Prologue

285 8 0
                                    


BABALA: ANG ISTORYANG ITO AY NAGTATAGLAY NG KATATAWANAN, KALOKOHAN, KATATAKUTAN AT MERONG KAHALAYAN, ANO BABASAHIN MO PA BA? BAHALA KA. WALANG SISISIHAN HA.

PROLOGUE

Isa akong normal na kabataan na nahumaling sa pagbabasa ng mga kwento mula sa wattpad.

Isa akong normal na teenager na nabaliw sa mga fictional characters sa mga kwento na hindi naman totoo.

Isa akong normal na mambabasa na humanga sa mga magagaling na author na kinikilala ngayon.

Isa akong normal na babae na kinilig, umiyak, nagalit, at nalungkot sa mga eksena sa bawat nobelang aking nababasa.

Pero......

Katulad din ba kita?

Tuluyan kong minahal ang isang lalaking manunulat na hinid naman ako kilala. Sikat sya at wala akong pag-asa na mapansin nya. Hanggang sa malayo ko nalang sya kayang mahalin. Bilang isang fangirl lang ang tingin nya sa akin.

Ito ang kwento ng isang wattpad reader na patuloy na humahanga, umaasa at nagmamahal sa isang lalaking manunulat.

Sasamahan mo ba ako sa kwento ng aking buhay?



Behind His StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon