Project 35

2.4K 41 1
                                    

"Oh, don't worry about me. I confronted Kirk about it pero wala siyang sabi, so nagaway kami." Aniya na parang walang pakialam kung nagaway sila. 

Kung si Pie wala, well, ako meron kasi alam kong ako ang dahilan. Kaya ayaw kong malaman niya dahil alam kong magaaway sila. Pie and I are bestfriends and the same goes with Jace and Kirk. Of course, you'll choose your bestfriend over anything. I'll do the same if I were Kirk. Pagtatakpan ko rin si Jace, panigurado. 

"Damn! No one treats my friend like this. Kahit bestfriend pa ni Kirk, no. He should be thankful na hindi ko pa siya nakikita because I might slap him," Dagdag niya, "Hard." 

Galit na galit si Pie dahil sa mga nangyayari. Gusto ko rin magalit but I can't bring myself to hate Jace but I hate myself more. Bakit kahit na sinaktan na niya ako, I still love him. Kahit pagbalibaliktarin ko pa ang mundo, mahal ko pa rin siya. 

Tinignan ko siya, "Are you okay?"

Tinignan din niya ako pabalik. Nakikita ko lang lungkot at inis sa mga mata niya. Nalulungkot hindi dahil nagaway sila ng boyfriend kundi para sakin na para bang sinasabing 'ikaw, are you okay?'

Nagiwas ako ng tingin at nagulat ako nang bigla siyang sumigaw. "Can you not act like you are okay when you are not?! Nandito naman kami ni Kate para sayo kaya pwede ba!" Sigaw niya sakin, nangingilid na ang mga luha niya ngayon.

"Pie, I--"

"No, you know what? You're making me feel like I'm a worthless friend.." Turo niya sakin habang sinasabi yan.

Aaminin ko, nasasaktan ako sa sinasabi niya kasi totoo, what kind of friend I am to treat them like this.

"Pie, stop it!" Hinawakan siya ni Kate to stop what she's saying but stubborn Pie is stubborn. "Totoo naman, e! Sabihin mong mali ako, Kate. Pinaparamdam niya kasi satin na wala tayong kwentang kaibigan kaya sinasarili niya nalang ang mga problema niya!"

Hindi makasagot si Kate because we both know that Pie is right. Bakit ko ba nagawang itago 'to sa kanila na bestfriends ko at piliin na sarilihin ang mga problema ko kung nandyan naman sila para sa akin. After all, sila lang ang nandito para sakin ngayon.

"I'm sorry..i'm really sorry..sorry.." I just kept on saying sorry dahil sa ngayon 'yun lang ang masasabi at magagawa ko ang magsorry sa lahat ng ginawa ko kahit na alam kong kulang ang sorry ko. 

I'm selfish. Gusto ko ako lang palagi. Nang dahil sakin nagaway silang dalawa ni Kirk nang dahil sa pagiging selfish ko I almost lost a friend. Nakayuko lang ako buong magdamag kasi nahihiya akong harapin sila.

Naramdaman ko nalang na may brasong yumakap sakin at napatingin ako kay Kate at Pie na nakayakap sakin.

"It's okay. Next time, just be honest with us, that's what friends are for right?"

"Bestfriends." Pie corrected Kate.

Iyak tawa ang ginawa ko habang niyayakap sila pabalik.

The Love Project (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon