Chapter 13

14 3 0
                                    

(A/N: May bad words dito! Warning lang hehe)

Leo.



Excited kong kinuha 'yung phone ko, pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay at agad tinext si Kath.


To: Kath

Uy mahlabs! Ako na pipili for tomorrow ha. Sunduin nalang kita! Andun na ako around 9:30.


Naka-ngiti pa ako habang tina-type 'yon. Aba, mahal ko minemessage ko eh.


Naka-receive naman ako bigla ng message.




From: Kath


Ge.




Minsan talaga, hindi ko magets yung mood ni mahlabs. Badmood siguro 'yon dahil sa nangyari sa club nya.



Gagi kasi eh, hindi nag-a-ask ng tulong. Tomorrow na nya ata kailangan pero wala pa yung last applicant nya.

Ayaw ko din naman magpost ako sa social media account ko or na mag-post sya sa social media account nya kasi ang gusto nya ay swimmer talaga na may passion sa swimming.



Hays.



"Hoy baliw." Biglang pumasok si Zach sa kwarto ko.

"Gago, uso kumatok." Inis kong saad. Natawa naman sya dahil mukhang nahalata nya ang worried na mukha ko.

Minsan talaga hindi ko alam kung kaibigan ko sya o hindi eh.


"About kay Kath ba? Teka hulaan ko— sa club nya?" Tumango ako sa kanya kasi tang tama sya. "Ang sama mo naman. Ilalabas mo sya sa date habang may problema 'yung tao."


"Sa pagkaka-alam ko ikaw yung may pakana ng date na ''to." Binato ko sa kanya 'yung charger kasi alam ko na yun lang naman yung puntirya nya.



"I mean, mahal mo tao diba? Edi tulungan mo sya. Common sense." Binigyan nya ako ng nakaka-inis na mukha bago nya isarado 'yung pinto.




Tama naman kasi sya eh. Kung kailangan kong gawin 'yun, edi gagawin ko 'yun.




Kath.




Pagkagising na pagkagising ko, agad akong nag-ayos kasi alam kong male-late na ako. 9 o clock na kasi at isang oras akong nagre-ready.

Wala naman akong pakialam kung maghihintay yung ugly lion na 'yun. So I'm gonna take my time.


Kumain muna ako tapos naligo na. Pagkarating ko sa cr, narinig ko yung doorbell. Oops, 9:30 na siguro.



Eh sa wala naman akong pake, kaya nagpatuloy nalang ako until matapos ako mag-ready.


Pagkababa ko, agad kong nahagilap yung bored na tingin ni Leo.


"Oh, mahlabs. Tagal mo ah, isang oras ako naghintay." Nginitian ko nalang sya ng pilit but he doesn't seem to mind.


"Ano pala pupuntahan natin ngayon?" Tanong ko sa kanya.


Binigyan nya ako ng nakaka-inis na tingin. "Hehe, secret syempre."

"Malalaman ko din naman on the way." Inis kong sabi pero di nya ako pinansin.

"Tara na."


Natural lang na inalalayan nya ako sa sasakyan. Habang nasa biyahe kami, naka-tingin lang ako sa daan.

It took me an hour and thirty minutes to figure out kung saan kami papunta.



Kath and CamilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon