Chapter 4

24 9 0
                                    

Leo.

Ngayon yung Basketball Competition na gaganapin sa school namin. Dahil excited ako maaga akong nagising.

Sino ba namang di magigising ng maaga kung yung laro mamaya eh para mapasagot ko si Kath mahlabs?

Naligo na din ako at pagkatapos nagbihis pumunta muna ako sa salamin para tignan ang pogi kong mukha.

"Damn. Swerte sayo ng magiging girlfriend mo" at si Kath yon.

Kumain na din ako ng almusal para naman may energy ako mamaya sa laro.

Pagkatapos non ay sumakay nako sa kotse para makapunta sa school.

••••••

"AHHHHH! ANDIYAN NA SI LEOOO!"
Dang! ang aga pa ah? bat andami na agad students? Dahil ba sa laban mamaya?

Kumaway ako sa kanila dahilan para tumili lalo yung mga babae. Sh*t gwapo mo talaga self.

Nandito na ako sa room dahil mamayang hapon pa naman ang laro, May class pa kami ng umaga.

Nandito na din yung future misis ako at yung bestfriend niya.

"Goodmorning mahlabs!" bati ko. pero tinignan lang ako.

"Anubayan mahlabs aga aga ang sungit mo! pero okay lang maganda ka naman eh yiie" wala padin nakatingin lang. kaya nanahimik nalang ako sa pwesto ko at hinintay si Zach.

•••••

Kath.
(1 hour before present time)

Maaga akong nagising dahil na nag wo-worry ako at kinakabahan.

Sa laro nila nakasalalay love life ko. At wala akong balak na magkaroon non. Lalo na at si Leo pa talaga yung magiging boyfriend ko? pft. But I'm sure Zach will do better than him.

Saktong Thursday ngayon at hindi namin kailangan mag suot ng school uniform. Monday, Wednesday at Friday lang kasi required mag suot nun eh.

Nagsuot ako ng black na pants with oversized striped polo and white shoes. Nag clip din ako and lipgloss na hindi ko usual na ginagawa.

I mean wala naman akong boyfriend so bat ako mag papaganda?

But today is a special day kaya nag ayos ako para maasar si Leo Haha!.

Dahil 'di pa gising ang magaling kong bestfriend yinugyog ko yung katawan niya sabay sigaw ng "GISIIIIIIINGGGGGG!" yep, routine ko na to

"Ihh 5 mins. pa bes"

"Nope. Gumising ka na at magayos. Dapat maaga ako para maaga kong maasar si Leo" dahil sa sinabi ko bigla naman siyang napatayo

"Ay gusto ko yan! Sigi sigi mag a-ayos na ako" pft. napaka supportive talaga nito sa katarayan ko haha!

After mag ayos ni Camille nag almusal na kami at umalis papuntang school.

(present time)

"Goodmorning mahlabs!" bati ni Leo. Pero di ko pinansin. Sayang lang laway ko duh.

"Anubayan mahlabs aga aga ang sungit mo! pero okay lang maganda ka naman eh yiie" eww. Di ko nalang ulit siya pinansin dahilan para umupo nalang siya sa kanyang pwesto. Well, plano ko naman talaga na di siya batiin tapos mamaya pag dumating si Zach at binati kami siya yung papansinin ko. HAHAHA iniimagine ko palang parang nakakatuwa na mukha ni Leo.

"awts. bad mo naman bespren bat di mo pinansin?" bulong niya para di marinig ni Leo

" just wait ok? I have a plan haha"

After ilang minutes dumating na si Zach..

"Goodmorning guys" bati niya samin kami pa lang kasi ni Bespren at Leo ang nasa room.

"Goodmorning pare koy!" bati sakanya ni Leo. Si Camille naman nginitian

"Goodmorning Zach!" medyo cheerful kong sinabi with my sweet smile dahilan para mapatingin si Leo sa akin with #Betrayed face medyo natatawa na din si bespren pero pinigilan niya

"Aw come on future brother-in-law mo nag Goodmorning ka pero sa asawa mo hindi?" as expected nakakatawa yung mukha niya HAHAHA para siyang batang naagawan ng candy.

"Kim Seok Jin ka ba para maging asawa ko?"

"Who tf is that? and kung sino man yun alam kong mas pogi ako dun" ANG HANGIN. Di ko nalang ulit siya pinatulan para mas mainis haha! sarap pagtripan.

••••••

Hapon na at ilang minuto nalang bago mag start ang game. Sobrang dami ng tao dahil maraming hearthrob kuno na baketball player sa school namin.

Sa harap kami ni bespren naupo at inaya ko talaga siya na dito maupo para makikita ko ng mabuti yung laban.

"Bespren di padin ako maka move on dun sa itsura ni Leo kanina HAHAHHAHA! parang pinagsakluban ng langit at lupa eh"

"Pft. parang bata"

Tumigil na kami sa daldalan dahil start na ng game. Actually I don't like watching Basketball Games. Hindi ko naman kasi alam yung rules 'di katulad kapag volleyball nakakatili ako at nagagalit dahil alam ko ang nangyayari.

(fast forward)

Ilang segundo nalang at matatapos na ang laro. Alam kong mananalo na ang team nila zach dahil malaki ang lamang ng team nila. Ang Lalakas na din ng tili ng mga fangirls ng players na todo kakacheer sa kanila.

Pero di iyon ang ipinunta ko dito. Hindi kung mananalo o matatalo ang team nila, kundi ay si Zach or si Leo ba ang Most Valuable Player sa larong ito.

.
.
.
.
.

After match si Zach ang itinaghal bilang MVP at makikita sa mukha ni Leo ang pagkadismaya. Nakaka guilty ha! inasar asar ko paman din siya kanina.

Pero may part din na natutuwa ako di dahil na natalo siya but because wala akong aalalahanin. As I said ayoko pa mag bf okies.

"Oh noes natalo siya" sabi ni bespren

"He did well tho."

Umalis na kami duon dahil ayokong makipag siksikan sa mga Fangirls nila.

"Tara I'm hungry kain muna tayo" pag-aaya ko kay bespren

"Sure sure sino ba naman tatanggi sa pagkain noh"

Nagtungo na kami sa Canteen para makabili ng pagkain Sandwhich and Milo ang binili ko at ganun din si bespren kaso Zesto yung drink niya.

"Nakakasad natalo si Leo. Akala ko pa naman magkakalablayp na bespren ko"

"Pft. asa ka! Study first muna"

"Sabagay."

"Hey Camille pwede ko ba makausap si Kath?" tinignan ko siya with "Wag ka papayag" signal pero nag smirk siya.

"Sure! why not?" aww come on! Ngayon ako naman napa #Betrayed expression

"Thank you" ngumiti naman siya ng napakalawak

"No prob"

Wala na akong nagawa kaya sinundan ko nalang si Leo. Nakakahingal nga eh. Sa rooftop ka ba naman dalin?

"Phew. Nakakahingal ah."

"Sorry napabilis lakad ko galit kasi ako eh."

"Huh? Is it because inaasar kita kanina? I'm sorry"

"No. I'm not mad at you. Galit ako sa sarili ko." awts nakakaguilty na ha. Uber uber guilty

"Kath, Hindi man ako ang Most Valuable Player ng Basketball ipinapangako ko na ako ang magiging Most Valuable Boyfriend mo sa Future... Kaya.. Pwede ba ulit ako manligaw?"

















••••••••

eyy! sorry sa typos. (if ever meron)
-C

Kath and CamilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon