There's No Exemption

0 0 0
                                    

(DISCLAIMER: WARNING! This is a work of fiction. This story will contain sensitive topics that may trigger some viewers.)

"T H E R E ' S N O E X E M P T I O N"
-KryzaBella(Aella)

"Oy tol, napano ka na naman?" Tanong ko ng makita ang paika-ika kong barkada na palapit sa akin. Sinamaan niya ako ng tingin at 'di ko na napigilan pa ang tawa na kumawala sa akin.

"Layuan mo nga ako Trisha,"

"Grabe naman 'to, nagtatanong lang eh!" Patawa-tawa kong sabi. Mas sumama ang timpla ng mukha niya, bago pa man niya ako mabatukan ay umatras na ako mula sa kinatatayuan niya.

"Layuan mo ako bago pa kita masapak dyan." Inayos ko ang pagkakasuot ko ng sumbrero ko at tuluyan ng umalis.

Habang naglalakad ako halos lahat ng tao na nadadaanan ko ay bumabati sa akin. Ganito talaga dito sa amin, sa sobrang liit ng compound namin halos lahat magkakakilala na. Hindi sa nagmamayabang ako pero medyo kilala ako dito sa amin. Napatigil ako sa paglalakad ng makita ang matandang tindero ng balut na si Mang Pedro.

"Trisha! Kamusta?" nakangiting bati niya sa akin na akin namang sinuklian.

Umupo ako sa tabi niya at agad niya naman akong binigyan ng balut na patawa-tawa kong tinanggihan. "Ok lang naman ho ako, kayo po ba? Kamusta si Manang Ester? Balita ko nirarayuma na yun."

Napatawa siya at hinarap ako, "Oo nga eh, inabot na rin namin ang katandaan. Siya nga pala, may pinapamigay si Ester kay Tito mo, pwede bang pakibigay?"

"Oo naman po! Walang problema. Kayo pa ba? Eh ang lakas niyo sa akin eh!" Sabi ko sabay kindat na ikanatawa niya.

"Ikaw talagang bata ka. Ang ganda-ganda mo, daming nagkakagusto sa'yo dito sa atin pero nawawalan ng pag-asa dahil mas maangas ka pa sa kanila," Sandali akong natigilan sa sinabi niya pero agad akong ngumiti.

Pareho lang sila ng sinasabi ni Mama.

"Aba, tama lang na mahiya sila sa mga muscle ko,"

"Jusko talagang bata ka, basta kung may kailangan ka. Andito lang kami."

-----

Narating ko na ang bahay nila Tito at agad akong kumatok sa pinto.

"Tao po? Tito?"

"Oh? Trisha, naparito ka?" Bati niya ng mabuksan niya ang pinto. Pinapasok niya ako at agad na pinaupo sa upuang kahoy na ginawa niya.

"Ah, may pinapaabot po kasi si Manang Ester. 'Di na ata niya kaya na maglakad papunta dito sa parte niyo, alam niyo naman. Nirarayuma na." Napatawa siya sa sinabi ko at agad na inabutan ako ng tubig na malugod kong tinanggap.

"Ang bait mo talaga Trisha, ang ganda mo pa. Sigurado ako sa ilalim ng suot mo may katawan kang papantay kay Kim Domingo," 'Di ko mapigilang 'di mabilaukan sa mga sinabi niya. Sandali akong nakaramdam ng hiya kaya agad akong tumayo para magpaalam,

"A-ah... Sige po, aalis na ako. Dami ko pa pong pupuntahan eh. Nag-aaya rin ng basketball ang barkada."

"Mamaya na 'yan, samahan mo muna akong kumain ng pananghalian. Wala pa si Tita mo eh." Wala na akong takas. Mag-mumukha akong masama kung tatanggihan ko ang inosenteng pag-aaya niya sa akin.

Habang kumakain kami hindi nakatakas sa pansin ko ang malalagkit na titig na binigay sa akin ng Tiyo ko. Napalunok ako, hindi dapat ako nag-iisip ng ganito. Tito ko 'to. Walang gagawing masama sa akin 'to.

"May ipapakita ako sa'yo Trisha. Tara dito," I hesitated. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang susundan basi sa mga inaakto niya. Pero gaya ng ng sabi ko kanina. Tito ko 'to, walang gagawing masama sa akin 'to.

One-Shot Story CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon