Chapter 4

18 2 1
                                    

"Leigh Pov"

Andito ako ngayon sa library! Dito ang tambayan ko at  gusto ko palagi sa tahimik na lugar lang kaya naman dito ko napiling tumbay kahit walang gagawin! You know? Library, bawal ang maiingay.

Pero mali ako ng akala.

"Hey! Bro? Look oh? Pinagpipyestahan ka na sa social media. Hahaha grabe pre? Sikat na sikat kana"

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Aries (kaibigan ko). Bigla kong hinablot sa kanya ang cellphone nya.

Automatikong naitapon ko ang selpon sa labas ng pintuan ng library. Halata namang nagulat ang mga iba pang student na naroon dahil lahat sila ay lumayo. Kilala kase akong kinakatakutan sa unibersidad na ito. Lahat walang nais kumalaban sakin! Hindi naman ako bully katulad ng ibang lalaki. Pero kaya ko silang takutin gamit lang ang mga mata ko.

"Pano pag nalaman ni Aisa 'to?" Bigla akong kinabahan. Lagot pano na nga pag nalaman nya 'to! Di ko alam ang gagawin ko pag nangyare ang iniisip ko. Wag naman sana.

Ano ba kaseng pumasok sa kokote nang babae na yun at sinabi yun! Hibang na ba sya para gawin yun.

"LEIGH! FOLLOW ME" SAbay kaming napalingon sa pintuan nang makitang ang galit na galit na mukha ni Aisa. Di ko alam kung pano ireresolba ito. Tumayo na lamang ako at sinundan sya. Tumigil kami sa lagi naming tinatambayan. Ang likod ng school.

"Tell me? Ano yung kumakalat na video?" Naluluha nyang saad.

Si Aisa, sya ang girlfriend ko. Sya ang babaeng mahal ko. Sya ang unang nagpatibok ng puso ko. At di ko kakayanin na mawala sya sa buhay ko.

pagdedepensa ko. Sana lang maniwala sya sakin.

"MALINAW NA MALINAW SAKIN ANG LAHAT, LEIGH! NAKIKIPAGLANDIAN KA DUN SA BABAE NA YUN!" Humagulhol na sya ng iyak. I don't want to see her na umiiyak parang dinudurog ang puso ko. Nilapitan ko sya pero isang malakas na tulak ang ginawa nya sakin. "A-ano bang kasalanan ko sayo Leigh para gawin mo sakin 'to! Ang sakit sakit" sabi pa nito.

"Please, Aisa. Maniwala ka sakin! Walang katotohanan ang lahat ng yun."

"Ano pa bang gusto mong paniwalaan ko? Ikaw! Ilang beses mo nang ginawa sakin to but then pinatawad kita dahil mahal kita. Mahal na mahal! Pero deserve ko ba talaga ang kagaya mo?" Napaupo na sya sa kakaiyak.

" PLEASE AISA! MANIWALA KA NAMAN SAKIN" Pagmakaawa ko sa kanya. Ibang - ibang Aisa ang nakikita ko ngayon. Ngayon lang sya umasta nang ganito. Dati - rati mabilis lang nya akong patawarin pero ngayon

"I'm breaking up with you, Leigh"

Tuloy tuloy umagos ang luha sa mga mata ko. Ba't ganun ang sakit! Iniisip ko pa lang 'to kanina parang di ko na kaya, ngayon pa kayang nangyayari na.

"B-Babe Aisa, nadadala ka lang nang emosyon mo! Please, wag mo namang gawin sakin 'to! Mahal na mahal kita"

"It's over, Leigh." Dahan - dahan syang tumayo at naglakad.

Niyakap ko sya mula sa likod.

"Babe! Don't do this. I love you! I really do!"

Tinanggal nya lang ang yakap ko sa kanya at iniwan akong luhaan. Ba't parang ang bilis ng pangyayari. Ba't ganun. Hindi ko'to kaya.

Napasuntol ako sa pader na nasa harapan ko. Ramdam kong nadugo iyon at masakit. Pero mas may sasakit pa ba sa puso ko. Lalaki ako pero wala akong magawa kundi ang umiiyak.

Napatingin ako sa kamay kong dumudugo.

"Kasalanan nya 'to. Humanda sya"

-------

Kimberly's Pov

"Bessy? San ka ba galing kanina? Alam mo ba waaaaahhhh i'm so kinikilig kanina!" Napa - poker face ako sa mukha ni Cindy. Mukha syang temang. Hahaha pano ba naman kase may pakumpas - kumpas pa nang kamay habang nagkwekwento! "Waaaah ang ganda talaga dunn!"  tumingin pa sya sa kawalan at mukhang nag - iimagine.

"Nako! Bahala ka nga riyan!" Luminga linga ako. "Teka asan nga pala si Marie?"

"Magsi - cr lang daw sandali."-cindy.

Maya maya pa'y nakita ko na si Marie na papalapit sa table namin. Andito kase kami ngayon sa corridor.

Tumingin sya ng diretso sa mga mata ko. Kinabahan naman ako bigla!

"Hindi ka lang namin nasamahan kanina! Kung ano ano na naman ang ginawa mo!" Paglilitanya nito.

Ano raw? Kalokohan. Wala naman ahh! Wala nga ba?

"Teka? Wala akong maintindihan. Anong pinagsasabi mo?"

"Look!" Inabot nya sa akin ang selpon nya. And ---

HOLLY COW COW MEOW MEOW! Bat may VIDEO? Grabeee. Panong nangyari 'to.

"Kalat na kalat na yan sa social at di imposible na nakarating na yan kay Leigh"

Poker face na sabi nito. Bakit parang ang seryoso naman nya.

"Ano bang meron kung malaman nya?" Curious kong tanong.

"Dapat kase inaalam mo muna ang consequences bago ka magpasabog nang bomba! Una, sina Allie. Sumunod si Leigh! Well!? Okay lang na sina Allie?" Tumigil sya sa pagsasalita.

"Pero si Leigh? JUSMEYO MARIMAR, GURL PARA KANG SUMABAK SA GYERA NA WALANG DALANG ARMAS!" Sabat naman ni Cindy.

"Alam nyo? Yung totoo? Di ko talaga kayo maintindihan." Nakasimangot kong saad.

"Maiintindihan mo din kami"

"YOU"

Nagulat kaming lahat na nasa corridor at napalingon sa pintuan ng corridor. Halos lahat napasinghap nang makita namin ang dungising si Leigh. Napaka - priceless ng itsura nya.

Dumudugo ang kamay nya. At halatang halatang galing sya sa iyak. Nakakaawa ang isang tulad nya. Pero mas nakakatakot ang tingin nya sa akin!

"YOU WILL PAY FOR WHAT YOU'VE DONE" sigaw nito na lalong nagpakabog ng puso ko.

-----

Author Note:

PASALAMAT KA MAHAL KITANG TANGKAD KA KAYA AKO NAKAPAGTYPE NANG WALA SA ORAS!

I Don't Love You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon