Chapter 9

18 3 0
                                    

[Blackpink Jennie as Zoe]

Zach.

Napadaan ako sa bulletin board. Andaming posters about sa mga try-outs ng sports. It's going to be busy for basketball. Madaming estudyanteng gustong makapasok sa team kaso mahirap makuha.

Why? Because it's the most popular sports as of now sa university.

Oo nga pala, meron din 'yung swimming team. Gusto daw sumali ni Leo, kaso lagot sya sa coach.


"Uy." Kalbit ko sa babaeng katabi ko. Bestfriend naman ni Kath 'to so ayos lang.

Before sya sumagot, binigyan nya muna ako ng matalim na tingin. "Ano?" Nakatingin din sya sa posters kaso about sa volleyball 'yung tinitignan nya.


"Gusto mo sumali ng volleyball club?" Tanong ko sa kanya.

"Don't act like we're close." Ang cold naman ng babaeng 'to. Hindi naman sya parang ganito kapag kasama nya si Kath.

"Mahirap 'yan, promise. Nag-nationals yung team two years ago kaya malaki reputation." Sabi ko nalang sa kanya kasi nakatitig pa din sya sa poster.

"I can't and I won't." Sagot nya. Hm. Mukha namang gusto nyang sumali.

"You can try—- holy crap." Nagulat ako ng biglang may mga babaeng tumatakbo papunta sa amin.

I know I'm famous but this is slightly scary. Kung kailan talaga may kausap akong tao eh. I also need privacy.


"Damn. You and your problematic fandom." Pang-iinsulto nya. Aba wala akong kasalanan na gwapo tsaka mayaman ako.

Umalis na lang sya. There's really something about me na-curious na curious sa kanya. I've known Kath simula pa nung bata pa kami.


She's pretty, athletic tsaka may leadership. Tapos may lumitaw nalang biglang babae sa tabi nya, at si Camille 'yon.


"Anong problema, Zach?" Tanong nung isang babae. I've seen her face a lot of times before kaso di ko pa din matandaan pangalan nya.

"Ah wala." I just forced my smile until mag-ring na 'yung bell. "Class time na. Don't skip your classes." Paalala ko pero palusot ko lang 'yon kasi gusto ko ng umalis.


"Yes, Zach!" Masaya naman nilang tugon at umalis na.



Pagkatapos nun, dumiretso na ako sa classroom ko. Wala dito si Leo kasi hindi ko sya kaklase sa subject na 'to. Pero kaklase ko 'yung dalawang mag-bestfriend.


Pagkadating ko, agad akong umupo sa bakanteng pwesto tabi ni Kath. As I've said before, kilala ko na sya and she doesn't seem to hate me. Si Leo lang.


"Yo." Bati ko kay Kath. Di nya ako pinansin pero nginitian nya ako. That's still a better treatment than what she gives to Leo, lol.


"Yo, bespren ni Kath." Bati ko din sa katabi nyang isa pero hindi nya ako pinansin. Awts, ang cold din neto eh.


"Pasensya na, ayaw nya sa mga lalaki." Sabi ni Kath na pabulong.

"That's sexist—"

"Not that way. She's just not comfortable to guys." Pagpuputol nya sa akin kasi baka kung ano yung masabi ko sa bibig ko.


Tumango na lang ako. Class ended quickly dahil madali lang 'yung ginagawa. I was about to go out ng biglang sumulpot sa tabi ko si Kath.


Kath and CamilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon