Mother's Day

4 0 0
                                    

"M O T H E R ' S D A Y"

"My mother wasn't that special. I felt like she was just another woman in my life. She's an OFW, She neglects me, I never felt the love she showed stranger's children. She had me at the age of 16. She was Ms. Perfect, and I was first mistake Ms. Perfect made.

I knew that she didn't love me. Back when I was a child, I would often ask her to buy me a ₱5 toy for me to play with because we can never afford expensive things, she would shove me away and say that things like those aren't important and we need to prioritize our needs and not our wants. The day she went away I was 12 years old. She said that she needs to go abroad to work. I felt happy because the person I loathe will finally leave.

"Anak, pakabait ka." Those were her final words before boarding the plane. No 'I love you' or 'I'll miss you,'

I rebelled, I never felt the warmth of a mother's hug or the sweetness of a mother's love. My mother hates me. And I hate her for hating me... "

FLASHBACK~

5 years old

"Mama! Gusto ko nun!" Sabi ko sabay turo sa isang maliit na laruan na tinda ng isang matanda sa loob ng divisoria. Malaki at klarong-klaro ang sulat na limang piso kada-piraso ang mga laruan na tinda-tinda niya.

Hinirap ni mama ang tinuturo ko at umiling.

"Wala tayong pera."

"Ma, sige na please! Ngayon lang naman ako nanghihingi eh," Pamimilit ko sa mama ko, mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at plnagmakaawa na bilhin niya ang unang laruan na pinapabili ko sa kanya.

"Wala nga tayong pera! Kailangan nating unahin ang pagkain natin kaysa sa walang kwentang laruan na 'yan," Naluha ako sa pagtatanggi niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya tulad ng mga mama ng mga classmates ko na binibili ang mga gusto nila, na maraming laruan dahil mahal sila ng mama nila.

"Kailangan mong maintindihan 'nak," Huli niyang sambit bago kami humakbang papalayo sa matandang tindera sa divisoria.

-----

10 years old

"Anak, umayos ka. 'Wag kang magulo, pupunta tayo kila lola mo," Napalingon ako sa naka-upong pigura ni mama at 'di maiwasang napatanong, "Lola?"

"Oo, kaya magpakabait ka doon,"

"Bakit po?" Takang tanong ko sa kanya, ngumiti siya at binababa ang blusa kaka-tupi niya lang.

"Doon ka muna, aalis ako. Matatagalan bago ako makabalik 'nak," sabi niya. Nanlaki ang mata ko at agad siyang nilapitan.

"I-Iiwan mo ako?" Ngumiti lang siya sa akin at hinawakan ako sa ulo. 'Di ko na napigilan ang mga luha ko.

Ganun lang ba kadali para sa kanya na iwan ako? Hindi ba talaga ako niya mahal o minahal man lang?

"B-Bakit? Isama mo ako mama! Papakabait na po ako. Hindi na ako hihingi ng laruan, hindi na ako magpapabili ng gamit. Mama 'wag mo akong iwan, please." Pagmamakaawa ko sa ina ko. Pero tila bingi siyang nakatitig sa kawalan at iwinaski ang pagkakahawak ko sa braso niya,

"Anak, pakabait ka ha?"

------

12 years old

"Anak, aalis na ako," Paalam niya sa akin,

"Mama, p-please 'wag mo akong iwan,"

"Anak, pakabait ka ha?" Huli niyang sinabi at naglakad paalis. She never even looked back.

PRESENT~

"... I noticed that I've always begged. I begged for toys, for attention and for her love but she always shrug me away. I learned that she will never love me," Napatawa ako ng pagak habang inaalala lahat ng alal-ala namin ng aking ina.

One-Shot Story CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon