Chapter 5: My First Date

48 3 0
                                    


CHAPTER 5: My First Date

- Richelle's Pov-

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakahiga sa kama at muntangang nakangiti habang tulalang nakatingin sa kisame. Simula nang umalis si Bebe ko dito sa bahay at bisitahin ako, ilang oras na akong nagkukulong sa kwarto ko.I niisip ko parin kasi ang nangyari kaninang umaga.

Oh m ge! Sa tuwing iniisip ko ang lahat ng kilig moment namin ni bebe ko kanina hindi ko mapigilang kiligin.

" KYAHHHH!!!!!"

Ayan napasigaw na ako. Hahaha yung lakas ng sigaw ko umabot atah sa labas nang bahay.

Biglang bumukas ng malakas yung pinto at tarantang pumasok ang Tres Palitos.

" ANO NASAN ANG MAGNANAKAW NA YAN AT PAPATAYIN NAMIN!!"
-kuya Ram

" ASAN?! HOY MAGNANAKAW KA?! UMALIS KA NA DITO! KAGANDAHANG LAHI LANG ANG MERON SA PAMILYA NAMIN KAYA WALA KANG MANANAKAW DITO!!"
-kuya Ray

" KUNG NAKIKINIG KA MANG MAGNANAKAW KA, SINASABI KO SAYO, NGAYON PALANG UMALIS KA NA!!"
-kuya Ran

Sinong mga baliw ang nagpapasok sa tatlong to dito sa kwarto ko?

Bigla bigla nalang papasok dito sa kwarto ko na para bang sasabak sa gera.

" Ano bunsoy ayos ka lang ba? Di ka ba nasaktan?"
-kuya Ram

Itong si Kuya Ram talagang may kaldero pa sa ulo at may hawak na malaking sandok.

Nako patay ka kay nanay Kuya Ram kapag napansin ni Nanay na nawawala yung kaldero at sandok sa kusina!

" Richelle, ituro mo kung nasan ang magnanakaw na umakyat dito sa kwarto mo at kami ang bahalang rumesbak sa kanya! Ano?! Andito ba sa ilalim nang kama mo? O andyan sa cabinet mo?!"
-Kuya Ray

Ito namang si Kuya Ray lakas din nang trip. Ginawa nyang shield yung kawali pati yung talong di nya pinalampas ginawa nyang baril at may tabo pa sya sa ulo.

" Richelle, sabihin mo ano ba itsura nung mag nanakaw. Wag kang mag alala nandito kaming tatlo para protektahan ka!"
-Kuya Ran

Ano kaya talaga nakain ni Kuya Ran at sumasakay na sa trip ng mga kakambal nya.

Isa pa syang di papatalo. May hawak syang walis tambo at daspan. Hula ko nag wawalis sya bago umakyat dito.

" Pwede ba tumigil nya kayong tatlo sa pagiging o.a nyo! Walang mag nanakaw okay! Wala! So, kung pwede lang lumabas na kayo dito sa kwarto ko. "

Tumayo ako mula sa kama at pinagtulakan silang lumabas ng kwarto pero pambihira di ko man lang magawang maitulak dahil ang lalakas ng katawan nila. Kainis!

" Ay. Wala bang magnanakaw? Kala namin meron."
-Kuya Ram

" Wala nga ang kulit ha.Paulit-ulit."

" Kala namin may nagtatangkang magnakaw nang magandang lahi natin."
-Kuya Ray

" Explain mo nga kung pano mananakaw ang magandang lahi. Baliw ka talaga kuya Ray."

" Eh bakit ka ba sumigaw?"
- Kuya Ran

Heheheh alam ko na pala kung paano mapapalabas nang kwarto ang mga 'to.

" Ah ano kasi, may ipis kasi dito kanina na nagpalipad lipad, ala paru-paro."

O.o- Kuya Ram
+_+-Kuya Ray
~_~-Kuya Ran

Kyahahahah I like the reaction on their faces hahahaha

" EWWW!! AYOKO NA DITO SA KWARTO MO MAY IPIS!! WAHHH AYOKO KO SA IPIS!!"
-kuya Ram

Hahaha wag ka mag alala di ka din gusto nung ipis! Nagtatakbo na sya palabas.

" WAHHH NAY!! TULONG MAY IPIS DITO!! NANAY!! MAY IPIS!!"
-kuya Ray

Hahaha pati si nanay dinamay mo!
Sumunod na syang lumabas kay Kuya Ram pero halos madapa na sya makalabas lang ng kwarto.

" WOHH!! Wala naman yung ipis dito ngayon di ba, Richelle?"
-Kuya Ran

" hehehe ayun sa ulo mo oh."

" KYAHHH IPIS LAYUAN MO AKO! UMALIS KA SA ULO KO!! KYAHHH!!"

Hahaha lakas nang loob na sugurin ang magnanakaw dito sa kwarto ko pero sa ipis lang tiklop na sila, biglang bumigay eh! Hahaha ay mga atey pala sila.

Pashnea, di na nila nagawang isara ang pinto. Ako na nga lang ang magsasara.

Muli ako naglakad pabalik sa kama ko at umupo.

Pinasadaan ko nang tingin ang isang puting malaking kahon na nasa tabi ko. Iniabot sa akin ito nung isa sa mga stuff ni BlackMask kanina. Ito daw ang susuotin ko mamaya.

Binuksan ko ito at tumambad sakin ang isang kumikinang na puting cocktail dress.

" Puti talaga? Sa pagkakatanda ko date lang ang pupuntahan ko at hindi kasal."

Wohh! Bakit parang kinakabahan ako sa mangyayari mamaya.

Sana lang maging perfect night to para samin.

Tumayo ako lumapit sa body mirror na malapit sa cabinet.

Tiningnan ko sa salamin ang sarili ko.

" Ikaw na talaga ang maganda Richelle, Imagine dati sa mga poster mo lang pinapangarap si BlackMask tas ngayon makakadate mo na sya! Woh! Eh di ikaw na!"

Galing! Kinakausap ako nung salamin! Charot lang.

-tok-tok-tok

Oh? Sino yung kumatok sa pinto?

" Miss Richelle andito na po yung make-up artist. "

Ay sosyal may pamake-up artist pa! Ang bilis naman ng oras. Madilim-dilim na kaagad ang paligid sa labas.

" Ah sige po. Pababa na po ako."

Muli akong tumingin sa salamin at Huminga ako nang malalim.

" Goodluck Ric!"

Behind His StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon