Chapter 15

28 0 12
                                    

Kim's Pov

Dumaan ang mga araw, linggo na hindi na ulit nagkaroon ng pagkakataon para makapag usap ulit kami ni Alexis. Di ko halos malimutan ang araw at pagkakataon na nakausap ko sya. Hanggang ngayon sariwa pa din sa isip ko ang napag usapan namin.

Flashback~

Pagkalabas ko ng chapel ay nagdesisyon ako na pumunta sa may canteen. Bigla yata akong nagutom sa hindi maipaliwanag.

Nasan na kaya si Lawrence? Nakakahiya naman. Iniwan ko na lang syang basta doon. Bahala na, magpapaliwanag na lang ako mamaya!

~kring kring kring~
"Marie's Calling"

"Hello?" Agad na sabi ko.

"Where are you? We need to talk?" Masungit na saad nito. Hindi man lang manlambing? Tss.

"Uhmm?" Mataray ngunit mahinahon na sabi ko.

"What?" Tss. Kahit kailan talaga, napakasungit.

"Tss"

"Wag mo nga akong sungitan. Baka nakakalimutan mo, di na ulit tayo nagkikita."

Wag daw sungitan? Ito nga syang napasungit! Hays . Nagbabaliktad na nga ata ang mundo!

"Oh! Tapos?" Mapang asar na bulalas ko.

"My ghash! Kim, wala ka man lang balak na makipagkita?"

"Eh?"

"Oo. At sa ayaw at sa gusto mo, we need to talk right now. I'm with our friends, here at sa labas ng school nyo. Sa may coffeeshop. Bye!"

Inis kong tiningnan ang cellphone ko, di man lang hinintay kong may sasabihin pa ko, basta na lang binaba. -.- napakabuting kaibigan talaga!

At dahil wala na nga akong choice ay naglakad na ako papalabas ng school! Bigla namang sumingit sa isip ko si Monique! Asan na kaya yun?

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa coffeeshop ng school ay sinalubong na agad ako ng yakap ni Ronalyn at Cindy, the ultimate isip - bata in town! Psh.

"Waaaaah! We miss you, bes!" Halos napapaiyak na wika ni Ronalyn.

"Oo nga. Hihihi." Si Cindy.

Hindi ko na sila sinagot, basta ko na lang silang nilagpasan at nagpunta sa table nila Marie at Mirasol na masama na agad ang tingin sakin. Ano na namang ginawa ko? -.-

Nagmamaktol na naupo naman yung dalawang isip bata. Hahaha!

"So what's the point?" Mataray na bigkas ko. Sinamaan lang ako ng tingin nung dalwa. Always namang ganyan yang mga iyan!

"Hoy! Kimberly Alisha Ramos, wag na wag mo akong matarayan dyan, aba e kalilipat mo palang nang school ganyan na ugali mo?" Si Mirasol. Napabuntong hininga naman ako!

"Kaya nga, siguro may bago nang mga kaibigan yan kaya ganyan na lang tayong i-treat! Ni hindi man lang yata naging masaya matapos tayong makita." Nakangusong turan ni Ronalyn. Gusto ko syang pagtawanan kung hindi nga lang masungit yung dalawang ito na nasa harapan ko.

"Ba't kasi lumipat lipat pa." -Cindy. Tiningnan ko naman sya, muntik pa akong mapaatras nang makita ko kung gano kasama ang tingin nya sakin. Kaya naman nagseryoso nako.

"You know naman diba?" Malambing kong sagot sa kanya at tsaka nilingon si Ronalyn. "At tsaka kung meron man akong kaibigan dito, still hindi nawawala yung pagmamahal ko bilang kaibigan sa inyo. Well apparently, meron akong kaibigan pero kayo ang nauna sa puso ko. Alam nyo yan." Malungkot kong usal tsaka nilingon si Mirasol. "Pasensya na kung masungit ako, di mo yata nagustuhan e. Di ko lang naman kasi inaasahan na makikita ko pa yung nakita ko kanina. Nawala tuloy ako sa mood."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Don't Love You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon