"H O R R O R H O U S E"
"Aira, may horror house silang pinatayo, ano? Game ba kayo?" Pag-aaya ng isang kabarkada ko
Oo nga pala no, Malapit ng mag November. Nauuso na naman ang mga katakot takot na mga bagay.
"Sige! Tara alam ko namang matatakutin kayo eh" Pagsasangayon ko. Pero sa totoo lang? Takot ako sa mga ganitong bagay. Pero syempre pa cool ako.
"Sige ba, pustahan? Ang unang sisigaw manlilibre." At doon na namin napagsangayunan lahat.
------
"Oh, sinong mauuna pumasok?" Tanong ko ng narating na namin ang harapan ng Horror House. Bwesit. Ba't kailangan realistic ang effects? Nanginginig na ako pero hindi ko pinakita sa kanila. I hesitantly smiled ng tumingin silang lahat sa akin.
Wag mo sabihing..
"Ikaw na mauna Aira"
"H-ha? Hindi na kayo na, ano ba naman kayo. Kayo nag-aya eh! Siga na mauna na kayo" Sinubukan ko talagang umilag. Pero ako talaga ang papaunahin nila huhu.
"Unahan mo na. Takot ka ba?" They are tempting me! They are coaxing me. Alam nila na mataas ang pride ko at hindi ako nagpapatalo.
"Anong takot? Tingnan niyo ako. Papasok na ako" Sabi ko at tinalikuran sila. Rinig na rinig ko ang sigawan nila na pumasok na ako. At rinig na rinig ko rin ang sigawan at tili ng bawat taong pumasok sa horror house na'to. Napalunok ako at unti-unting pumasok.
Ang dilim! Puting-puti na ako dahil sa sobrang kaba. Nanginging na ang mga tuhod ko ng may maramdaman akong kamay na humahawak sa balikat ko.
Pikit mata akong humiling na sana mawala na ang kamay na ito. Pero ng maramdaman kong mas dumami ang mga kamay ng kumakapit sa akin di ko na na napigilan.
"WAAAAAAAAAAAAAAAHHHH TULONG!!" Sigaw ko at tumakbo, may nakita akong lalaki at na para bang walang pakialam sa paligid niya mukha siyang nabobored. Hindi ba siya natatakot? Agad-agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.
"KUYA, ILABAS MO AKO DITO PLEASE HUHU KUYA! ANG GWAPO MO PERO TULUNGAN MO AKONG MAKALABAS DIT- WAAAAAAAAHHH LUMAYO KAYO" Sa kalagitnaan ng Pagmamakaawa ko sa kanya may isang white lady na nagpakita sa tabi ko kaya mas laking humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Naramdaman ko namang yumakap siya sa akin pabalik kaya I leaned my head on his chest as I clenched his shirt.
"Tsk, you. Alam mo na nga na natatakot na tinatakot mo pa? Tsk. Layuan niyo nga kami" Sabi niya sa white lady. Padabog na umalis ang white lady sa amin at narinig ko pa itong sumabi ng 'walang forever'. Aba white lady na nga bitter pa rin.
"At ikaw, don't worry. I'll protect you. I won't let anyone hurt you or scare you" He said he smiled at me then he winked. He grabbed my hand as he lead me outside the horror house.
Instant lovelife!
-KryzaBella(Aella)
BINABASA MO ANG
One-Shot Story Compilation
RandomThe compiled version of all the one-shot stories that I posted in Facebook. Check out both my accounts on Facebook: Aella Bella and Kryzy Bae