"L O L L I P O P"
"Para kang Bata!" Napanguso ako sa Sinabi ng Kaibigan ko.
Ba't ba pinapakialaman nila ang buhay ko? Pakealam ba nila kung adik ako sa lollipop? Lahat tayo may kinakaadikan! Pasalamat nga sila hindi shabu ang trip ko eh.
Napairap ako sa mga Kaibigan ko at muling sinubo ang lollipop na kanina ko pa pinapatunaw sa bunganga ko. Nakita ko ang mukha ng pabirong pandidiri sa akin. Napangisi ako at niluwa muli ang lollipop at kinindatan sila.
"Iluwa mo na nga yan! Ikalima mo na yan!fa Masisira talaga ngipin mo eh!" Pagbabanta niya sa akin. Napatawa ako at muling pinasok ang lollipop sa bunganga ko.
"Ngipin ko naman eh!"
"Bala ka na nga dyan! Buhay mo naman yan eh" Sabi niya at umirap. Napatawa na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ng ikalima kong lollipop ngayong araw.
Sino ba naman kasing di maadik sa lollipop? Kendi nga lang na may stick, pero mas nakakaenjoy kainin eh!
"BTW, Nasa Cafeteria raw si Kian!" Unti-unting nanlaki ang mata ko sa Sinabi ng Kaibigan ko. Hinarap ko siya at hinawakan ko ang balikat niya ng may nanlalaking mata at may isang lollipop sa bunganga.
"T-totoo?! Ano pang ginagawa natin dito? Tara sa Cafeteria!"
I can't believe na for the first time pupunta si Kian sa cafeteria. Germaphobe ang lalaking yun kaya di ko alam kung bakit for the first time pumunta na siya sa cafeteria na puno ng tao. Daming naartehan sa kanya kasi nga laging naka-mask at laging nag-aalcohol. But actually that is a major turn on for me, he is unique and way much more different than most guys out there. Di pa marumi hihi.
"Basta si Kian pag-uusapan kaya mong irisk ang lollipop mo at impossible yun! Kaya talaga bilib ako kay Kian eh" Di ko na pinansin ang Sinabi niya at naglakad papunta sa cafeteria. This is the only time I'll be over to go atleast a meter near him. Grabe kasi talaga ang pagka-germaphobe niya. Kahit sa classroom nila he requested the teacher to place him at the very corner and that his seatmates will stay atleast 2 meters aways from him. Kaya ito lang ang nag-iisang chance ko para mapansin niya ako.
Actually, lagi naman talaga akong nagpapapansin eh, lagi akong nakaabang sa labas ng classroom niya habang may dalang pagkain, of course hanggang Labas lang ako ng classroom nila, pero Siyempre dala-dala ko ang mga pagkain na binibigay ko sa kanya ng may suot na lab Gown, gloves, hair net at face mask. Ganyan ako kadesperada na mapansin niya.
Haisst.
Nakarating na ako sa cafeteria. Hugot hininga kong pinihit ang doorknob habang kagat-kagat ko pa rin ang lollipop ko. Bumilis ang tibok ng puso ko ng saktong pagbukas ko ng pinto ay nagkatinginan kami ni Kian mata sa Mata.
OMG!
Napahawak ako sa puso ko ng bigla siyang lumakad papunta sa kinatatayuan ko. He walks wearing his complete uniform, gelled formal hair, black shoes, white socks at di mawawala ang face mask na panangga niya.
Nanlaki ang mata ko ng di ko namalayang nakatayo na pala siya sa harapan ko. Nanginig ako sa sobrang kilig ng bigla niyang tinanggal ang face mask niya sa harapan ko.
"Masarap ba yan?" Tanong niya habang nakanguso sa lollipop na nasa bunganga ko. Nanlaki ang mata ko sa Sinabi niya. Siya? Kakain ng kendi? Impossible. Kinuha ko ang lollipop ko sa bunganga ko at nakita kong sinusundan niya ito ng tingin. His eyebrows crossed and he actually looks so adorable!
"A-ang lollipop? Oo naman!" Sabi ko at tumango-tango. Nakita ko siyang ngumisi at muli na naman kaming nagkatinginan. Namula ako sa kilig kaya Dali-dali akong Yumuko at kinagat ang ibabang labi ko. Mannerism ko na kasi ang kagatin ang ibabang labi ko tuwing kinakabahan ako o kinikilig.
"Talaga ba? Bata pa ako nung huli akong kumain ng lollipop, nakalimutan ko na nga lasa niyan eh." Muli kong Tinaas ang tingin ko at nagkatinginan ulit kami, I felt my heart beat accelerated when he smiled at me.
Ano bang nangyayari kay Kian ngayon?
Muli na namang bumalik ang tingin niya sa lollipop na Hawak-hawak ko. Kaya Dali-dali kong kinapakap ang bulsa ko.
"A-ah. Gusto mo ba? Tek-"
Di ko na natapos ang sinasabi ko ng bigla siyang lumapit, muli niya akong tinitigan sa Mata. Ngumisi siya at ganun na lang ang naging gulat ko ng bigla siyang yumuko at sinubo ang lollipop na Hawak-hawak ko.
Namula ako sa kilig at napakagat muli sa labi ko. Iniluwa na ni Kian ang lollipop at nginisihan ako
"Masarap nga ang lollipop" sabi niya at kinindatan ako. Muli ko na namang kinagat ang ibabang labi ko at doon na naman siya napatingin.
"Masarap nga ang lollipop, pero mas masarap ata ang labi mo" sabi ni Kian at nilapat ang labi niya sa akin. Naglapat ang labi namin ng tatlong Segundo at natapos rin agad ng humakbang siya palayo.
Puchana! What happened to the world!
-KryzaBella(Aella)
BINABASA MO ANG
One-Shot Story Compilation
RandomThe compiled version of all the one-shot stories that I posted in Facebook. Check out both my accounts on Facebook: Aella Bella and Kryzy Bae