Chapter 6: My Bestfriend. My Protector

93 3 2
                                    

CHAPTER 6: My Best friend. My Protector.

- Richelle's Pov-

" Good morning Malabanan Family!!" Kaagad kong sigaw pagbungad ko ng kusina.

Sa sobrang lakas ng sigaw ko, biglang naihagis ni tatay yung tasa ng kape nya.

" Anak naman! Wag kang manggugulat ng ganyan! Ayan tingnan mo natapon ko tuloy yung kape ko." reklamo nya.

Lumapit ako kay tatay at hinalikan ko sya sa kanyang pisngi.
" Tatay ang aga aga hayblad ka na agad. Asan nga pala ang tres palitos? Himalang wala ngayon ah. Di ba sila sasabay sa almusal?"

Umupo ako katabi ni tatay. Kumuha ng pandesal together with the yummy hotdog.

" Di talaga sila makakasabay. Hayun pa sa kwarto nila mga tulog pa.
Napuyat yata kapapanuod ng korean drama sa loptop." Sabi ni Nanay. Ipinatong nya sa dining table ang panibagong plato na may lamang itlog. " Gwapong-gwapo sila sa mga Korean actors na bida sa pinapanuod nila." Dagdag pa nya.

Bigla kong naibuga yung iniinom kong kape! Pusha! Napaso ako! Ang init.

" Korean drama? Kelan pa sila natutong manuod nun? Nay, sigurado ba kayong ang tres palitos ang nasa kwarto nila? Sa pagkakaalam ko galit sa koreano ang tatlong yun eh. You gonna kidding me."

Chineck ko yung oras sa relo ko.

Takte! 7:30 am na pala! Bakit ganun? Maaga naman ako gumising pero bakit parang male-late na ako!

Inubos ko na yung kape ko at tumayo.

Kumuha ako ulit ng pandesal na may palamang hotdog---Sa daan ko na 'to kakainin.

" Mother, father, gentelmen este nay, tay. Gora bells na po ako, baka malate ako eh."

8:00 am kasi ang first subject ko at ayokong malate sa klase na yun lalo pa't ang proff. ko dun ay yung bakla naming teacher na masungit.

Kumiss ako sa pisngi nila tsaka ko kinuha yung bag ko sa upuan.

" Nak. di mo na ba hihintayin si Kaloy? Di ka sasabay sa kanya?"pahabol na tanong ni Tatay.

Yah. Oo nga pala. Bakit wala pa ang mokong na yun? Nagkaroon ba nang himala ang langit dahil wala pa sya? Nakakapagtakang wala pa ang lalaking yun, eh madalas naman nandito na yun alasingko palang ng umaga.

Bahala sya di ko na sya mahihintay pa. Malate pa ako dahil sa kanya eh.

" Di na po Tay. Sa campus nalang kami magkita. Kailangan ko na talagang umalis.Bye!"

-Sa Campus-

Mabuti nalang mabilis yung jeep na sinakyan ko at nakarating ako dito sa ZBU campus ng wala pang sampung minuto. Woh!

Sandali. Kanina pa ako may napapansin eh.

Anyare? Bakit kanina pa nakatingin sakin ang mga estudyante ng ZBU? Simula nang makapasok ako sa gate hanggang dito sa ground, naka sunod na ang kanilang mga mata sa akin.

Makatingin naman sila parang gumagawa ako ng krimen. What's wrong with them?
Lalo na yung mga babae dito sa campus tinatarayan ako ng tingin. Dukuin ko mata nila eh, lakas ng trip mang irap.

Kung nakakapatay lang ang tingin baka kanina pa ako nakahandusay dito sa lupa.

Ano bang meron? Kanina pa sila ganyan simula ng pumasok ako?
May dumi ba sa mukha ko? Baliktad ba yung damit na suot ko? Magkaiba ba yung sapatos na suot ko? Ano bang meron sakin at ganyan nila ako tingnan?

Pero dedma lang yan. Kunwari wala akong napapansin sa paligid.

Nagpatuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

Pero may tatlong babae akong nakasalubong at humarang sa daraanan ko.

" Sya yung girl di ba?"

Ha? Ako ba yung tinutukoy nya?

" Oo sya yun. Di naman pala maganda."

Sinong tinutukoy nyang di maganda? Ako?!

" Di ako makapaniwalang pinansin sya ni BlackMask. Ang chaka naman pala, ambisyosa pa."

Aba! Aba! Ako nga ang pinaparinggan ng tatlong 'to. May marinig akong BlackMask eh.

Papatulan ko ba ang tatlong toh? Geh! Push mo yan Richelle! Kapag si bebe ko na ang pinag-uusapan, lalaban ako para sa kanya!

" Hmm. Excuse me, ako ba yung pinaparinggan nyo? Pwede nyo naman sabihin sakin ng deretsya, hindi yung pinaparinggan nyo pa ako. "

Syempre dapat pa humble muna tayo. Dapat mabait parin ang dating kahit nasa away mode na.

" Alam mo naman pala na ikaw ang tinutukoy namin, nagtatanung ka pa." Sabi nung babaeng nasa gitna na hanggang balikat ang buhok.

" Teka nga, Sino ba kayong tatlo? Pwede bang umalis na kayo dyan sa daraanan ko? Malelate na ako eh."

Chineck ko ulit yung oras sa relo ko. Humaygas 7:45 am na!

" Ang dyosang babae na nasa iyong harapan ay nagtataglay nang sobrang kagandahan at katalinuhan. My name is Anita Grace Bermudez."

Oh? Tapos? Kailangan talaga may introduction ang pagpapakilala?

Lumapit sakin yung isa sa kanila na may malaking puting ribbon sa ulo at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nakakainsulto ang tingin nya ha! Minamaliit ba nya ako?! Oo! Alam ko hindi na ako tatangkad pero wag nyang ipamukha sa akin kung anong height ang meron ako!

" Ako naman ang babaeng galing sa kalangitan. Bumaba sa langit para iwaksi ang kapangitan dito sa kalupaan. My name is Beverlyn Tuazon Aquino."

Bumaba sa ano daw? Bakit nung binanggit nya yung 'kapangitan' sakin sya tumingin? Di naman ako ganun kapangit nuh.

Bigla tuloy akong napahawak sa mukha ko.

Yung isa pang babae na katabi nung Anita ay lumapit din sa akin.

Straight ang buhok nito at ang labi nya ay mas mapula pa sa dugo. Para tuloy syang sinapak sa nguso dahil sa lipstick nya eh.

Lumapit din sya sakin at hinawakan ang buhok. Pero ang arte ng pagkakahawak nya ha na para bang diring diri sa buhok ko.

" At ang panghuli. Ako ang babaeng patunay na mayroon talagang dyosa sa sangkatauhan na dapat mong katakutan. Cynthia Dela Cruz is my name."

Anong pakialam ko?

After that, si Anita naman ang lumapit sakin kaya ang resulta, nacorner na nila akong tatlo.

" At kami ang The three beautiful goddess of ZBU" Sabay-sabay nilang sinabi.

Ini-ikotan nila ako habang umawra sila.

Nang dahil sa ginagawa nila kumukuha sila ng atensyon mula sa ibang estudyante. Kaya ayun lalo tuloy akong pinagtinginan.

Takte! Nahihilo na ako sa ginagawa ng tatlong 'to!

" Pwede bang tumigil na kayo sa kaiikot sa akin?! Kung gustong nyong rumampa at mag awra awra dyan, doon kayo sa stage at wag sa harap ko. Pashnea!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind His StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon