Project 37

2.4K 55 1
                                    

Who says exes can never be friends? For me, they can. Depende naman kasi yan sa maturity ng relationship niyo and kung kaya mo bang ihandle ang situation. 

Like Allen, bumalik kami sa pagiging close namin. He always annoy me whenever he get a chance. I guess that's his favorite hobby. As for Jace,

After a month of avoiding me, nasanay na ako. Hindi ko na rin siya naisip contact-in. Buti nalang at nandyan si Allen, para kulit kulitin ako palagi kaya medyo nadidivert rin ang atensyon ko. Kaya nagulat ako nang isang araw ay bigla niya akong tinext.

Siya na ang nagtext, magiinarte pa ba ako? So, I replied. I asked him a favor. I want us to be friends again. Pumayag naman siya. At first, it was really awkward for the both of us pero nang tumagal ay nasanay na rin kami. Kahit na minsan ay tinutukso pa rin kami.

"Ang tagal mo naman kumilos!" Reklamo ng nakatayong si Jace sa labas ng classroom ko.

Tinukso tukso pa ako ng mga classmates ko sa kanya. I would be lying kung sasabihin kong hindi ako kinikilig of course kinikilig pa rin ako pero a part of me was saying na hindi dapat ako kiligin dahil wala na kami. He's just my friend now.

Sa paningin ng ibang tao ay kami pa rin pero alam na alam ko naman na hindi na. There is no us anymore, just him and me. Start na ng panibagong chapter ng buhay namin. Sa totoo lang, sobrang hirap para sakin na tanggapin siya bilang kaibigan pero sabi naman nila Pie na dapat ay tanggapin ko na, in that way mas mababawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Nandyan pa rin 'yung sakit pero sa tuwing makakasama ko siya ay alam kong masaya ako. Hindi ako umaasa na babalik pa kami sa dati pero okay na sakin ang ganito. Darating ang panahon na masasanay din akong maging kaibigan niya lang.

"Edi sana 'di mo na ko sinundo kung magrereklamo ka lang!" Sabi ko pag labas ko. "Kaya ko naman pumunta dun magisa!"

Nagkibit balikat lang siya sakin at nauna nang maglakad. Lakad takbo ang ginawa ko para lang mahabol siya. Nakakainis pa rin siya hanggang ngayon! Napakasungit!

"Ang tagal niyo!" Salubong sa amin ni Kirk, hinabaan pa niya ang huling syllable to emphasize na matagal kami.

"Akala ko mabubulok na kami dito kakahintay sa inyo." May pagkaOA naman na sabi ni Gabriel samin.

Wala kaming pinansin sa kanilang dalawa at umupo sa bakanteng pwesto. Magkatapat kaming dalawa ni Jace sa dulo dahil nga late kami at ako ang sinisisi niya kung bakit samantalang wala naman akong sinabi na hintayin niya ako.

Bigla nalang nila napagusapan ang chess dahil ang alam ko ay may competition sa school namin bukas nun.

"Magaling magchess 'tong si Jace!" Proud na sabi ni Kevin.

Hindi na ako nagulat dahil lahat naman ata ng bagay ay magaling si Jace. Since the day I met him, it is also the day I started to doubt that nobody's perfect. Jace is perfect!

Ngumisi lang siya, 'yung ngiti na alam mong may naisip nanaman siyang kalokohan. At tama ang hinala ko sa sunod niyang sinabi,

The Love Project (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon