Third

81 3 0
                                    

NATALIE's POV

Pagpasok ko ng classroom para sa English and Lit subject ko ay nabungaran ko agad si James. Ang gwapo ngunit bad boy rebel kong ka klase, Napakonoot noo ako ng mapansin ko ang  pagtitig  nito sa akin. Tumingin ako sa gawing likuran upang siguraduhin kong kanino ba talaga ito nakatingin. Ngunit wala namang tao roon.

Nang muli ko siyang tignan ay naka ngisi na ito. Nagtataka ako pero hindi ko na gaanong pinagtuunan ng pansin. Nag hanap ako ng bakanteng upuan ng may marinig akong tumawag sa akin "Queen Natalie" sigaw nito. Si Miles yun, itinuro nito ang bakanteng upuan sa tabi niya ngunit hindi ko ito pinansin. Umupo ako sa ibang upuan.

'Nakadikit na talaga ang queen sa pangalan ko' inis kong sambit sa mahinang boses.

Unang araw ko pa lang dito sa Thoms High noon. Naglalakad ako sa corridor papasok sa pangalawa kong klase ng may marinig akong malakas na boses "Hey new girl" tawag nito.

Agad akong lumingon dahil alam kong new girl ako sa school na ito. Nalate ako sa pag pasok ng ilang araw bilang isa akong transferee kaya may mga inayos pa sa paglilipat ko.

May nakita akong tatlong babae naglalakad palapit sa akin. " Hindi kami basta basta dinadaan daanan lang" wika ng babae sa gitna. Nagulat ako sa sinabi nito. Hindi ako umimik ngunit nakatingin pa rin sa kanila.

Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa kapagkuway lumapit ang babaeng nasa gitna at hinawi ang buhok ko na nasa aking balikat, napa atras ako at muling tumingin sa kanya.

"Ano ba dapat?" tanong ko rito. Dahil wala akong ideya sa mga pinag sasabi at ginagawa nito ng mga oras na iyon.

Ngumisi ito "I can sense bravery" komento nito. Napakunot noo ako sa sinabi niyang yun. Clueless talaga ako dahil wala namang ganto sa pinanggalingan kong skwelahan. 'ganto ba sa private at prestigious na skwelahan' sa isip isip ko.

"Kung ano man to, pwede next time na lang kasi ma lalate na ako eh" sabi ko sa kanila ng mapansin ko ang oras.

Akmang kikilos na sana ako at maglalakad ng itaas nito ang kanang kamay niya sa harapan ko "not so fast" wika nito.

Nagsisimula na akong maiinis sa ina akto ng babaeng nasa harapan ko. Tinignan ko siya, this time I throw her an intense look and she looked at me with the same intensity.

"Easy!" narinig kong wika ng isang lalaking palapit sa amin.

"Jane, kung ayaw mo ng gulo spare her" wika nito sa babaeng nasa harap ko"

Tinignan siya nito "ooh! her super hero?" nanunudyo nitong wika sa lalaki.

He chuckled "Nope, Hindi siya basta basta lang. Saw her ridin a Porsche Cayene coming to school kanina"

Yun ang sasakyan ng amo kong lalaki. Inihatid nila ako dahil unang araw ko ngayon.

Tinapunan lang siya nito ng masamang tingin bago umalis kasunod ng dalawang babaeng kasama nito.

Tumingin ako sa lalaking kausap nito na nasa tabi ko. " Miles" wika nito at inilahad ang kamay. "Natalie" pakilala ko naman at nakipag kamay nadin sa kanya.

Patakbo na sana ako para mahabol ang class ko ng oras na iyon ngunit nabigla ako sa paghila sa kamay ko ng lalaki sa tabi ko. "Late kana" sabi nito.

"Yun na nga unang araw ko pa naman to" pag aalalang sambit ko. "Hindi mo na mahahabol yun" sagot naman nito.

"Tapang mo pala kanina habang kausap mo si Jane" patuloy niyang wika.

"Sino b yun, tsaka anong problema niya"
"Malakas talaga mang bully yun si Jane, pero pinipili niya lang yung mga scholar kasi alam niyang walang kaya yung mga yun. Mukha ka kasing scholar eh" napabungisngis ito.

"Hindi niya alam isa kang princess, Queen pala dahil matapang ka din" kapagkuway komento nito.

Nasa flashback ang utak ko ng mapansin kong nagsitayo an ang mga ka klase ko. Agad din akong tumayo at tinanong ang katabi ko kung bakit nagsisi labasan na sila 'lah tapos na ba ang klase?' pag papanic ko. "walang teacher eh 15 mins na" sagot naman nito.

Napabuntong hininga ako. Kala ko sa kaka flashback ko eh tapos na pala ang klase.

Nagsimula nadin akong maglakad palabas ng classroom ng mapansin ko si James sa may pintuan tumingin muna at ngumisi bago dumeretso palabas.

'anu bang trip nun?' anang isip ko. I tried my best so I wont come across him pero hindi ko alam at parang nakikita niya ako ngayon. First time niya akong tinapunan ng tingin. May ngisi pa.

Kinakabahan ako sa inaakto nito, Mysteryoso at malakas ang personality nito. Hindi naman siya bully wag mo lang siyang babanggain or bwibwisitin.

Young Love 어린애Where stories live. Discover now