nito.

May himig na naman ng panunudyo sa boses nito kaya sa halip na sagutin ko ay itinuon ko nalang ang tingin ko sa may window at pinagmasdan ang view sa labas. Mga sasakyang bumabyahe din. Pero mas okay na yun kaysa patulan ko si James dahil mukhang matatalo ako dito.

"harap ka nga dito parang naka blush on ka na naman eh tapos parang may lipstick din" wika nitong muli.

"eh tigilan mo ako"

He chuckled bago muling magsalita " you're looking pretty to be honest"

Natameme ako sa sinabi nito. Joke man yun oh hindi pero may kunting kilig akong naramdaman.

"Kahit hindi ka mag make up" patuloy nitong wika.

Wala na talaga akong nasabi at dahil doon ay parang naging awkward ang paligid. Hindi na rin ito muling nagsalita pa hanggang sa mapadpad kami sa mall. Napatingin ako sa kanya.

"why?" tanong nito ng mapansin nito ang tingin ko rito.

"anong gagawin natin dito?" tanong ko.

"we're hanging out" casual naman nitong sagot.

"ha?" literal akong napanganga sa narinig.

"anong ha? Ano bang ginagawa sa mall?" wika nito kapag kuwan ay lumabas at ipinagbukas ako ng pinto.

Akmang tatayo na sana ako ng mapabiglang sandal ako sa upuan. Hindi ko namalayang naka seat belt pa pala ako. " ako na" wika nito at agad niyang in unbuckle ang seat belt. Suddenly kakaiba ang pakiramdam ko sa kinilos niyang iyon. 'nakaka ilan ka na sa pagpapakilig sa akin ah' anang isip ko.

Young Love 어린애Where stories live. Discover now