Chapter 12

5 3 0
                                    

Kath.
[Friday.]

"Class Dismissed." sabi ng prof namin.

"Kath!"

"Yeah?"

"Wag mo kakalimutan yung date niyo ni Leo bukas ha?"

"Fine. As if I have a choice?" tumawa nalang siya at umalis na.

Pagkagaling sa school ay dumiretso na kami ni Camille sa dorm namin.

"So anong balak niyo ni Leo bes?"

"Ewan ko dun"

"Pag may ginawang kalokohan text mo lang ako ha? reresbakan kita"

"Haha sure!"

*ting*

May nag notif sa phone ko. Di ko kasi ugali mag silent ng phone lalo na't biglang nagme-message si Coach if ever may biglaan meeting.

From: Leo

Hello Mahlabs! Excited nako bukas dahil dalawang araw naman tayo may date eh hahayaan na muna kita pumili ng pupuntahan natin.

To:Leo
Are you sure about that? Walang bawian ha?

From: Leo

Ay ano yang binabalak mo mahlabs? pero syempre agree ako diyan. Alam mo namang kahit saan pa yan basta ikaw ang makakasama ko ayos na.

To: Leo
Whatever. See you tomorrow :)

"Oh nakakunot noo mo diyan? bahala ka magmumukha kang matanda"

"Matanda naman na talaga ako -.-"

"Uy sabi daw kasi ni Leo ako daw iisip kung saan kami bukas since dalawang araw naman kami magkikita diba?"

"Ay talaga nga naman yang Lion na yan ikaw pa talaga pagiisipin"

"Duh maganda nga yun eh. Alam mo ba may naisip kasi ako. What if sa mga book cafe nalang?"

"Ay pwede yan! Killing two birds in one stone. Di mo na nga siya kailangan pansinin makakapagbasa ka pa ng libro!"

"Yayy!"

[Saturday.]

Di talaga ako makatulog kagabi dahil sa excitement! huhu antagal ko na kasi hindi nakakapagbasa ng mga novel! puro nalang mga libro sa school kaharap ko eh.

Nagsuot nalang ako ng Pants, Halter sando and Cardigan kasi sa Book Cafe lang naman kami magpupunta.

9:00 am palang sinundo na ako ni Leo.

"Good morning mahlabs!" nginitian ko nalang siya at sumakay na sa kotse.

"Saan ba tayo ngayon?"

"Sa Book Cafe!"

"Huh? edi hindi kita makakausap?"

"Eh akala ko kahit saan?"

"Ayy oo nga naman"

Medyo malapit lang naman yung pupuntahan namin kaya after 20 mins. nakarating na kami

"Ako na mag order mahlabs pili ka na ng pwesto"

"Okay"

Bago ako pumili ng pwesto namin nili muna ako ng mga libro.

Syempre mga paborito o mga hindi ko pa nababasa yung pinili ko.

Gaya ng Harry Potter Goblet of Fire tsaka Fault In Our Stars pero may mga manga din kasi kaya kinuha ko na din yung sa Tokyo Ghoul just in case.

Pagkatapos ko mamili ng mga librong babasahin ko naghanap na ako ng pwesto kung saan walang tao tsaka tahimik.

Pagkarating ni Leo linapag lang niya yung pagkain tapos pumili din ng babasahin niya.

Ako naman sinisumulan nang basahin yung Fault In Our Stars.

Pagkarating niya agad din siyang nagbasa. Manga na Koruko no basket yung kinuha ni Leo .

"Psst mahlabs!" agad naman kumunot yung noo ko kasi ayokong iniistorbo ako lalo na pag nagbabasa ako.

"What?"

"Tungkol saan ba binabasa mo"

"Hmm. About kay Hazel Grace and Augustus Waters tsaka di ko pa naman alam mangyayari kasi nasa umpisa palang ako. Pero alam ko both of them are attending some Support group para yun sa mga survivors or patients"

"Ohh. mukhang maganda ah.... parang ikaw..." 

"Kung yung taong mahal mo ba may malalang sakit iiwan mo?"

"Syempre hindi"

"Wow ang swerte ko naman pala"

"Bakit ikaw ba yung taong mahal ko?"

"Not now, but soon mahlabs" di nalang ako nakipagtalo at nagpatuloy nalang sa pagbabasa



Leo.

Magiisang oras na siguro simula nung nanahimik si Kath para magbasa.

Grabi mas maganda pala siya pag nagfofocus?.

Di ko na matiis kaya pasimple kong kinuha yung phone ko tsaka kinunan siya ng picture.

Di naman niya napansin kasi medyo nakatakip sa mukha niya yung libro.

Ginawa ko na ding Header sa Twitter at wallpaper ng phone ko yung picture.

Medyo inaantok na ako kasi props lang naman talaga yung kinuha kong libro kanina. Dahil hindi naman niya ako mapapansin umidlip muna ako



Pagkatapos ko umidlip napansin ko na natutulog na din si Kath.

Lalo naman akong lumapit sakanya para pagmasdan mukha niya at pag nagising siya magulat sa kapogian ko at baka mainlab.

Naghintay pa ako ng ilang minuto na ganoon ang pwesto ko at nagising siya.

Nagulat siya at namula ang pisngi niya.

Damn ang cute.

"Bakit ang lapit mo ha"

"Sus bakit namumula cheeks mo mahlabs? Crush mo na niyan ako eh!"

"Wag masyado mahangin baka magkabagyo"

Umalis siya para ibalik yung mga libro at inaya na ako umuwi.

"Tara na malapit na magabi baka sermunan pa ako ni Camille"

Sumakay na kami sa kotse para ihatid siya sa dorm nila.

Pagkarating dun nagpaalam na siya sakin.

"Goodbye Leo. Sorry kung medyo di exciting yung nangyari ngayon. Pero ako nagenjoy ako haha salamat!"

"Nako mahlabs sabi ko nga sayo. Saan man yan kahit magtitigan lang tayo maghapon ayos lang sakin basta ikaw kasama ko"









~~~~~~~~
-C





Kath and CamilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon