Chapter 5

25 4 0
                                    



Zach.

Isang oras na ang nakakalipas since matapos 'yung game at 'yung pag-alis ni Leo. Magce-celebrate sana kami kaso agad syang umalis. Alam ko naman kung para kanino, pero nakaka-amaze pa din.

Si Leo na adik sa mga cheers ng kanyang fangirls ay wala dito ngayon para sa isang babae. Napaka-swerte nga ni Kath, kaso medyo may pagka-gago din si Leo.


"Zach! Congrats, MVP ka na naman." Bati sa akin ni Zoe. Napa-ngiti naman ako. Para sa kanya kasi 'to eh. Simula pa nung bata kami, lagi nyang pinagpipilitang ang ga-gwapo ng mga basketball players, kaya nag-practice talaga ako.


Para sa kanya lang.



"Thank you." Pasasalamat ko. Nasa club kami nina Zoe. Sila kasi nagmamay-ari neto.

Biglang tumabi sa akin 'yung mga ka-teammates kong adik na adik kay Zoe. "Uy, magaling ba ako sa laro, miss ganda?" Tanong nila. Nakaka-irita.

Nginitian naman sila ni Zoe.. the usual smile she gives to everyone and to me too. "Lahat kayo! Ang gagaling nyo. Nakaka-proud as a computer science student."


Medyo nakaka-inis din. Kasi kahit I've known her the longest, ganun din 'yung pagta-trato nya sa iba. I was expecting that she would treat me more special. Pero hindi.


Bigla akong nawala sa mood at tumayo. "Balik na muna ako sa dorm." Narinig ko 'yung pagka-dismaya ng mga fans.

"Bakit? Hindi na nga buo 'yung celebration without Leo, aalis ka din?" Tanong ni Zoe. She looked purely sad. Gusto ko sanang mag-stay kaso dahil sa pagiging baliw ko sa kanya kaya ako nags-stay.


Paano kapag nakahanap na sya ng iba, andito pa din ako na baliw sa kanya? Maghihintay pa din kahit alam kong di talaga ako 'yung gusto nya?


"Nag-text si Leo. Puntahan ko daw sya eh. Next time nalang." Sabi ko ng naka-ngiti. Tinignan ako ng mga teammates ko in disbelief.

'Mukha mo, loko' ayun 'yung nakalagay sa mga mukha nila. Natawa tuloy ako ng konti, haha! Kapag wala ako, mababawasan din kasi 'yung mga fangirls. Pft. Sorry not sorry nalang mga brad.



Pagkatapos kong magpaalam, dumiretso ako sa dorm namin ni Leo dahil oo, rommates kaming dalawa.

Oo nga pala, natalo ko na naman sya sa basketball kaya hindi nya mapapasagot si Kath. But I didn't like that way either. Hindi nya pa nga nililigawan 'yung babae eh. Tsk.

Pagkapasok ko, nadatnan ko syang nakahiga sa sofa. Halatang badmood.


"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya at binuksan 'yung TV.

"Nasampal ako 'tol, 90 degrees." Bulong nya. Halatang sobrang lungkot nya.

"Ano na naman ba kasing ginawa mo?" Tanong ko sa kanya. Kahit mabait 'to, gago pa din.

"Kung pwede ba akong manligaw. Akala ko kasi bati na kami sa nangyari last year. Kasi nga nakaka-usap ko ulit syang normal diba? Kaso sampal sagot sa akin 'tol." Napa-buntog hininga ako sa sagot nya. Minamadali nya kasi.

"Ang gago mo kasi eh." Sabi ko. Natawa syang bahagya pero alam kong sobrang lungkot nya.


"Ang gago ko kasi."



Kath and CamilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon