Chapter 10

14 1 0
                                    

Alexis Pov

"Hi bro? Ba't di ka pumasok?" Bungad sa akin ng kadadating pa lamang na si Aries. Andito ako ngayon sa Bar kung saan mahilig kaming tumambay.

Ilang araw na kong ganito. Hanggang ngayon iniisip ko pa din si Aisa kung kamusta na kaya sya. Kasi kapag lagi ko syang pinupuntahan sa kanila ay laging yaya lang nito ang kumakausap sa akin. Kesyo ayaw daw tumanggap ng bisita.

"Bro?" Tapik ni Aries sa akin. Napatingin na lang ako sa kanya. "Kanina pa 'ko nagsasalita dito tapos parang nakikipag usap lang ako sa hangin. Anoooo? Ayos ka lang ba? Kailangan mo ba ng psychologist. Sabihin mo lang may kilala ak---aruuuuuy!" Napa ismid naman sya ng bigla ko syang batukan.

"E kung ikaw kaya dalhin ko dun!" Pagsusungit ko.

"Okeh okeh" tinaas nya pa dalawa nyang kamay para mag act na parang sumusuko na. "Sorry okay?! I'm just concern to you."

Di na ko umimik.

"Bro, ilang araw ka nang umiinom. Ni hindi ka na nga nakakapagbigay ng atensyon sa pag aaral , tapos lagi ka pang nagwawala kapag nasa bahay nyo. Ano bang plano mo sa buhay mo?" May awang saad nito.

"Wala akong plano sa buhay ko." Lumagok muli ako ng isang baso ng alak. "Kung nanawa ka na, pwede mo na din akong iwan"

Nadinig ko mula sa kanya ang malalim na buntong hininga nito.

"Ako na nga lang nandito, itataboy mo pa ko. Tapos ano? Magwawala ka na naman! Jusmiyo naman, Alexis. Ayusin mo buhay mo" maya maya pa'y umakting ito na parang isang beki. "Anditey pako beyb"

"Eh kung i- beyb ko kaya yang pisnge mo" inambahan ko sya ng suntok.

"Sorry na. HAHAHAHAHA pinapatawa lang kita. Masyado kang hard, bro!"

Ilang beses. Ilang araw. Ilang segundo. Ilang buwan? Ilan ba sa mga yun ang pagkakataong ngumingiti pa ko. Halos di ko na maalala. Simula nang mangyari iyon parang ayoko na muling ngumiti, parang pakiramdam ko wala nang saysay ang mga pagtawa ko na tanging si Aisa lamang ang nakakapagbigay.

***
Kim Pov

*BLAAAAG*

"KIMBERLYYYYY, ANO NA NAMANG GINAWA MONG BATA KA"

Napaharap ako kay dad nang makita ko siyang galit na galit at hindi magkaintindihan ang mukha dahil sa sobrang pagtata - transform bilang dragon! My bad HAHAHAHA

Kasalukuyan naman kase akong nasa may kwarto ko habang nagwawattpad ng biglang pabagsak na binuksan ni Dad ang kwarto ko. Hay nako naman.

"Bitawan mo yang selpon mo at makipag usap ka sakin" medyo mahinahon nyang sabi sa akin. Kaya naman ang ginawa ko ay binitawan ang selpon ko kahit labag sa loob ko, ganda kasi ng binabasa ko e. Possessive series #16. Hihihihi!

"Dad ano po ba yun?" Medyo pa cute kong saad sa kanya. Sigurado akong paglipat ko ng school ang nagmula sa mga galit nito.

"Ano na namang pumasok sa utak mong bata ka at nabalitaan ko na lumipat ka ng school?" Yey, ang galing ko lang manghula.

"Wala po hehehe!!" Patawa kong saad ket sobrang kaba na ko.

"Sumagot ka ng ayos kung ayaw mong kumpiskahin ko yang mga gadget mo."

No waaaaay highhhhway!! Not thaaat pleaseee. Okay aayos na ko. Hahaha.

I sigh. Heavy sigh.

"Ano po bang gusto nyong malaman?"

I Don't Love You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon