Seventh

39 1 0
                                    


"being with me" casual nitong sagot.

"wow ha. Feeling ka din" patuloy kong pang aasar sa kanya. Nabigla ako sa aking sarili dahil ganoon na ako ka comfortable asarin siya. Napatingin ako sa kanya ng marealize ko ang isipang yun ngunit mukha namang wala lang ito sa kanya.

Hinatid din niya ako pagkatapos namin kumain dahil baka hanapin daw ako dito sa bahay and in fairness ang cute nung ganung gesture 'char!'. Pagkahatid sa akin ay tumungo na ako sa aking kwarto at doon ay inabutan ko ang aking ate shane na mukhang kakapasok lang rin.

"Ate!" nakangiti kong wika sa kanya.
"hmm ang ganda ng ngiti ng bunso ah" Puna kaagad nito sa akin.
"dati naman na ah" sagot ko
"talaga..? so sinu yun sumundo at naghatid sa iyo kanina"
"friend ko" casual kong wika.
"next time pakilala mo siya sa akin ha" wika naman nito.

Agad na din akong tumungo sa banyo upang mag ayos at mag ready sa pagtulog. Pagkahiga ay inalala ko ang nangyari kanina 'parang ang bilis, kelan lang nung nagkakasalubong lang kame, tinginan tapos ngayon nag uusap na na parang magkakilala ng matagal'  litanya ko sa aking isip. Tinignan ko ang aking cellphone upang i check kong may message eto ngunit wala. Napa isip tuloy ako kung nasaan na ito kaya nag message ako sa kanya.

"James nakauwi ka na ba?"
Kapagkuwan ay nag reply naman ito.
"Oo Queen Im home safe and sound. Worried?" Parang nahiya ako sa tanong ko ng mabasa ko ang reply nito. 'at ng asar pa' bulong ko sa aking sarili. Naiimagine ko na hitsura nito sa reply niyang iyon.
"Baka kasi syempre damay ako pag may nangyari sayo noh" palusot ko rito.
"Talaga?" patuloy nitong pang aasar
"luh oo naman" di ako aamin syempre 'ah so worried ka nga' pati utak ko ng aasar.
"Okay sabi mo eh. Tulog ka na. may pasok pa bukas. Good night" reply nito at my smiley emoji pa.
"luh may pa emoji pa" napapangiting bulong ko sa aking sarili bago mag reply  ng "night".

Young Love 어린애Where stories live. Discover now