Pakiramdam ko ay ang tagal lumipas ng araw na 'to. Minsan ang bilis ng oras, hindi mo mamamalayan na gabi na pala pero ngayon parang ang tagal. Parang kakakita lang namin ni Jace pero parang ang tagal tagal na. Hindi ba sabi nila pag masaya ka mabilis lumipas ang oras?
Kanina ko pa siya dinadaldal pero wala siyang kibo. Hindi ko nalang pinansin ang pagiging tahimik niya kanina sa school pero hanggang ngayon ba naman! Aba hindi ko na kaya 'tong katahimikan na 'to.
Normally, aasarin at lolokohin pa niya ako. Simula sa suot ko hanggang sa itsura ko ay papansinin niya. Kahit nga pimple ko minsan ay pinapansin pa niya! That's his normal self.
Hindi ko alam kung saan siya nagpunta kanina pero naging ganito lang siya after nun. Nung sinubukan ko naman siyang tanungin ay wala siyang sinabi at sinabing wala naman daw problema. Hinayaan ko nalang rin siya dahil baka stressed lang siya sa school tapos sa trabaho pa.
Akala ko nung una ay bad mood lang siya dahil magkasama nanaman ang pinsan niya at si Kevin. Tanggap na niya ito pero hindi pa rin niya magawang matuwa pag nakikita sila. Hindi man niya aminin ay alam kong takot siyang masaktan ng kaibigan niya ang pinsan niya. After all, he's a known playboy.
Parang kapatid na rin kasi ang turing niya kay Aria at talagang medyo isip bata pa si Aria. Parang wala pa rin siyang alam sa mga nangyayari. She is as innocent as that kaya todo bantay rin si Jace sa kanya.
But we learn through experiences, right? Kaya sabi ko hayaan na niya ang pinsan niya kung saan siya masaya.
Kanina pa kami nakatambay sa bench sa school. Sa totoo lang, ngayon lang ata ako tumambay dito dahil madalas ay mainit. Buti nalang ay hindi mainit dahil hapon na rin.
Nagulat ako nang bigla siyang sumandal sa balikat ko. Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakapikit.
"Huy.." Tawag ko nang nakita kong pinagtitinginan kami.
Hindi siya gumalaw. Tulog na ba 'to? Doon ko lang siya napagmasdan ng mabuti. Mukha talaga siyang pagod na pagod at stressed.
Nilabas ko ang phone ko at tumawag kay Kirk,
"Oh, napatawag ka? Kung si Jace ang hanap mo, hindi ko siya kasama. Mamaya pa ang practice namin." Tawa niya.
Napairap nalang ako kahit hindi niya nakikita, minsan kaya ayaw kong tinatawagan itong si Kirk, e.
"Alam ko, kasama ko siya. Pwede bang pass muna siya sa practice niyo ngayon?" Tanong ko habang nililingon si Jace.
"Bakit? Anong nangyari?"
"Wala, he just.." Sabi ko, "Looks really tired. Thanks, Kirk!"
"O, Sige sige. Ako na bahala kay coach."
Ang hindi ko maintindihan ay bakit kailangan pa nilang magpractice samantalang tapos na ang season ng game at champion na sila. Last sem na nga nila ito kaya wala na silang laro, ang coach talaga nila!
BINABASA MO ANG
The Love Project (Completed)
HumorVivien Uy officially declared that she hated Jace the moment he started bossing around her. She hated when people tell her what to do. So will her opinion change as the story goes on? Come and see..