Chapter 14

15 0 3
                                    

Kim's Pov

Kanina pa akong tulala. Di ko pa din nakakalimutan kong anong nakita ko kanina. Ang hirap ipaliwanag! Ba't nandito sya? Anong ginagawa nya dito? Andito na naman ba sya para guluhin na naman ako. Ako na nya itong umiiiwas e tapos nandito na naman sya. Peste!

"Ang gwapo nung nasa labas noh?"

"Ano kayang pangalan nya?"

"Oo nga. San kaya sya nag aaral?"

"Ngayon ko lang nakita yun e. Pero wow talaga. Ang gwapo nyaaa."

Narinig ko ang ilang bulungan ng ilang istudyante. Baka nga hindi sya yung nakita ko. kasi wala akong makitang kahit anong dahilan para makita ko sya dito. Tama! Tama! Hindi sya yun. Hays.

I take a deep breath.

Napagdesisyunan kong pumunta sa may chapel sa loob ng school. Yes! May maliit na chapel ang school. Dito nila ginaganap ang mass kapag may nadalaw na pari.

***

Mirasol's Pov

"Nakakainis talaga bwiseeet!" si Marie. Kanina pa syang ganyan mula ng makausap namin si Alexis. Kanina nya pa ding hinahampas ang libro na nasa unahan nya. Wala ni isang gustong magsalita. Lahat tahimik lang maliban sa kanya. Btw, nandito kami sa room. Iilang istudyante palang ang nandito dahil katatapos lang ng lunch! Halos lahat ng tao, nakatingin kay Marie. Kulang nalang kasi magwala sya dahil sa sobrang galit nya.

"Kanina ka pa ah! Ano bang gusto mo?" Si Lexy! Kaklase namin. Medyo spoil brat ang dating nang isang to dahil sa sobrang taray tingnan. Pinapasadahan ng tingin nito si Marie. Napatingin naman ako kay Marie na kasalukuyang nakatingin ng masama kay Lexy.

"Gusto kong mawala ka sa paningin ko." She said calmly. Her face was so blank. Nothing emotion but anger can see her eyes.

Medyo ngumisi si Lexy sa pagkakasabi ni Marie. Bigla naman akong kinabahan. Kanina kasi kaya kami hindi umiimik kasi baka barahin na naman kami ni Marie. Sabi ko nga masamang magalit 'to. At alam na namin itong lahat mula nung minsang inistorbo namin sya sa pag-aaral nya.

"Eh kung ayaw ko?" Si Lexy.

"Edi wag." Kalmadong saad ni Marie.

Umiling iling pa si Lexy na animoy di makapaniwala sa pagiging kalmado nito.

"Asan na yung mukha mo na hindi maipinta pa lang kani - kanina lang?"

"Baka nasayo?" Pamimilosopo ni Marie.

"W-what?"

"Stupid."

Nagulat ako sa salitang lumabas kay Marie. Hindi ugali nito na magmura lalo na't galit sya kapag may nagmumura sa paligid nya.

"Stupid? Ako?" Di makapaniwalang saad ni Lexy.

Ngumisi lang si Marie. Humawak pa ito sa sintido nya na animoy wala na syang ganang magsalita pa.

"Ingatan mo yang lumalabas sa bibig mo. Baka di kita matantsya." Lexy.

Tiningnan lang ito ni Marie mula ulo hanggang paa.

"Be careful too." She said. Di ko magawang magkwento sa inyo kung anong ugali mayroon itong si Marie kapag galit. Dahil bago pa lang naman kaming magkakakilala kaya wala akong alam sa posibleng gawin nito.

"Ang lakas mong manakot no? Sa tingin mo matatakot ako?"

"At sa tingin mo din ba ay matatakot mo ako?" Si marie.

"Wow! As in wow. Lakas talaga ng loob mo. Di ako makapaniwala."

Hindi na umimik pa si Marie na syang kinainis ni Lexy.

"Kanina lang ang lakas ng loob mo na mag ingay kahit sa totoo lang rinding rindi na ako, alam mo ba yun? Tapos ngayon hindi ka na magsasalita kung kailang kinaka--- "

Napasinghap kaming lahat ng biglang higitin ni Marie ang buhok ni Lexy na syang ikinagulat din nito.

"Tinanong mo rin ba ako kung gano kasakit sa tenga yang boses mo." Binitawan naman agad ni Marie ang buhok nito ngunit pinaikutan nya ng lakad si Lexy. Walang kibot itong si Lexy na animoy natakot sa biglang pagsabunot sa kanya ni Marie. "Sa totoo lang, nagpapasalamat ako sayo." Kinuha nito ang libro na hinahampas nya kanina. "Alam mo bang gigil na gigil na akong punitin 'to dahil sa sobrang inis. Kaya lang sayang naman, kaya wag na lang."

"Siguro mas masarap kung ikaw na lang ang punitin ko." Kalmadong saad ni Marie.

Ghash abelgash nakakatakot palang magalit ang isang to. Kinikilabutan ako mga par.

Nakita ko ang ilang paglunok ni Lexy. Mukhang kinakabahan din ito. Wala naman akong makitang kahit anong awa ng mga taong nasa loob ng silid kay Lexy. Baka natakot din sila. Mwehehehe.

"Sa susunod, alamin mo muna kung hindi ba lagpas sa standard mo ang ugali ng pagtitripan mo. Baka kasi sa huli ikaw din ang umiyak." Tiningnan lang ito  ng masama ni Marie. Hindi ako makapaniwalang kaya nya itong gawin.

"Wag mo na kong kalabanin kung ayaw mong masamain. Now, leave." Kapagkuway sabi ni Marie na syang patakbong nilakad ni Lexy ang kanyang upuan. Pity her!

"Ang init naman ng ulo mo." Kapagkuway sabi ni Rona. Sinamaaan naman sya ng tingin ni Marie. "Sabi ko nga, tatahimik na lang ako. Heheheh" sabi pa nito at tinakpan ng kamay nya ang bibig nya.

"Ang ayoko sa lahat ay yung kinakausap na agad ako ng hindi pa ko tapos." Inis na sambit nito.

"So anong plano nyo?"

O.o - mirasol, cindy, rona

May pagka bipolar ba ang isang 'to.

"A-anong p-plano?" Nauutal na bigkas ko.

"Tss."

"Ano ba naman kasing sinasabi mo? Wala akong maintindihan. Kanina lang nag eemote ka dyan tapos ngayon, may pa - plano ... pla--- "

"Pwede ba? Tss ang ibig kong sabihin, ano nang plano nyo? Ginugulo na naman ng alexis na yun si Kim? Kung hindi ako nagkakamali ay baka kung ano namang gawin nun kay Kim. Tingnan nyo naman? Talagang desidido na sya para makita pa si Kimpots. Grrr!" inis na bigkas ni Marie.

"Hindi ko alam?" Inis na iwas ko. Kasi sa totoo lang. Wala akong alam!

"Okay. May gusto lang akong itanong sa inyong tatlo? May gagawin ba kayo mamaya after class?" Seryosong usal ni Marie. Na kahit nagtataka ay pilit kong inalam yun gamit ang mata ko. "Kasi kung wala? Gusto kong bisitahin natin si Kim mamaya? Kung gusto nyo?" Sagot na bigkas nito sa sariling katanungan nya. Nagkatinginan naman kaming tatlo.

"Sa tingin ko ay wala naman." Sabad ko.

"Ako ay wala din." Si Cindy.

Napatingin naman agad kami kay Ronalyn nang hindi agad nagsalita ito. Pilit pa itong ngumiti habang tinitingnan kami isa - isa.

"Hays! Mukhang wala naman akong lusot. Sige, samahan ko na kayo. Kahit napaka - strict nang parents ko. Bahala na, papaliwanag na lang ako." Sinserong usal nito.

"Sigurado ka? Baka naman bambohin na naman nung mga parents mo ang telepono namin?! Juskoooo." Naiiyak pa kunwaring saad ni Cindy.

"Hehehehe! Te-text  na lang ako sa kanila." Sabi nito na agad nilabas ang kanyang selpon at nagpipindot doon. "Gotcha." Masiglang usal nito at tsaka tinago sa kanyang bulsa ang selpon nito.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or malilito dahil sa nalaman ko na plano naming pagkikita kay Kim. Pero di pa din mawala sa isip ko kung bakit nga ba ganun na lang ang kagustuhan ni Alexis na makita si Kim.

To be continue~

I Don't Love You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon