Chapter 3 : Surprise

63 2 0
                                    

 Chapter 3: Surprise

-Richelle's Pov-

Mula nung umuwi kami ni Kaloy galing mall hanggang dito sa bahay, hindi ko na inalis ang aking paningin sa hawak kong cellphone.

Iniintay ko na baka at this moment tumawag na ang bebe ko at sabihin kung saan at kelan ang date namin!! Saka ko nalang iisipin ang paraang gagawin ko para maging magkasundo sila Kaloy at Brake.

Nandito ako sa may sala at naka upo sa sofa.: Isang oras na akong naghihintay pero wala nganga!

Hanggang ngayon wala parin akong narereceive na tawag Huhuhu. Umaasa ako mga friends!

~Hanggang kailan ako maghihitay na para bang wala nang papalit sayo~

Badtrip na kapit bahay! Sa dinami-dami ng mga kanta, yun pa talaga ang napili nya! Batuhin ko kayo ng sapatos dyan!

" Hoy! Bunsoy ako yang ginagawa mo? Uso ba na ba ngayon ang pagtitig sa cellphone??"

Oh? Di ko atah napansin na lumapit sakin itong isang toh. Ang isang sa triplets.

" Kuya Ray, naman eh. Oo. Uso to ngayon kaya maride ka nalang."

Umupo rin sa sofa si Kuya Ray katabi ko at nakitingin din sa hawak kong cellphone. Kaya ayung muntanga kami parehong nakatitig sa cellphone.

" Bunsoy ganito ba??" ginaya nga yung ginagawa ko.

" Oo kuya! Push mo yan. Pero kumurap ka naman."

Kumurap -kurap si Kuya Ray.

" Ay nakalimutan ko, kala ko kasi titingin lang eh."

Hahahaha oh di ba magkuya kami.

" Ano ba yang pinagkakaabalahan nyo dyan ha, mga tol."

Lumapit samin si Kuya Ram na may hawak pang plato na may french fries.

" Hoy Ram, tingnan mo gagawin namin, uso daw to sabi ni Bunsoy eh."

Muling tumingin si Kuya Ray sa cellphone ko.
Kaagad namang lumapit si Kuya Ram para maki join.

" Sali ako dyan!"

Kaya ngayon tatlo na kaming timang na nakatitig sa phone ko habang kumakain ng french fries. Hahahaha

" Ram, Ray, Richelle. Ano ba yang kabaliwang ginagawa nyong tatlo?"

At this time si Kuya Ran naman ang lumapit. Pero hindi sya kagaya ni Kuya Ray at Ram na makikijoy ..minsan istrikto sya at seryoso sa aming magkakapatid.

Triplets nga pala sila.

" Akin nA nga yan----" Kinuha ni kuya ang cellphone ko ."---- Tama na ang kalokohan nyong tatlo."

" Kuya Ran naman eh. Wahhh balik mo cellphone ko. May hinihintay akong tawag eh."

Tumayo ako at pilit na kinukuha kay kuya Ran ang phone. Pero inextend nga ang braso nya pataas para di ko maabot yung phone.

Pero dahil napakatangkad nya at ako naman ay maliit , di ko tuloy maabot yung phone ko kahit anong talon ko.

" GO BUNSOY! KAYA MO YAN!"
-kuya Ram

" TALON PA MORE!!"
-kuya Ray

Mga sira! Nagawang pang mag cheer. Try kaya nilang tulungan ang maganda nilang bunso.

Kahit anong gawin ko di ko maabot yung phone. Wahhh bakit ba di ako nabiyayaan ng katangkaran gaya ng mga siraulo kong kuya!!!

Lumuhod ako at nagmakaawa kay kuya, maaawa yan sakin, swear.

" Kuya Ran.. Huhuhu parang awa mo na ibigay mo na yang cellphone ko!!"

" Gusto mo yung cellphone mo? Okay fine."
Ibinaba ni Kuya ang kamay nya at dahan dahang inaabot yung phone sa akin.

Wohhh! Sa wakas! Sabi ko sa inyo maaawa yan sakin eh.

Abot kamay ko na sana yung phone pero mabilis pa sa kabayong ibinulsa ni Kuya Ran yung phone ko.

" Asa ka pa!"

Wahhhh! Bakit?!

" Ah ganun ha!"

Dahil nakaluhod naman ako kanina, kumapit na rin ako sa isang paa ni Kuya Ran.

" Hoy. Umalis ka dyan! Sisipain kita dyan eh."

" di ako aalis dito hanggang di mo binabalik cp ko!!!"

" Mga anak! Wag nyo ngang pagtripan na naman yang kapatid nyo! Kakain na nang dinner." Sigaw ni nanay mula sa kusina.

Kaagad na nag unahan sa pagtakbo sina Kuya Ram at Kuya Ray papunta sa kusina.
Narinig lang nang dinner biglang nabuhayan yung dalawa! Nako basta sa kainan di mawawala ang dalawang yun,always present.

" Hoy Richelle, bitawan mo na yang paa ko at tumayo ka na, narinig mo naman si nanay di ba, kakain na daw!"

Yumakap na ako sa isang binti ni kuya, di kami kakain ng dinner hanggat wala yung phone ko!

" Wag ka na ring umasa na aalis pa ako dito! Ibalik mo muna yung cellphone ko!!"

" Ganun pala ha. Di wag kang umalis."

Nakita kong ngumiti si Kuya Ran. Yung ngiti nang hindi gagawa nang maganda.

Nalunok ko tuloy ang laway ko nang wala sa oras. Nako paktay ako nito, kilala ko ang kuya kong to kapag ngumingiti nang ganyan. Dapat ko nang ihanda ang sarili ko.

" Ok fine, kung ayaw mong umalis dyan, tara na sa kusina."

Dahil nga nakayakap ako sa isa sa mga binti nya ay pakaladkad nya akong dinala sa kusina.

At pagdating namin sa kusina...

Muntik nang mabitawan ni nanay ang hawak nyang baso nung makita kaming dalawa ni Kuya Ran.

" Nak,Richelle di mo naman sinabing maglalampaso ka pala ng sahig eh di sana binigyan kita ng basahan."

Oh pati nanay ko may pagpilosopo din eh, lam na this may pinagmanahan.

Nagtawanan naman sina kuya Ray at Ram

" Tumayo ka na dyan Richelle at kakain na."

" Hindi nay, hindi ako aalis dito hanggat di binibigay ni Kuya Ran ang cellphone ko."

Hehehe ako na sumbongera. Bunso eh.

Nagpamewang si nanay with matching taas kilay at hinarap si Kuya Ran.

Si kuya Ran naman napayuko. Hahahaha tiklop yan kay nanay!

" Ran. Ibigay mo na yung phone ng kapatid mo. Kung ayaw mong kayong apat ang maparusahan!"

Kinuha ni kuya ang phone ko sa bulsa nya at inabot sakin.

" Oh ayan na!"
Labas sa ilong nyang sabi sakin.

Pagkakuha ko nang phone ko ay tumayo na ako at pinagpag ko ang suot kong tshirt. Langya, nalinis ang sahig namin ng di oras ah.

Umupo na si kuya Ran katabi ni Kuya Ram. Samantalang ako ay umupo katabi si nanay.

Wahhhh! Ang cellphone kong mahal na mahal ko.

" Richelle nak. Itago mo muna yan phone at kapag ako ang kumuha nyan, habang buhay kang wala phone, sinasabi ko sayo"

"Opo nay!"

Takot ko lang noh.

Behind His StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon