Chapter 4: My Special Visitor

65 1 0
                                    


CHAPTER 4: My Special Visitor

-Richelle's Pov-

Ha? Sino tong unknown number na toh?? Kanina pa toh tumatawag eh. Ako pa naman yung tipong pagdi nakaregister sa cellphone ang number di ko ito sinasagot.

Ano sasagotin ko ba? Paano kung scam to?
Bakit scam agad ang nasa utak ko? Sige na nga, sasagutin ko na.

" Sino ba 'to?! Bakit ba tawag ka nang tawag ha?! Kilala ba kita? Siguro scammer ka at magpapanggap kang kamag anak ko para humingi nang 500 load at ako naman ay magpapadala agad! Ano, bakit di dyan makapagsalita? Sagot?!"

Hinahaybald ako ng caller na 'to eh. Tumataas ang dugo ko ngayong hindi pa tumatawag ang bebe bm ko.

Sandali? Hindi kaya? Hindi kaya si bebe ko to? Di ba kinuha ng staff nya yung number ko. Oh no!

" Paano naman ako magsasalita kong ginera mo na kaagad ako, wala bang hi or hello man lang dyan? My future wife i mean Miss Richelle."

Omg!!!! SYA NGA YUNG TUMAWAG!! Gosh!! Hindi ako maaaring magkamali! Rinig na rinig ko mula sa kabilang linya ang robotic voice nya. Nakakahiya ang inasal ko. Bad girl Richelle!

Pero ano yung sinabi nya sa huli---- 'MY FUTURE WIFE'?? kyahhh ako talaga ang future mo bebe ko!!

" Oh? Bakit ikaw naman ang natahimik dyan? "

Pinipigilan ko po kasing kiligin sayo. Gusto kong magwala at magsisigaw!!

" Sorry hehehe, s-so bakit ka n-npatawag?"

Kunyari di ko alam ang dahilan. Hahaha Nabubulol ako!

" Of course, para i-update ka sa date natin."

Magde-date kami! Magde-date kami!! Party! party!

" So k-kelan at s-saan?" Relax self. Kung sa phone kinakabahan ka na, pano pa kaya kung sa personal na.

" Tommorow, 7 pm. May mga staff dyan na mag-aasikaso sayo and magpapadala na rin ako ng driver na susundo sayo para ihatid ka sa venue okay?"

" S-sige"

" See you tommorow, my future wife."

-toot-toot-toot-

Ay pinatay. Ganun lang? Ang ikli naman na convo namin. Pero okay lang mag de-date naman kami bukas!! I repeat! Magde-date kami bukas!! Dream come true na ba toh?! At lalo pang nadadagdagan ang kilig ko dahil don sa words na MY FUTURE WIFE. Gosh! Pinanindigan nya talaga ang salitang yun ha.

-Kinabukasan-

" RICHELLE!! RICHELLE!! RICHELLE!!"

Hay anu ba! Kita namang natutulog ang tao, tas ang ingay ingay.
Asan na ba yung alarm clock ko?

Habang nakapikit ,Kinapa ko yung alarm ko.

Bakit parang lumaki atah yung alarm clock ko? tsaka paano parang lumambot sya. Eh nung nakita ko sya kagabe ay hindi naman ganito.

Nang mahawakan ko na ang alarm clock ko ay hinampas hampas ko ito.

" Richelle! Richelle! Richelle!!"

Aba't ayaw tumigil! Lalo ko itong hinampas.

" Richelle! Langya naman ulo ko yan kaya wag mo akong hampasin gaya nang ginagawa mo sa alarm clock mo!!"

Dahan dahan kung minulat ang mga mata ko at inaantok paring napatingin sa nagsasalitang alarm clock na nakaupo sa harap ko.

" Bakit ka nagsasalitang alarm clock ka? Sinaniban ka ba nang masamang ispirito?--ARAY!!"

Nawala yung antok ko nung may humampas sa akin ng malakas gamit ang unan.

" Gwapo akong alarm clock!! Kaya gumising ka na dyan!"

" Kuya Ran naman, aga aga nambwibwisit ka! Ikaw gwapo?"

Ihahampas nya ulit sakin yung unan

" Sabi ko nga napakagwapo mong kuya ko. Umalis ka na at tutulog pa ako dahil wala po akong pasok ngayon."

Saka ako muling humiga at tinakpan nang unan ang mukha ko pero kinuha ni kuya ang unan ko at inalis ito sa mukha ko.

" Gaga. Di ka na pwedeng matulog. Bumangon ka na dyan."

Hindi naman ako palaging ginigising ni kuya Ran sa umaga. Minsan nga lang sya dumalaw sa kwarto ko eh. Ang madalas na nandito at nang gugulo ay sina kuya Ram at Ray.

" Bakit ba kasi nandito ka sa kwarto ko? Nagkmali ka atah nang pinasukang teritoryo! "

" Hindi ako pupunta dito kong hindi ako pinapunta dito ni nanay at dahil sa bisita mo!"

Napatingin ako sa kanya na may pagtataka sa aking mukha.

" ha? Sinong bisita? Wala naman akong bisita dahil mamaya pa naman dadating ang mga staff ni bebe ko. Tingnan mo 6 am palang oh."

" Oh talaga? Eh sino yung mga yun?"

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko kung saan nakaturo si Kuya Ran.

Behind His StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon