Project 15

3.2K 55 1
                                    

Nakita kong himinga siya ng malalim at may binulong sa sarili bago nagsalita,

"Alam ko hindi pa tayo matagal magkakilala, this is corny but it feels so right whenever i'm with you. Nawawala ang problema ko sa tuwing nakikita kitang nakangiti--" Hinawakan pa niya ang kamay ko. Bakas sa mukha niya ang tuwa habang sinasabi yan.

Kinagat ko ang labi ko. I know where this is going. I wanted him to stop but I can't. Gusto kong marinig lahat ng sasabihin niya.

"Alam mo ba, gustong gusto kitang kausap dahil napapagaan mo ang loob ko. Lalo ka lang nagiging cute pag naasar ka na sa akin." He chuckled, pinaglaruan niya ang daliri ko at hinayaan ko lang siya.

"So..will you--" Napahinto siya nang bigla akong bumitaw at tumayo sa kinauupuan ko.

"Don't, Jace." Pigil ko sa kanya. Dahil sa oras na sabihin niya ang katagang 'yun baka mapa-oo nalang ako kahit hindi dapat! I don't wanna be a rebound here.

Gusto ko ay kapag sigurado na talaga kami sa nararamdaman ng isa't isa. Baka kasi natutuwa lang siya sa akin. My heart is so confused!

Naniniwala ako na, 'A man and a woman can never be just friends because at one point they will fall for each other.' But in our case, ako lang ang nafall sa kanya. See how life is so unfair.

For me the farthest distance two people can be is not between life and and death but it is when you are standing in front of him and he doesn't even know that you love him. Parang so close yet so far? Pakiramdam ko ang layo layo ko sa kanya kahit na nakatayo lang ako sa harapan niya ngayon.

Palagi kong sinasabi sa sarili ko dati na pagnagkagusto ako sa isang tao ay sasabihin ko agad sa kanya. Ano ba ang aantayin ko, pasko? Ano, till end of the world hindi niya malalaman na gusto ko siya? Hindi naman pwede 'yun.

Umiling ako, "I--I.."

Just say it! Say you love him!

"I'm sorry.." Bulong ko. I can't! Hindi ko pa talaga kaya.

Napatayo siya sa sinabi ko, halos hindi makapaniwala. I'm really sorry..

Ayoko lang kasi na magiging kami pero naguguluhan pa ako. I'm paranoid, i'm always insecure, gusto ko 'yung wala na ang lahat nang 'yun! 'Yung pag maiisip ko na gusto ko siya ay 'yun lang! Walang kasamang insecurities and all. As simple as that.

"What?" Nanlalaki ang mata niya. Umiling lang ako hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sasabihin ko. Ito naman ang gusto ko diba? Ang gustuhin din niya ako? Pero bakit parang mali sa pakiramdam!

Napapikit ako sa sigaw niya. Hindi ko siya kayang tignan. I feel so guilty for ruining this night for him. He looks so happy..

Narinig kong tumawa siya, "Let's go home." at tinalikuran na ako without even looking at me. "Sorry.." Bulong ko sa likod niya bago ko siya sinundan.

The Love Project (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon