Eight

40 1 0
                                    

" I seem to look kind of pale today" wika ko habang sinisipat ko ang aking sarili sa harap ng salamin bago lumabas ng bahay. Napag pasyahan kong mag lagay ng blush para naman kahit paano eh mag ka kulay ang aking face.

Naglalakad ako malapit na sa may main gate. Dahan dahan lang ako sa paglalakad dahil maaga pa naman ng maramdaman  kong may nag tap sa aking left shoulder kaya agad ko itong nilingon.  Si James.

"himala nag blush on ka ata. O rosy chicks ka lang talaga"? may himig ng panunudyo nitong wika.

"Natural yan" sabay taas kilay kong sagot.
"teka naglakad ka?" wika kong muli ng mapansin kong wala ang sasakyan nito. Nilinga ko ang paligid ngunit wala talaga ito.

"nag jeep ako malamang. Adik ka ba?"
"ba malay ko ba! malay ko din na marunong ka palang mag jeep"

"Coding eh.Balik tayo sa mukha mo. Bat nag blush on ka ngayon" wika nito.
'ayaw talaga akong tigilan my G'

"sabi ko sayo natural yan" palusot ko bago mag walk out.
Narinig ko ang tawa nito habang papalayo. Hindi ko ito ka klase sa una kong subject kaya naging peaceful ang morning ko. Not until my literature class kung saan ko siya ka klase.

Pagpasok ko sa classroom ay agad ko siyang namataan sa pinakalikod ito 3rd seat from the left opposite ng door kung saan ako pumasok. Nakatingin lang ito sa akin. Plain ng facial expression nito. Nakaramdam ako ng awkwardness kaya tumungo ako sa harapan at doon nag hanap ng mauupoan. Habang nakaupo ay on going ang discussion sa aking utak. Im in between treating him as someone I know or pretending like I dont know him at all. Parang yung dati. Mas bet ko and mas easier sa akin yung later kaya lang paano pag tinawag niya ako hindi naman pweding i ignore yun.

Im so engrossed with my thought na hindi ko napansin ang pag dating ng instructor. Narinig ko na lang ang pagbati nito. At sa wakas ay natapos din ang klase and since nasa harapan ako, binagalan ko ang paglalakad para mauna na siya sa paglabas kinakabahan ako ng slight ng sumulyap ito sa akin bago dumeretso sa pag labas. Buti na lang lumabas ito agad.

Lumipas ang maghapon na yun lang tumatakbo sa aking isipan. Im not sure on how to get along with this situation Im in. Kasi im pretty sure magiging target ako ng mga bully and mean girls dito once malaman nila na nakakausap ko si James. Inalala ko ang reaction nito ng makita ko siya sa klase kanina. Hindi ko malaman if we're having the same thoughts. Napaka plain kasi ng expression niya. Not like the usual but its not also the kind of look you throw to someone you know. 'ay ewan'

Young Love 어린애Where stories live. Discover now