"B A T T E R Y"
Kakadating ko lang sa bahay. Pagod na pagod na ako, dirediretso akong pumasok sa kwarto ko at humilata sa kama ko
"Ugghhh Stress!" I said through my pillow. Kakapagod ng school!
I reached for my phone and saw that it only has 6% battery percentage left. Nasan ba ang charger ko?
Bago ko pa man masimulan ang paghahanap ng charger ko naramdaman ko ang vibration ng cellphone ko. I looked at the notification and saw that I have 1 message.
----
6:45pm 9/8/18
You Are Now Connected On Messenger
Jeffry (Active Now)
Jeffry:Natalia, busy ka ba?
----
Napakunot ang kilay ko but at the same time bumilis ang tibok ng puso ko. Matagal ko ng Crush si Jeffry, kaya nakakapagtaka na kinausap niya ako ngayon.
---
Natalia:Di naman bakit?
Jeffry:(Typing...)
Jeffry:(Seen)Natalia:May sasabihin ka ba?
Jeffry:Uhm.
Natalia:Ano ba yun?
Jeffry:Ngayon ko lang gagawin to eh
Natalia:Ang alin?
Jeffry:Nahihiya ako ngayon
Natalia:Luh? Bakit?
Jeffry:Isang beses ko lang to sasabihin. Pag di ka nagreply pagkatapos ng 1 minute yun na ang sagot mo, di na kita guguluhin pa.
Natalia:Ha? Anong pinagsasabi mo?
Jeffry:Natalia, Mahal Kita.
----
Lumaki ang mata ko ng nabasa ko ang message niya, bumilis ang tibok ng puso ko.
OMG! MAHAL AKO NG CRUSH KO!
Nagtatalon-talon ako sa saya sa kama ko. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko.
Nanginginig ang mga kamay ko para itype ang reply ko ng biglang namatay ang cellphone ko.
TANG*NA!
Hinanap ko ang charger sa kwarto ko pero di ko mahanap. Napasabunot ako sa buhok ko at tumakbo sa kwarto nila mama.
Dali-dali kong kinuha ang charger niya at plinug sa phone ko. I turned my phone on after I saw the screen recognizing the charger.
Kagat labi akong naghintay na magkaroon ng Malay ang namatay kong cellphone.
I looked at the time.
It's already 7:15pm
I opened our conversation box but my heart broke as to what I saw.
-----
6:56pm
Natalia:(Seen)
Jeffry:Haha, sorry ha? Akala ko kasi mahal mo rin ako eh. Yun kasi sabi ng barkada ko eh. Sorry sa pagdisturbo. Hindi na kita kukulitin pa.
You Can No Longer Reply To This Conversation
----
Napanganga ako. Nanlulumo ako, Nangingilid na ang luha ko. Napag-alaman kong Crush ako ng Crush ko pero dahil sa battery ng cellphone ko nasayang ang chance ko.
-KryzyBella(Aella)
BINABASA MO ANG
One-Shot Story Compilation
RandomThe compiled version of all the one-shot stories that I posted in Facebook. Check out both my accounts on Facebook: Aella Bella and Kryzy Bae