Chapter 3

21 3 0
                                    

Kimberly's Pov

Hello everyone! Hays.

Nandito ako ngayon sa may pathway, tulala sa kawalan at di malaman ang gagawin. Bakit ganun si Dad! Lagi na lang nyang pinapahirapan ang puso ko! Alam nyo ba kung bakit? Simple lang naman. Tinawagan na naman nya ako kaninang umaga lang para sabihin sakin na may bago syang ipapakasal sakin. Di na talaga sya nagbago! Nakakainis naaaaa! Supeeeer. Ugh!

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" Napalingon ako sa taong pinanggalingan ng boses. Si Marie! Well sya lang naman yung tumulong sakin nung first day of school and now she's my bestfriend na. Kalerke noh! Mabait naman sya kaya lang nalaman ko din this past few days na masama syang magalit. Nagpipigil lang daw sya dahil once na gumawa sya ng scene? Dire - diretso na hanggang ikaw na ang magsawa.

"Hindi naman. Hehehe!"

Ngumiti lang sya. Di ko magawang magkwento dahil ayokong may madamay pa sa nararamdaman ko. Alam mo na? Kung may love yourself dapat may problem yourself din. Hahaha charooot!

"Nga pala? Asan si Cindy?" Tanong ko.

"Papunta na daw. Natraffic lang" sabi nito.

CINDY ? Sya yung babaeng tinulungan ko. Yah yung babaeng pinagtulungan nang tatlong tipaklong na yun. Sobra nga pasasalamat sakin nun ehh! Kaya naman nang insist sya na kung pwede maging kaibigan ko sya dahil wala daw syang kaibigan. Tinanggap ko naman dahil wala pa din naman akong kilala nung una kong pasok sa school na to!

"Tagal naman nya! Halika upo muna tayo. Nangangawit na ang aking paa"- Marie. Tsaka sya umupo. Umupo na din ako dahil nangangalay na rin ako.

After 3 minutes.

"HELLOOOO MGA BESSSSSY" napalingon kami parehas ni Marie. Si Cindy! Nakalimutan kong sabihin, kalog nga pala ang babae na yan. Pero pag nakikita ang tatlong tipaklong, mukhang nagiging maamong tupa.

Speaking of tatlong tipaklong? Di yata sumalubong sa akin ngayon! Nitong mga nagdaang araw kase lagi silang may pasurpresa sakin. Like itlog na itatapon sa mukha ko? Duh pagawa pa lang sila, pauwi na ko. Pano ba naman kase hindi nila matyempuhan na gawin sakin yun dahil pinaghihintay ko talaga silang dumating ako hanggang sa magsawa na silang maghintay at isagawa na lang sa ibang araw ang plano! As if namang magagawa nila yun.

"You're so tagal. Malalate na tayo wala ka pa din! Diba usapan 6:30 na dapat nasa room na? We need to review dahil baka mamaya may surprise quiz na naman si ma'am mamaya" mahabang litanya ni Marie. Waaah galit na nga sya hohohoho!

"Hehehe!" Nag - peace sign si Cindy. "Sorry na Bessy! Alam mo naman na traffic diba sa Epifanio Delos Santos Avenue palagi?" Nagpout sya.

"Dami mong alam! Edsa lang naman yun! Hala tara na nga baka mabugbog pa kita pag di ako nakapagpigil"

Natawa na lang ako sa reaction ni Marie. Mukha syang sasabog na kamatis sa sobrang pula ng mukha nya. HAHAHAHA!

"Why are you laughing?" Napapitlag ako sa pagkakatayo nang marinig ang masungit na sinabi ni Marie. Ghash abelgash!

"Nothing" pagseseryoso ko.

---------

"Marie? Cindy? Samahan nyo na q Gutom na ko" pagsusungit ko. Kase naman kanina pako nagpapasama sa kanila , ayaw naman akong samahan.

"Di nga ako pwede! Nagchat si Madel kanina, may mga papers padaw kailangang ayusin sa Golden Grains Papers. I need to be there kase ako yung secretary. Hays ayang si Cindy baka pwede!" Sabi ni Marie. Tumingin naman ako kay Cindy, umiling lang din sya.

"Sorry, bessy may lakad kami ngayon ng boyfriend ko eh" namumulang sabi ni Cindy.

"Meron ka ba nun?" Natatawa kong saad. "Hahaha alis na ko! Babyeee" kaagad akong tumakbo dahil baka masapak pa ko ni Cindy. Hahaha pagkasabi ko kase nun bigla na lang syang naging kamukha ni Sangguko! HAHAHAHA

"A-ARAY!!"- napahawak ako sa pwet ko! Naman ang sakit nun ah!

"Tss. Di kase tumitingin sa daan!" Napatingala ako sa lalaking ubod ng tangkad! May itsura sya!

Tumayo ako. Dahil wala yatang balak na tulungan ako ng kapre na 'to.

"Ako pa talaga ang di tumitingin? Kasaaaalanan ko bang sinakop mo na ang lahat nang daan!" Pagtataray ko. Well maluwag naman talaga yung daan kaya lang ano kasee--- naipit na ko ng sitwasyon. Ayoko namang palampasin na lang 'to.

Gwapo na sana all over ehh kaya lang sama naman ng ugali.

"Ang kapal naman ng mukha"

"Ghad! Baki nya naman ginaganun boypren Leigh ko"

"Oo nga! Sarap nyang ingudngud sa pader"

Teka! Ako ba yung pinaparinggan nila? Holly cow cow meow meow!! Tumingin ako sa paligid at lahat sila nakatingin ng masama sa akin lalo na ang mga babae. Ang dami nila.

"Alam mo ba ang sinasabi mo? Kilala mo ba ako?"- sabi nung lalaki.

"B-Bakit naman kailangan kitang kilalanin?"

Humakbang sya palapit nang palapit sakin. Hanggang sa booooghsh! Napasandal na ko sa pader at nacorner na nya.

Napatulala ako sa mga mata nya, kulay blue yun. Matangos na ilong, mapupulang labi, bilugang mukha. In short, he's perfect.

Napalunok ako ng lumapit pa sya ng lumapit sa akin. Ghash abelgash I can't breath! Ang bango nang hininga nya.

"I want to introduce my self sa isang katulad mo" Tumigil sya sa pagsalita at tiningnan ako sa mga mata.

"No! My husband Leigh! You're lips is mineeee. Don't kiss her"

Narinig kong sabi ng isang babae. Pero di pa din natitinag ang lalaki nato!

"I'm Alexis Leigh Fuentario" Inilapit pa nya ng husto ang labi nya sa tainga ko! "Next time, don't you dare to mess up with me, again"

Naiwan na lang akong tulala. Pero naririnig ko pa ang ilang pagbulong nang karamihang babae.

"Napakalandi talaga"

"Dapat dyan sinasako ng buhay eh!"

"Napaka - yabang! Kabago - bago palang"

Hinarap ko sila.

"Sabihin nyo na ang gusto nyong sabihin! Wala akong pakialam! Gusto nyo bang malaman kung anong binulong nya sakin?" Narinig ko ang ilang pagsinghap ng mga istudyante. "Liligawan nya daw ako at type nya raw ang isang tulad ko" nginisihan ko sila bago ako tumalikod. Hahaha!! Napaka - priceless ng mukha nila kung makikita nyo lang.

Pero ano nga bang sinabi ko? Eh kase naman di na ako makapatimpi. Para silang higad sa lalaki na yun ehhh kapangit pangit naman ng ugali. Psh! Bahala nga.

I Don't Love You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon