2

456 12 1
                                    

Note: This chapter is an edited version of Chapter 3 of LWTG.

Last Edited. 7/5/14.

**** start ****

Babysitting

"I'm glad you came in time," salubong ni Mrs. Gomez sa akin nang makarating ako sa kanila. Nasa tabi naman niya ang kanyang asawa.

"Salamat po sa pagkuha sa akin," sabi ko habang nakikipagkamay sa kanilang dalawa.

"Not a problem. Kailangan ka namin ngayon kasi uuwi pa kami bukas. I need someone to take care of the children. Di pa kasi umuuwi yung dalawang yaya nila eh. And buti nalang may nagrecommend sa akin na isang kapitbahay mo na kaibigan ko. Narinig ko kasing nangagailangan ka ng trabaho."

"Ahe-he.. opo," naghihiyang sagot ko sabay kamot sa batok.

"Oh? The food is on the fridge, you can cook whatever you want as long as the children agrees with you. Papatulugin mo sila ng maaga, specifically around 9pm. Lock all the doors, we have keys naman. And are you comfortable sleeping on the sofa?" tanong niya.

"Yes po..wala po akong reklamo."

"Good. Yung guestroom kasi namin, puno ng gamit. Parang bodega. And your payment would be tomorrow. Don't worry it will be doubled. We'll be here mga 7:30am. Okay?"

Good thing 10 am pa ang flight ni Claudia. Kaya ko pa namang habulin.

"Okay po."

"O siya. Mauna na kami iha. Baka malate pa kami sa party. Bye," paalam nilang dalawa.

Andun pa rin ako sa labas habang nawala na sa paningin ko ang kotse at nagpasya ng pumasok. Andun pa lang ako sa labas ng pinto, rinig ko na ang ingay ng mga bata.

Pagbukas ko, ang unang bumungad sa akin ay isang unan.

*BLAG*

Tumawa naman sila.

"Ouch," himas himas ko ang mukha ko. Nakita kong may gumugulong sa sahig dahil sa kakatawa, isa nama'y tumatawa habang nakaturo sa akin , ang isa naman ay nagpapalo sa sofa at ang huli ay nakapikit lang ngunit WAGAS TUMAWA.

Gosh. They didn't tell me that I was gonna be babysitting four kids!

THIS IS GONNA BE A TIRING NIGHT.

After the introductions, we watched their movie for the resolution and decide to cook for dinner.

"Ate Rei, gusto ko spaghetti for dinner!" sabi ni 7-year-old Cassey, ang bunso.

"Ako ate.. gusto ko ng fried rice!" sigaw naman ng 11-year old na si Cal. Siya ang panganay sa kanilang apat.

"That's so plain Kuya Cal. Ako po usto ko ng omelet," request naman ng 10-year old na si Cameron. Ang pangalawa sa kanila.

"Yung type ng rice yung ibig sabihin ko.. Duh, Cam."

"HOTDOG HOTDOG!" chant ni Coby. Eight years old na siya.

"Ah, basta.. Omelet lang!" sigaw ni Cameronhabang nagdadabog.

"Corn beef, ate, yung ulam.." si Cal.

Hindi pa rin sila tumitigil sa pagsigaw ng...

'SPAGHETTI!'

'OMELET!'

'FRIED RICE AND CORN BEEF!'

'HOTDOG!'

Ugh.. Yung ulo ko. Teka.. Uhm..Di ako makakapag-isip. Hinihilot ko na ang sentido ko.

The TEEN-sitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon