"Pwede ba, 'wag mo akong landiin! Dun ka." Pagtataboy ko kay Jace.
"Bakit bawal ko na bang landiin ang girlfriend ko?" At mas dumikit pa siya sa akin.
"Ano ka ba! Buti nga ikaw ang nilalandi niyan! Tignan mo 'tong si Gab kung sino sino ang nilalandi!"
"Pie, ako nanaman ang nakita mo! E, si capt nga--"
"Tss, ano nga ulit 'yun Gabriel?" May halong pagbabanta sa boses ni Kirk kaya hindi na natuloy pa ni Gab ang gusto niyang sabihin.
"Wala. Si Ivan nga o. Lakas din makalandi. Bakit puro ako?" Turo niya kay Ivan na nananahimik na nakasandal sa balikat ni Kate sa isang tabi.
"Ako naman ang nilalandi niya! Mag girlfriend ka nga, hindi 'yung puro ka nalang flings dyan! Wala ka naman mapapala dyan!" Sagot ni Kate kay Gab. "Oo'nga. Buti sana kung magaganda lahat!" Dagdag ni Pie sabay irap.
Natatawa nalang ako kay Gabriel dahil kahit anong sabihin niya ay bumabalik pa rin sa kanya ang pagiging malandi niya.
"Porket ako lang ang single dito pinagtutulungan niyo nanaman ako! Nasan na ba kasi 'yung Kevin na 'yun!" Sabi niya tapos ay kinuha niya ang phone niya para hanapin si Kevin at may kakampi na siya. Silang dalawa kasi ang babaero!
"Ginusto mo naman yan, bra!" Pangaasar pa lalo ni Jace sa kanya.
"Pag ako nagkagirlfriend.."
"O ano?" Paghahamon ni Ivan na ngayon ay naisipan nang magsalita. Minsan hindi ko maintindihan si Ivan kasi minsan makulit siya minsan tahimik lang siya. Ngayon nagsisimula na siyang mangasar samantalang kanina sobrang tahimik.
"Baka mainggit mga girlfriend niyo sa girlfriend ko pag nagkataon!" Tinuro pa niya kaming tatlo na tinawanan lang namin at sinabing hindi 'yun mangyayari dahil in the first place ay hindi siya magkakagirlfriend.
"Sinong hindi magkakagirlfriend?" Singit ng bagong dating na si Kevin.
"Kayong dalawa ni Gab!" Natatawang sagot ni Kate.
"Kakarating ko lang tapos gaganyanin niyo na ako agad? Aba hindi naman tama 'yan!" Pabiro niyang sabi bago dumiretso at nakipaghigh five sa mga boys.
"Hindi mo ako makukuha sa paglandi landi mo, Jace!" Sabi ko nang nasa kotse na kami ay kinukulit niya pa rin ako. Akala ko nakalimutan na niya.
Kanina pa niya ako kinukulit na ipapakilala niya ako sa parents niya. Hindi ko naman alam kung paano ko sasabihin na ayaw ko! Hindi pa ako ready noh. Tsaka pano pala pag ayaw sa akin ng parents niya, ano nalang ang gagawin ko? Iiyak kasi ayaw nila sakin, ganon?
Baka sungitan ako ng mom niya pagkakita sakin, baka maartehan siya sakin tapos hindi niya ako gusto para sa anak niya tapos 'yung dad niya baka may gusto na palang babae para sa anak niya 'yung may company para pagnagkataon magmemerge 'yung company nila!
BINABASA MO ANG
The Love Project (Completed)
HumorVivien Uy officially declared that she hated Jace the moment he started bossing around her. She hated when people tell her what to do. So will her opinion change as the story goes on? Come and see..