4

502 22 10
                                    

Note: This chapter is the combined edited version of the rest of Chapter 5 and Chapter 6 of LWTG.

Last Edited. (1) 1/25/15 and (2) 12/25/15

**** start ****

Meeting the GUYS

"Talaga? May permanenteng trabaho ka na?" tanong ni Claudia sa kabilang linya. It was our usual schedule in communication. And it was 8 am in the morning.

"Hindi pa noh. I-momonitor pa nila ako for a month raw," sagot ko.

"Oh? So nag-empake ka na?" ramdam kong nakataas siya ng kilay. "Excited?"

"Hihihi, maybe? It's a great opportunity, diba? And bukas na ako magsisimula. At least, weekend. I'm ready to get outta here," wika ko.

"Hala, o sha. Ibababa ko na ito ha? Mahal ang long distance. Mag-ingat ka sa bagong trabaho mo. Good luck! You'll need it," she said while her tone was laced in certainty.

"What do you me---" hindi pa ako tapos sa sasabihin ko ay ibinaba na niya ito.

"Wow, salamat ha?" Sabi ko sa cellphone as if may kausap ko pa rin siya.

Inilagay ko na yung cellphone ko sa bulsa ko at iniligpit na ang mga natitirang gamit na importante sa bag ko. When I mean 'bag', i mean bagpack.

Narinig kong may kumatok sa pinto. "Ah, Reian. Andito na yung sundo mo," rinig kong sabi ni Aling Josie. Andito ba  si Ms. Sheena? Malalaman niyo kasi iba yung tono ng boses niya, halatang nagpapakabait. Eh alam ko namang di bagay. Insert blank face.

"Sige po. Bababa na," paalam ko.

Wala na akong narinig na sagot sa kabila kaya kinuha ko na ang mga bagahe ko. Pero bago ako tuluyang lumabas sa kwarto, tinignan ko muna ito.

"Paalam, bedroom. Sana may mahanap ka na ng ibang matutulog dito soon upang maasikaso ka," hiling ko habang nakatingin sa kabuuan ng kwarto. Ang senti ko naman. At dun na ako nagpasyang lumabas na.

***

Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa bahay na yun kanina na may ngiti sa labi. Si Aling Josie at si Erica kasi ay nanghingi ng paumanhin sa mga nagawa at pagtrato daw nila sa akin. Hindi ko naman kasi inaasahan yun. At wala pala si Mrs. Sheena kanina. Ano kaya nakain nila? Agh. Ang sama ko.

"Wow, ang laki naman ng mga bahay," komento ko nang mapansin kong nakarating kami sa isang subdivision. Florsheim Subdivision daw yung pangalan. Sosyal, parang di bagay sa akin ah.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Mrs. Sheena nang makita niya yung ekspresyon ko. Nagkita kami sa may bandang gate ng subdivision.

"So far po," sagot ko naman ng nakangiti. Sinuklian naman niya yun.

"I ope pa-i sa aws din," bulong niya, yung tipong konti lang yung makukuha mo.

Ayoko naman pong itanong ulit kung anong sinabi niya kaya ngumiti lang ulit ako at tumahimik na.

Ilang minutong nakalipas, huminto na yung sasakyan sa tapat ng isang medium-sized na bahay. Pang-family size yung itsura. Hindi siya ganung kalaki kompara sa mga kapitbahay nilang parang mansion na o yung mas malaki-laki ang space. Pero okay na to noh.

Nagsimula ng buhatin ni Manong Driver ang ibang bagahe ko. Inasikaso ko naman yung sarili ko para sa pagkikipagkilala mamaya lang.

"Halika na, Rei," aya niya at nagsimula nang maglakad. Kinuha ko na ang mga natirang gamit ko at sinundan siya.

Pagbukas niya ng pinto, ang unang narinig ko ay ang tunog ng isang pagsabog galing sa tv. Unang pumasok si Mrs. Sheena, sumunod ako. Bumungad sa akin ay ang tatlong lalaking nanunuod ng tv at napatingin sa amin.

The TEEN-sitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon